Because of Love 2

BLURB : 

"Money can buy anything in this world Yna, even people!" Sagot nito. At sumilay sa mga labi nito ang nakakalokong ngiti.

"So ano? You own this place? Did you bought this whole town just to make me misserable? Nabili mo na rin ba pati ang mga tao sa paligid ko? Lahat ba sila nabayaran na ng pera mo?" Galit na sigaw. Hindi maiwasang maiyak. Dahil sa nakikita n'yang mala demonyong ngiti sa mga labi ni Andrew nasagot na ang lahat ng tanong n'ya.

Alam naman n'ya na wala s'yang kakampi sa bahay nila kahit mismong ang Daddy n'ya hindi n'ya kakampi, hindi na s'ya magtataka, kung noon nga nagawa s'yang ipambayad utang ng Daddy n'ya kay Andrew at ngayon si Yhuan naman dahil lahat yon sa pera. Napakasakit isipin na sarili n'yang Ama ang nagtutulak sa kanya sa bangin. maling-mali ang desisyon n'yang bumalik pa ng San Miguel, kung nanatili lang sana sila ni Yhuan sa New York hindi ganito ang sitwasyon nila ngayon, anong laban n'ya kay Andrew? Mapera ito at makapangyarihan isama pa wala s'yang kakampi sa bahay nila o masasabing sa bayan nila.

"I know masakit marinig but, yes, Yna nabili ko na lahat ng meron ka! Akin lahat ng inaapakan mo! Akin lahat ang nakikita ng mga mata mo! Kakampi ko lahat ng nakaka-usap mo! Pera ko ang binubuhay mo sa anak ko!" Matigas na sagot ni Andrew na tila ba bawat salita nito umihiwa sa puso n'ya.

Sunod-sunod na patak ng mga luha ang tanging naging sagot n'ya, pagod na s'yang umiyak pagod na pagod na s'ya, sinulyapan n'ya si Yhuan na mahimbing parin ang tulog.

"Ibigay mo nang maayos ang gusto ko para sa anak ko Yna, ibigay mo ang karapatan ko sa anak ko at hindi ka na mahihirapan!

CH APTER 1

HAPPY 1ST BIRTHDAY YHUAN

Ang malaking banner na nakasabit sa tabi ng malaking swimming pool, puno ng mga naglulutangan mga ibat-ibang kulay na mga lobo at ilang mga palamuti, na sadyang pinalulutang sa pool para mas maging maganda ang tubig.

"I can't believe you're already 1 year old baby Yhuan," bulong n'ya sa batang nakasakay sa stroller habang pinagsasawa ng bata ang mga mata sa makulay na desenyo ng paligid.

"It's your first birthday my Baby Yhuan, Mommy always love you" Bulong n'ya ulit sa bata at kinuha mula sa stroller at binuhat ang malusog na batang lalaki.

"Hello there handsome baby" Si Penny ng makalapit sa kanila may hawak na maliit na balloon at nilalaro sa harap ng bata at tuwang-tuwa naman ito.

"You're a big boy now Yhuan. Ang bilis n'yang lumaki no Ate Yna"

"Oo nga" Tipid na sagot n'ya at sinuklay n'ya ang makapal na buhok ng anak na alam n'yang sa Ama nito namana 'yon.

Bigla n'yang naisip si Andrew na mula ng maipanganak n'ya si Yhuan sa New York ay hindi pa nito nakikita ang anak nila. Anak nila? Oo kahit ayaw n'yang tanggapin si Andrew parin ang Ama ng anak n'ya.

Matapos ang gabing puntahan n'ya si Andrew sa Maynila para aminin ang tunay na nararamdam rito, pero na uwi lang ang lahat sa sakit at sama ng loob ng makita n'yang kasama ni Andrew si Lea sa Condo nito. Sinubukan s'yang habulin ni Andrew para kausapin, para magpaliwanag pero hindi na n'ya ito pinagbigyan pa. Sinundan s'ya ni Andrew sa San Miguel pero hindi na s'ya muling nagpakatanga umiwas s'ya. Ginawa n'ya ang lahat maiwasan lang ito, kahit pa pinakiusapan na s'ya ng Daddy n'ya at Mommy nito na makinig s'ya para na lang sa batang dinadala, nagmatigas s'ya at wala s'yang pinag-sisihan sa naging desisyon n'ya.

Pagka graduate n'ya kahit ayaw ng Daddy n'ya lumipad s'ya pa New York para doon ipapatuloy ang pagbubuntis n'ya, hindi naman sa tinatago n'ya sa mga taga San Miguel ang pagdadalang tao n'ya na walang asawa, gusto lang talaga n'yang mamuhay mag-isa at iwasan si Andrew na panay parin ang paghahabol nito sa kanyan, at panay din ang iwas na ginawa n'ya.

Namuhay syang mag-isa sa New York kahit buntis s'ya, tinulungan s'ya ng kapatid ni James na sa New York naka base. Isa itong Nurse sa kilalang hospital sa New York at ito ang naging kagabay n'ya sa pagbubuntis n'ya. Nagawa din n'yang magtrabaho bilang waitress, sa sikat na restaurant na malapit sa tinutuluyan nila ng ilang buwan, para sa mga pangangailangan n'yang personal. Dahil nahihiya naman s'yang umasa na lang sa kapatid ni James, na si Jane na sadyang napakabait sa kanya at pumayag itong kupkupin sya sa New York.

Naipanganak n'ya si Yhuan sa New York sa tulong ni Jane at ni James na sadyang nagpunta pa roon para gabayan s'ya sa panganganak n'ya, na tila ba ito ang Ama ng batang dinadala n'ya. Kaya naman malaki ang pasasalamat n'ya sa magkapatid at hindi s'ya pinabayaan ng mga ito. Sa New York narin n'ya pinabinyagan si Yhuan kinuha n'yang Ninong si James, at ang boyfriend ni Jane na si Dave at Ninang naman ang isang Nurse na kaibigan ni Jane na tumulong din sa kanya. Walang nakakaalam na ang mga ito ang tumulong sa kanya sa New York, hindi n'ya pinapaalam dahil alam n'yang pag nalaman ni Andrew na si James ang tumulong sa kanya sa New York magagalit ito. Wala namang kasalanan sa tutuusin si James, tumutulong lang ito.

Mula ng makabalik sila ng anak sa San Miguel ilang beses ng sinasabi ng Daddy n'ya na gustong makita ni Andrew ang anak nila, pero agad n'yang tinatakot ito na aalis muli ng bansa pag nagpakita si Andrew sa kanila. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para magkaharap at magka-usap sila at hindi parin ito ang panahon para makita ni Andrew si Yhuan, hindi n'ya maitatanging anak nga ni Andrew ang bata dahil kamukhang-kamukha nito ang bata, wala man yatang nakuha ang bata sa kanya, marahil dahil noong pinagbubuntis n'ya ito ay laging si Andrew ang iniisip n'ya. At ngayong kaarawan ni Yhuan pinagpapaalam ng Mommy ni Andrew na payagan na si Andrew umattend ng birthday party ni Yhuan, tumanggi s'ya ulit. Hindi pa s'ya handa sa ngayon na makita ang nag-iisang lalaking minahal n'ya at sinaktan lang s'ya, pinaasa at pinaglaruan.

"Ate Yna are you ok?" Tanong ni Penny.

"Ah? yeah! I'm ok." Tipid na sagot n'ya at hinalikan sa noo si Yhuan na nilalaro ang buhok n'ya.

"Anyway Ate Yna I know wala ako sa lugar para sabihin ito, but, I think Kuya Andrew need to see his son" Sabi ni Penny na nasa tono ang pagdidiin nito ng His son.

Bumuntong hininga s'ya at lumakad palapit sa mesang inaayusan ng mga waiter na kinuha nila para sa big birthday party ni Yhuan.

"I don't want to ruin this special day Penny " Seryosong sagot nya at sinulyapan ito na kahit wala na si Andrew sa San Miguel nanatili ito sa bahay nila at pinagpatuloy ang pag-aaral sa San Miguel University. Tuwing bakasyon umuuwi ito ng Norway, para makita ang nakababatang kapatid at ang mga magulang. Alam n'yang kasama nitong umuuwi ng Norway si Andrew dahil alam n'yang over protective si Andrew pagdating sa mga kapatid na babae kahit na sabihin pang mga halfsisters lang nito ang mga ito.

"But he is Yhuan's  Dad! you can't keep that forever from Yhuan! Yhuan need to meet his Dad and so Andrew need to meet Yhuan!" Pagsusumamo ni Penny.

"Penny please not now! not today!" Pakiusap n-ya at lumakad papasok sa loob ng malaking bahay. Ayaw n'yang makasagutan si Penny kaya iiwas nalang s'ya.

Pagpasok n'ya sa loob kaagad s-yang tumuloy sa silid n'ya, na tila nursery room na ngayon. Ang dating makikay na silid n-ya ay tila silid na ng batang lalaki dahil puro mga Superhero na ang nakadikit sa dingding.

"I love you Yhuan. I'm sorry kung hindi mo pa pwedeng makilala ang Daddy mo ngayon, hindi pa kasi ready si Mommy, I'm sorry baby" Naiiyak na bulong n'ya sa anak, habang yakap-yakap n'ya anak.

Alam n'yang mali na itago si Yhuan kay Andrew, pero hindi s'ya masisisi ng mga ito kung bakit n'ya ginagawa ang mga bagay na 'yon. Nais n'yang protektahan ang anak at higit sa lahat nais n'yang protektahan ang sarili kay Andrew, hindi n'ya alam kung ano ang magiging reaksyon n'ya pag nakita n'ya si Andrew? kung ano ang sasabihin nya rito? kung ano ang dapat nyang isumbat sa pagpapaasa nito sa kanya?

Halos mag dadalawang taon na n'yang hindi nakikita si Andrew  ng personal, dahil minsan nakikita n'ya sa Business news ito dahil sa galing nitong magpatakbo ng negosyo, at minsan nakikita n'ya sa mga showbiz news dahil na lilink ito sa ilang mga sikat na singer tulad ni Lea at ilang mga modelo at beauty queen, kaya lalong hindi n'ya magawang mapatawad kaagad si Andrew, dahil sa mga naririnig n'yang balita tungkol rito, pero sabagay pagdating sa mga Showbiz news bihira lang ang totoo dahil kadalasan gumagawa lang ng mga istorya ang mga ito para may maipalabas lang sa mga tao.

"You'll meet your Dad soon Yhuan but, not now" 

CHAPTER 2

Happy birthday To you! Happy birthday to you!

Malakas na musika ang umaalingawngaw sa buong bakuran ng mga Suarez. Punong-puno din ito ng mga batang nakikisaya sa mga clown na nagpapakita ng ibat-ibang magic sa mga bata.

Nakangiti sya habang pinagmamasdan ang mga bata at si Yhuan  na karga-karga ng Daddy nya habang nanonood din ng mga magic.

Alam nyang mas masaya sana ang birthday party ni Yhuan kung kumpleto sila, kung nandito sana ang Daddy nito. Pero malabong mangyari yon, dahil hindi nya hahayaang mangyari yon sa ngayon, pero hindi nya sinasara ang pinto nya na kung darating ang panahon na handa na syang magpatawad at tanggapin si Andrew kahit para sa anak nalang ay gagawin nya. Pero huwag muna ngayon.

"Hey bakit andyan ka? bakit di ka maki join sa party?" Tanong ni James ng lapitan sya nito at inabutan ng juice sa baso. Ngumiti muna sya sa kaibigan bago kinuha ang juice at sumagot.

"Thank you, and Thank you naka attend ka kahit alam kung busy ka sa practice mo with National Team"

"Pwede ba kong mawala sa first birthday party ng gwapo kung inaanak" Nakangiting sagot nito.

"Oo nga naman, tara maki join tayo sa mga games nila" Yaya nya kay James para malibang ang sarili at mawala ang pangambang bigla na lang sumulpot si Andrew sa birthday ng anak.

"Yhuan come to Mommy" Nakangiting sabi nya ng makalapit sa mga ito at mabilis na binuhat ni James ang bata bago pa nya nakuha mula sa pagkakakarga ng Daddy nya.

"You're heavy little boy eh Ninong can't carry you na" Biro ni James sa bata na tuwang-tuwa naman ng makita sya.

"Say hi to Ninong baby" Sabi nya habang pinipisil-pisil nya ang malambot na pisngi ng anak.

"Mam, Sir picture po muna, para may Family picture kayo" sabi ng lalaking may bitbit na malaking camera.

Nagkatinginan pa sila ni James at liningon ang Daddy nya na napakamot ng ulo at inakbayan ang Tita Shiela nya. Umiwas naman ito agad ng tingin marahil hindi rin nito nagustuhan ang sinabi ng photographer. Napagkamalan silang mag-asawa ni James. inakala ng photographer si James ang Daddy ni Yhuan  kahit na sino naman siguro pagkakamalan sila.

"Ninong sya, wala ang Daddy nya" Tipid na sagot nya sa photographer na kaagad namang humingi ng paumanhin at mabilis na umalis para kuhanan ang ibang mga bisita.

"I'm not ready to be a Daddy, pero kung kasing cute naman ni Yhuan ang baby why not!" Biro ni James at tinaas sa ere ang bata at humagalpak naman ito ng tawa.

"Bakit hindi kapa maghanap ng magiging Mommy ng Baby na gusto mo?" Tanong nya at kinuha si Yhuan rito.

"Pppprrrttt.... I'm still young, isa pa nasa high pa ko ng career ko hindi pa ko papayagan ni Coach na mag asawa na, girlfriend nga ayaw nya eh that's why I'm still single and free" Sagot ni James at lumakad sila palapit sa bakanteng upuan habang abala ang mga bisita sa panonood ng show at pagkain.

"Anyway how's Andrew?" Seryosong tanong nito ng makaupo na sila, tinignan nya ng masama ito at hinalikan sa noo si Yhuan bago sinagot ito.

"Andrew is not part of me anymore, to Yhuan as well. It just me and Yhuan forever." Seryosong sagot nya na kay Yhuan nakatingin.

"Is that what you want?" Tanong ni James at pasimpleng kinuha ang kamay nya at pinisil yon.

"Kaibigan kita Yna, at ilang beses ko nang nasabi sa iyo ito dati at hindi ako magsasawang sabihin ulit. Anak ni Andrew si Yhuan at kahit sinong Ama may karapatan ito sa anak nya, kahit pa sabihin nating nakagawa ito ng malaking kasalanan sa iyo sya at sya parin ang Ama ni Yhuan, hindi mo maitatago yan habang panahon" Paliwanag ni James sa kanyan, ilang beses na ba nyang narinig ang ganoong sermon sa kaibigan? mula yata ng ipagbuntis nya si Yhuan lagi na nitong pinapalala na si Andrew ang Ama at may karapatan si Andrew kay Yhuan. Alam naman nya yon pero, hindi palang sya handa sa ngayon na harapin si Andrew at kung makakaya sana  nya hindi na nya ipapaalam pa kay Yhuan ang tungkol kay Andrew, hindi naman sya kailangan ni Yhuan, kaya naman nyang buhayin ang anak, magtatrabaho na sya sa asyenda tutulong na sya sa Ama sa pagpapatakbo ng asyenda nila at kung susuwertihin sya magtatayo sya ng sariling negosyo sa San Miguel at natitiyak nyang hindi nya mapapabayaan si Yhuan, maibibigay nya ang lahat ng pangangailangan ng anak kahit wala si Andrew.

"Thank you, you're a true friend James, kaya nga ikaw ang kinuha kung Ninong eh" Nakangiting sagot nya para itago ang emosyon. Sa tuwing napapag usapan nila si Andrew hindi nya mapigilan minsan maging emosyonal, ewan nya kung bakit, pero lagi nyang sinasabi sa sarili na isang blessing sa kanya si Yhuan at kung paano man ito nabuo ay ayaw na nyang isipin pa, masakit na isipin na dahil kay Andrew nasira ang buhay nya, ang lahat ng plano nya, ang masaya nyang kabataan, pero hindi nya kailanman sisisihin si Yhuan sa mga nangyari sa kanyan.

"Yhuan!" Malakas na tawag ni Thea habang papalapit sa kinauupuan nila ni James.

"Thea! akala ko hindi ka na makakarating"

"Pwede ba yon! Happy birthday Yhuan may gift sa iyo si Tita look oh" Sabi nito at winagayway ang malaking box na nakabalot.

"Say thank you Tita"

"Ang gwapo nya ah! hmmmp. anyway this is Markus my office mate" pakilala nito sa lalaking katabi nito at nakipag kamay kaagad kay James.

"Office mate lang ba talaga?" bulong nya sa kaibigan.

"Yep office mate lang" sagot ni Thea at kinindatan pa sya.

"Upo muna kayo magpapadala ako ng foods dito" sabi nya at tumayo bitbit si Yhuan para tumawag ng waiter na mag seserve sa mga kaibigan.

"Ate Yna ako muna hahawak kay Yhuan" Sabi ni Penny ng makasalubong nya ito.

"Ah.. sure sure" sagot nya at iniabot kay Penny ang bata at tinuro kung saan sila nakapwesto at dahil kakilala naman ni Penny si James nakitabi na ito kay James.

Matapos nyang ma asikaso ang pagkain ng mga kaibigan nagpaalam muna syang magpapalit ng damit dahil tila nainitan sya sa suot na long sleeve and skinny jeans. Kaya naman kaagad syang pumasok sa loob ng bahay.

"Ako parin ang Ama ni Yhuan, may karapatan ako sa anak ko! Ilang taon na rin ako nag tiis, and I think that's enough!"

Sigaw na narinig nya ng makapasok sya sa loob ng bahay at bigla syang kinabahan ng marinig ang pangalan ni Yhuan. Napahawak sya sa dibdib at hinakbang ang mga paa kung saan nagmumula ang mga sigaw, habang halos sasabog na ang dibdib nya sa kaba at takot na nararamdaman.

"I know pero ayaw pa ni Yna, ayoko at ng Tito mo na umalis nanaman ng bansa si Yna para iwasan ka, hijo intindihin mo na lang muna si Yna hindi pa sya marahil handa sa ngayon."

"Handa? kailan pa? pag nagka isip na ang bata at hindi na ko kikilalaning ama?"

"Hijo hindi naman siguro aabot sa ganon"

"No Ma! tatapusin ko ang kahibangan ni Yna ngayon. Maghaharap na kame"

Matigas na sabi ng lalaking nakatalikod sa may pinto pero kahit hindi ito humarap alam nyang si Andrew yon. Lalong lumakas ang kaba nya ng marinig ang sinabi nito. Anong gagawin nya? paano nya haharapin si Andrew? paano kung kunin nito sa kanya si Yhuan? hindi! hindi sya papayag kailangan may gawin sya bago pa makita ni Andrew si Yhuan. Sabi nya sa sarili at mabilis na tumakbo palabas ng bahay para kunin si Yhuan at kung maari magkukulong nalang muna sila sa kwarto nya at pagkatapos ng party aalis sila ng bahay, maari silang sumama kay James, tama si James matutulungan sila nito ulit.

Pagdating nya sa labas hawak-hawak parin ni Penny si Yhuan habang katabi si James at nagkukwentuhan ang dalawa, mabilis syang lumapit at kinuha si Yhuan kay Penny.

"Ate Yna what's wrong?" nagtatakang tanong ni Penny marahil nagulat sa ikinilos nya.

"Ah.. nothing bibihisan ko na rin.... si....Yhuan..." tarantang sagot nya at mabilis na tumalikod sa mga ito napansin nya ang pagtataka sa mukha ni Penny at James busy naman si Thea at Markus habang kumakain kaya hindi marahil napansin ang kinikilos nya.

"We need to hide baby. I'm sorry If, I'm going to ruin your birthday" naluluhang bulong nya sa anak habang halos takbuhin na nya ang pagpasok sa bahay.

Pagpasok nya sya namang paglabas ni Andrew sa Library kung saan nagkakasagutan sila ng Ina nito kanina. Napahinto sya sa pag hakbang, ganoon rin si Andrew, nagkatinginan sila at nalipat sa hawak nyang bata ang mga mata nito.

It's been almost two years pero wala parin itong pinagbago. Nakasuot ito ng expensive jacket na kulay brown, white shirt, and chuck shoes. His porn hair still look the same or tila humaba yon na bumagay naman rito lalo, his eyes na halata sa mga mata nito ang galit.

Galit? kung may dapat magalit sa kanilang dalawa sya yon! wala itong karapatang magalit sa kanya dahil sya ang dahilan kung bakit nasira ang buhay nya.

"Is that my son!" Hindi tanong yon kung hindi pang ngungumpirmang sabi nito at humakbang palapit sa kinatatayuan nya. Hindi sya makakilos nais nyang tumakbo paakyat sa taas at magtago roon pero tila may nakadagan sa mga paa nya at hindi nya maikilos ang mga yon. Humigpit ang yakap nya sa anak na tila ba ano mang sandali ay aagawin ito ni Andrew sa kanya. Naramdaman nya ang paninikip ng dibdib nya at pananakit ng sikmura sa pagpipigil na huwag umiyak sa harapan ni Andrew. Hindi sya iiyak, marami na syang naluha at hinding-hindi sya iiyak sa harapan nito.

CHAPTER 3

"He is not your son! He is my son!" Garalgal na sagot nya kay Andrew. humakbang ito palapit sa kanya, mabilis syang umatras at nagtatakbo pa-akyat sa may hagdan.

"Yna! Yna!" Tawag ni Andrew sa kanyan at naramdamdaman nya ang mabilis na hakbang nito pasunod sa kanya.

"Leave me alone! Leave us alone!" Hiyaw nya habang halos liparin na nya pa-akyat ang hagdan, pagdating sa itaas mabilis syang pumasok sa loob ng silid at ni-lock ang pinto.

"Yna! Yna! Open this damn door!" Galit na sigaw ni Andrew habang kinakabog ang pinto.

"No! Umalis ka! Pabayaan mo na kame! Hindi ka namin kailangan!" Sigaw nya at mahigpit na niyakap ang anak.

"Don't worry baby everything will be ok. Mommy's here, he will never get you baby I promise" bulong nya kay Yhuan na sa pinto nakatingin.

"Yna! This is bullshit! Open this f*****g door! Before I'll break it!"

"Damn you Andrew leave us alone!"

"No! I'm going to break this damn door Yna I'm serious!"

"Get lost! Andrew don't ruin my baby's birthday!" Sigaw nya at nagulat si Yhuan kaya naman umiyak ito bigla.

"Sshhh... Baby don't cry" Bulong nya habang pinapataan ang anak.

"Leave us alone Andrew you're scaring my baby!"

"He is my baby too. Don't forget he is my son as well!"

"He is not yours! So get lost! Leave us alone!"

"I'm not going anywhere Yna! I'll stay here, hanggang sa mapagod ka sa larong to!" Galit na sabi ni Andrew at kinabog ng malakas ang pintuan na lalong kinasindak ng anak at umiyak ito lalo ng malakas.

"Shhh... Baby don't cry..."

"Bahala ka! Maghintay ka dyan hangga't gusto mo pero hinding-hindi kame lalabas dito, hinding-hindi mo makukuha sa akin ang anak ko!"

"Yna hindi ko sya kinukuha sa iyo! Ang gusto ko lang bigyan mo ko kahit konting karapatan sa bata! Huwag mo kong ilayo sa kanya, ipaalam mo sa kanya na ako ang Daddy nya"

"No! Hindi ka namin kailangan! Kaya kung buhayin mag-isa ang anak ko! Wala kang ano mang karapatan sa kanya! Hindi ka nya kailangan makilala pa!" Mahinang sagot nya dahil sa tuwing sisigaw sya natatakot si Yhuan sa kanya at ayaw nyang matakot sa kanya ang anak.

"Let's talk Yna please! We need to talk! Hindi yung ganito nagtatago ka dyan sa kwarto mo! Harapin mo ko pag-usapan natin ang mga bagay na ito! Kahit saan mo tignan, aminin mo man oh hindi alam mong kailangan ako ni Yhuan, kailangan nyo ko Yna!"

"Don't flatter yourself Mr. Raven! Kaya kong buhayin at ibigay ang magandang buhay sa anak ko! Hindi namin kailangan ang tulong mo lalo na ang pera mo!"

"Hindi pera ang hinahalok ko! Sarili ko ang hinahalok ko Yna, tanggapin mo ko bilang Daddy ni Yhuan! I know ayaw muna kong pakasalan pa but Yna, please para na lang sa anak natin, give me a chance, talk to me Yna let me see my Son" Pagsusumamo ni Andrew.

Nanatili syang walang kibo hindi alam ang gagawin habang nakaupo sa sahig at nakasandal ang pagod na katawan sa pinto habang karga-karga ang anak na tahimik na nakamasid sa kanya.

Hindi sya maaaring makipag-usap kay Andrew sa oras na makaharap nya ito, hindi nya kayang ipangako sa sarili na hindi sya bibigay, kaninang makita nya si Andrew sa baba bumilis ang t***k ng puso nya, kung ano ang nararamdaman nya rito dati ganon parin ang pakiramdam nya ngayon, isama na ang pakiramdam na sa tagal na ng panahon na miss nya ng sobra si Andrew, gusto nyang tumakbo palapit rito at yakapin ito ng mahigpit at halikan sa mga labi, gaya ng lagi nyang naiisip sa tuwing mag-isa sya, pero nangingibabaw ang galit sa puso nya.

Makalipas ang mahabang katahimikan nagulat na lang sya ng maramdamang may umiikot sa lock ng pinto.

"Yna! It's me, let me in hija I need to talk to you" tinig ng Daddy nya sa kabilang pinto.

"Si... Si Andrew po umalis na ba?" Tanong nya.

"I'm not going anywhere Yna! I need to talk to you!" Matigas na sagot ni Andrew na marahil nasa tabi ng Daddy nya.

"Get lost!" Sigaw nya.

"Stop acting like a damn child Yna! Open this f*****g door and talk to me!" Muling sigaw ni Andrew na tila walang pakialam kung marinig man ng Daddy nya ang magaspang nitong salita.

"Ayoko!" Sigaw nya at narinig nyang tila nag-uusap ang dalawa sa labas, naririnig nyang nagbubulungan ang mga ito pero hindi nya maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Yna open it!" Ustos mula sa Daddy nya. Nagkibit balikat sya at sinulyapan ang anak na tahimik parin na nakikinig at nagmamasid.

"I'm sorry Yhuan!" Naiiyak na bulong nya at hinalikan sa noo ang anak, bago lumapit sa pinto para buksan yon kahit labag sa kalooban nya.

Hindi ito ang tamang panahon para magkaharap silang tatlo, hindi sa mismong kaarawan ng anak, ayaw nyang masira ang kaarawan ni Yhuan, pero wala na syang magagawa pa. Maaring kailangan na nyang harapin si Andrew ngayon sa ayaw at sa gusto nya at kahit anong mangyari hindi nya bibigyan ng karapatan si Andrew sa anak nya, anak nya si Yhuan sa kanya lang si Yhuan, hindi kailan man magiging ama si Andrew kay Yhuan.




READ MORE ON DREAME 🠟🠟🠟

Web-version DREAME

Mobile version DREAME

YUGTO

Comments

Popular Articles

The Runaway Mrs. dela Merced

Mayor Zandro De Guzma

Because of Love 1

The Man with a Fragile Heart

Gael Saavedra

Giovanni Saavedra

SAMANTHA