The Man with a Fragile Heart

BLURB : 


"For god sake Joshua, it's been seven years and more. You should move on and for-"

"Shut up! hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko Aya! wala kang alam!" Sigaw nito na nagpagulat sa kanya at napaatras sya ng isang hakbang. Kitang-kita nya ang galit sa mga mata nito, at hindi nya alam kung bakit tila sukdulan ang galit nito sa kanya, nagyuko sya ng ulo upang itago ang mga luhang nais ng pumatak.

"Revenge Aya! I want Revenge a Tragora way of revenge"


CHAPTER 1


Pagpasok nya sa malaking gate ng Tragora Mansion, nalulula sya sa sobrang lawak ng bakuran, puno yon ng mga nagtataasang puno at mga bulaklak sa gilid ng daan, na kahit sinong mapadaan ay hahanga talaga sa ganda't ayos ng mga yon, napaka lilim ng bakuran at payapa ang buong paligid.


Binagalan nya ang pagmamaneho at pinagmasdan ang malawak na paligid. Nananariwa sa kanya ang lahat, ang kanyang masaganang kabataan sa loob ng mansyon na yon na inakala nyang pang habangbuhay na, ngunit hindi pala. Panandalian lang pala ang lahat ng kaligayaang naramdaman nya sa Tragora Mansion.

Pagbaba nya ng sasakyan kaagad nyang napuna ang pulang Ferrari sports car sa tabi ng puting Honda Civic nya. Bumuntong hininga sya habang nakatingin sa mamahaling sasakyan.

"Joshua" Bulong nya, na parang ang hirap sa kanyang banggitin ang pangalan na yon.

"Aya! Aya!"

Tawag mula sa may bungad ng pinto. Liningon nya ang tumatawag sa kanya at nakita ang matandang babae na marahil nasa singkwenta na pataas.

"Nanay Alma" Tawag nya ng makilala ang matandang babae na tumawag sa kanya.

"Hay nako bata ka! halika nga rito!"

"Nanay Alma! kumusta na po kayo?" Magiliw na bati nya at kaagad na niyakap ang matandang babae.

"Nako! bata ka ang tagal mong nawala ah!" Sabi nito, at niyakap sya ng mahigpit.

"Sorry po Nanay Alma" Naiiyak na sabi nya, at kumalas ng yakap rito.

"Halikana sa loob kanina ka pa hinahantay ni Donya Feliza, sabik na sabik na syang makita ka." Sabi nito. Tumango sya at sumunod na rito papasok sa malaking bahay.

Pagpasok nya sa loob halos hindi sya makahinga, pinagmasdan nya ang loob ng malawak na sala ng Mansyon.

"Ganoon parin pala ang mansyon." Bulong nya, habang ginagala ang mga mata.

Pitong taon din syang hindi nakabalik sa mansyon at tila walang pagbabago ang buong mansyon, ganoon parin ito maliban lang sa nalipat ng pwesto ang ilang mga kagamitan roon. Napansin nya ang malaking larawan na nakasabit sa may dingding katapat ng malaking Piano. Pinagmasdan nya ang larawan ng apat na taong naging malapit sa kanya.

Si Donya Feliza Tragora na nakangiti habang nakaupo sa malaking sofa, katabi ni Maristel Tragora na asawa ng anak ni Donya Feliza na si Juan Miguel Tragora at ang isang lalake na naka black tuxedo nakangiti ito. Napalunok sya ng mapagmasdan ng husto ang lalake.

"Aya sumunod kana lang ah, nasa likod bahay ang Donya sa may gazebo" Sabi ni Nanay Alma sa kanya.

"Ah....si....sige po...."Alanganing sagot nya, at tumingala para pigilan ang luhang nais pumatak.

"Don't cry Aya! Don't cry!" Bulong nya, at muling binalik sa larawan ang tingin.

"You're back!"

Tinig na nagmula sa may hagdan, napalingon sya at nakita ang lalaking pababa ng hagdan.

The Man's wearing a White polo sleeve with a gray coat and black tie, black slack, and brown leather shoes. He looks appealing handsome and sure to his self. Joshua Tragora the Tragora heir.

"Totoo pala ang tsimiss na darating ka!" Patuloy na sabi ni Joshua at tinignan sya, mula ulo hanggang paa at bumalik sa mukha nya.

Well, napag handahan nya ang pagbabalik nya sa Tragora Mansion. She choose to wear her best a mini white tube dress showing off her clevage, high heels, her hair in perfect curl. Alam nyang maganda sya, kaya wala syang dapat ikatakot sa gwapong kaharap na napaka intimidating.

"Lo-... I mean Donya Feliza asked me to visit her." She answered.

"Oh yeah? You're here to grant her simple wish?" The man said in a sarcastic tone.

"Yes!"

"Babalik ka rin naman pala dito, bakit mo pa pinatagal ng pitong taon?" Mabalasik na tanong nito.

"Si Lo- Donya Feliza ang sadya ko rito, kung ano man ang dahilan ko kung bakit ngayon lang ako nakabalik hindi mo na kailangan malaman pa!"

"Bakit Aya? mas masarap bang mamuhay mag-isa sa Maynila? kaya mas pinili mong tumira doon kesa dito na handang ibigay ng mga taong nasa paligid mo ang lahat!" May pag-aakusa sa tono nito.

Nag-iwas sya ng tingin naramdaman nya ang pamumuho ng mga luha sa mga mata nya, ayaw nyang umiyak sa harap nito, hindi nya kailangan umiyak sa harapan ni Joshua.

"Bakit hindi ka makasagot? mas gusto mo ba na ibilad yang katawan mo sa harap ng maraming tao para lang kumita ng konting halaga, na kung tutuusin eh makukuha mo kung nanatili ka rito!" Galit na patuloy nito.

"Joshua please stop this!" Saway nya rito, dahil hindi ngayon ang tamang panahon para pag-usapan nila ang bagay na yon, hindi ito ang tamang sitwasyon para sabihin rito ang mga dahilan nya.

"Stop? why? dahil hindi mo kayang marinig ang katotohanan? hindi mo kayang tanggapin?" Galit na akusa nito sa kanya. Hindi nya inasahan na ganoon ito ka galit sa kanya.

"Please! I want to see Donya Feliza, sya ang sinadya ko dito at wa-"

"Damn you! alam mong nandito ako! alam mong makikita mo ko rito! bakit ka pumayag?" Matigas na putol nito sa sasabihin pa sana nya. At humakbang palapit sa kanya. Napalunok sya at nagtaas ng mukha.

"Bakit ka bumalik?" Mabalasik paring tanong nito. At muli syang sinuri. Naramdaman nyang nagtagal ang mga mata nito sa may dibdib nya, kung nasaan ang nunal nya na nakakadagdag ng appeal sa kanya. Nailang sya pero hindi sya nagpahalata rito, nag taas lang sya ng mukha.

"Bumalik ako para kay Donya Feliza at walang ng iba pa!" Nakuha nyang isagot na nakataas noo.

"Yan lang ba ang sinadya mo rito? tapos ano babalik ka nanaman sa Maynila at magtatago?"

"Kung ano man ang plano ko wala ka ng pakialam!"

"Damn you Aya!" Sigaw nito. At hinila sya sa braso palapit rito, malakas na bumunggo ang dibdib nya sa dibdib nito, napangiwi pa sya sa sakit pero hindi sya nagpahalata rito.

"Sa tingin mo ba hahayaan pa kitang makaalis dito ng basta-basta? You made a wrong move Aya! para ka na ring pumasok sa bahay ng leon at pinahin mo ang sarili mo!" He said with gritted teeth.

"Joshua... let.. me.. go" Sabi nya, na hindi maitago ang kaba at takot. Oo natatakot sya kay Joshua ngayon, nag-iba na ito, hindi na ito ang dating Joshua na nakilala nya. Ganoon pa man sa paglipas ng mga taon, masasabi nyang lalo itong gumuwapo, at lumakas ang dating.

"You're going to pay everything Aya! I've promised to myself, you're going to pay every pain you've gave me! Kind of pain I've never felt before!" Sabi nito, na halos magbasagan na ang mga magagandang ngipin nito.

"Wha-" Joshua didn't let her finish. He pulled her and kissed her lips roughly. She struggled, she tried to pushed him, but Joshua hold her hands tightly and put them on her back. She did everything to free herself, but, he didn't let her go, and kissed her more roughly and deep, she almost out of breath when he left her lips and free her hands.

"Oh god!" She gasped trying to catch her breath.

"Your lips still soft like the old times!" He said and touched his lips in a seductive way.

"Bastos!"

"Bastos? ako bastos? bakit Aya wala pa bang nagbigay ng magaspang na halik sa iyo? lahat ba ng naging lalaki mo, they treated you like a princess in bed? It's Because you are now Aya Suarez the high paid super model, every Man wants to get inside your pants" He said like an acid in his mouth.

"This is pointless Joshua! Hindi ko sasayangin ang oras ko para lang magpaliwanag sa iyo! Andito ako para sa Lola mo! at hindi para magpaliwanag sa iyo!"

"Hindi ko hinihingin ang paliwanag mo, ang hinihingin ko kabayaran sa lahat ng ginawa mo sa akin!"

"For god sake Joshua, its been seven years and more. You should move on and for-"

"Shut up! hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko Aya! wala kang alam!" Sigaw nito na nagpagulat sa kanya. Napaatras sya ng isang hakbang. Kitang-kita nya ang galit sa mga mata nito, at hindi nya alam kung bakit tila sukdulan ang galit nito sa kanya, nagyuko sya ng ulo upang itago ang mga luhang nais ng pumatak.

"Revenge Aya! I want Revenge a Tragora way of revenge"



CHAPTER 2

Niyakap nya ng mahigpit si Donya Feliza ng puntahan ito sa may gazebo sa likod ng mansyon.

"Salamat Apo at hindi mo ko binigo, salamat Aya pumayag kang bisitahin ako." Sabi ng Donya habang mahigpit din nakayakap sa kanya.

"Patawarin nyo po ako Lola hindi ko po sinasadya." Paumanhin nya rito.

"Ssshh... alam ko yon, alam ko Aya, kaya nga kita pinapunta dito eh, marahil ito na ang tamang panahon para muli tayong magsimula tulad ng dati." Sabi ng Donya sa kanya habang hinahagod-hagod ang mahabang buhok nya.

"Magsimula po ulit?" Nagtatakang tanong nya at tiningala ang Donya.

"Oo Aya, I want you to stay here for good." Nagulat sya sa sinabi ng Donya, ang pagkakaalam nya dalawa hanggang tatlong araw lang sya mananatili sa mansyon, isama pa ng dahil sa nangyari kanina sa kanila ni Joshua, lalo syang hindi pwedeng manatili sa mansyon.

"Napaayos ko na kay Nanay Alma mo ang dati mong silid, doon ka na ulit tutuloy." Patuloy nito, hindi na lang muna sya kumibo rito, ayaw nyang sumama kaagad ang loob ng Donya sa kanya, ngayon lang sila nito nagkita muli makalipas ang pitong taon.

Matapos silang mag kwentuhan ng Donya, pinasamahan na sya nito kay Nanay Alma sa dating silid.

Pag-akyat nya sa ikalawang palapag ng mansyon halos, hindi nya napigilan ang mga luha na sunud-sunod na pumatak habang ginagala ang mga mata sa paligid, kaagad nyang nasulyapan ang silid ni Joshua na isang silid lang ang pagitan mula sa silid nya noon at magiging silid nya ulit ngayon. Napahugot sya ng malalim na paghinga habang nakatingin sa silid ni Joshua, naninikip ang dibdib nya nais nyang umiyak ng umiyak.

"Nalungkot kaming lahat sa pag-alis mo Aya, hindi namin maintindihan kung bakit, lalo na si Sir Joshua." Sabi ni Nanay Alma sa kanya habang papasok na sila sa dating silid.

"Gusto kitang tanungin, pero alam kung wala ako sa posisyon na gawin yon. Pero naging masaya ako sa narating mo Aya, sikat ka na at inahangaan ng marami."

Patuloy nito, ngumiti lang sya at ginala sa loob ng silid ang mga mata nya, walang nagbago sa silid, ganoon parin ang ayos nito. Ang kulay ng pintura ganoon parin parang rine-paint lang. Ang kama, ang mga unan at ilang mga stufftoys andoon parin, maliban lang sa stufftoys na regalo ni Joshua sa kanya noon si Honey bear, marahil ipinatapon na yon ng Tita Maristel nya.

"Hindi pinabago ni Donya Feliza ang silid mo, lagi nga nyang pinapalinis ito eh, dahil ang sabi nya babalik ka, at hindi nga sya nagkamali bumalik ka nga." Nakangiting sabi nito, Tumango lang sya rito at nadako sa may tokador ang mga mata.

Naroon parin ang mga larawan nya, mula ng grades school hanggang highschool.

"Andito parin pala ang mga ito at isa-isang dinampot ang mga larawan. Larawan ng dating buhay nya, ang masaganang buhay nya sa mansyon.

Dinampot nya ang Family picture nila, Sya ang Donya Feliza, ang Mag-asawang Tragora at si Joshua, kuha yon noong nasa first year Highschool palang sya at nasa second year College naman si Joshua, hindi nya napigilan ang maiyak, sa ala-alang ang saya-saya nila noon sa mansyon.

"Magpahinga kana muna Aya siguradong pagod ka." Sabi ni Nanay Alma ng makita nitong umiiyak sya.

"Ah... opo... opo..." Sagot nya at pinunasan ang mga luha at binalik ang larawan sa tokador.

"Maiwan na muna kita ah, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka."

"Opo.. salamat po Nanay Alma." Nakangiting sagot nya at niyakap muli ito at nagpaalam na sa kanya.

"Bakit ako pumayag? hindi ba dapat hindi na lang ako pumayag? hindi ba dapat nasa maynila ako ngayon kasama ang mga kaibigan ko? nagsasaya imbes na umiiyak dito, sa ala-ala ng nakaraan?" Tanong nya sa sarili at naupo sa kama, tulad ng dati Barbie parin ang cover non pati mga pillow case nya Barbie rin, hindi nagbago ang lahat, tanging sya at mga tao sa paligid lang nya ang nagbago.

Naalala nya si Joshua ang galit na mga mata nito, ang masasakit na salita at ang magaspang na halik nito, na ang tagal na nyang pinapangarap. Nang halikan sya nito kanina ayaw man nyang aminin pero may kilabot at excitement syang naramdaman.

Alam nyang walang dapat ikagalit sa kanya si Joshua, hindi nya gusto ang mga nangyari noon, kahit sya hindi nya na isip na mangyayari yon sa kanya, napakabata pa nya noon kaya wala syang nagawa, hindi nya nagawang ipaglaban kung anong meron sila ni Joshua noon, alam nyang kung nalaman lang ni Joshua yon, nakakasigurado syang ipaglalaban sya nito at hindi pababayaan. Pero dahil sa bilis ng mga pangyayari hindi na nya nagawang maipaalam kay Joshua ang lahat. At ngayong nag babalik na sya ng mansyon, galit na Joshua ang sumalubong sa kanya, hindi na ang dating Joshua na minahal ng batang puso nya.


CHAPTER 3

Flashback

"Ma, sino yang batang kasama nyo?" Tanong ni Maristel sa Donya ng makita itong may hawak-hawak na batang babae.

"Ah.. sya si Ayana, anak ng isang tinutulungan ko sa Feliza Foundation." Magiliw na sagot ni Donya Feliza at tinawag si Alma para kunin ang bata at pakainin sa kusina.

"Bakit po sya narito?" Tanong ni Maristel at sinundan ng tingin ang batang babae.

"Dalawang linggo ng pumanaw ang Nanay nya." Panimula ng Donya ng makapasok na sa komedor ang bata.

"Hindi sya maaring manatili sa Foundation ko, dahil wala pa sya sa tamang edad, balak na syang ipasa sa DSWD pero naawa ako sa bata, nakipag ugnayan ako sa DSWD na kung maaari ako na lang muna ang kukupkop sa bata, pumayag naman agad ang mga ito dahil, alam nilang hindi ko pababayaan ang bata."

"Kukupkupin nyo ang bata?"

"Oo dito na sya titira sa atin, kasama natin. Alam kung matagal ka ng nasasabik sa anak na babae."

"Pero Ma, pinaalam nyo na po ba ito kay Miguel?"

"Hindi pa, mamaya sa hapunan sasabihin ko sa kanila ni Joshua. Alam kung papayag ang anak ko, malaki na si Joshua, matagal na tayong walang bata sa bahay na ito." Sabi ng Donya at sinulyapan si Maristel na hindi maitago ang excitement sa mga mata.

"Pwede ko po bang puntahan ang bata?" Nakangiting tanong ni Maristel sa Donya.

"Oo naman, sige samahan mo sya, may tatawagan lang ako."

"Sige po." Masayang sabi ni Maristel at lumakad na papunta sa komedor.

"Bakit ayaw mong kumain? ayaw mo ba ng spaghetti?" Tanong ni Alma sa batang babae na hindi parin ginagalaw ang pagkain. Lumapit si Maristel ng makita ang bata na nakaupo lang at nakatingin sa pagkain pero hindi ginagalaw.

"Sige Alma ako na ang magpapakain sa kanya." Sabi ni Maristel at na upo katapat ng batang babae.

"Anong gusto mo? ayaw mo ba ng spaghetti?" Magiliw na tanong ni Maristel sa batang babae. Sinulyapan lang ng batang babae si Maristel at muling binalik sa pagkain ang mga mata.

q

"Anong pangalan mo?" Malambing na tanong ni Maristel sa bata.

"Aya po"

"Ang ganda naman ng pangalan mo,Gusto mo bang tumira dito?"

"Hindi po" Mabilis na sagot ng bata.

"Ayaw mo rito? bakit?"

"Gusto ko po sa Mama ko"

"Alam ko yon, pero pwede mo rin akong maging Mama"

"Bakit po? wala na rin po ba ang anak nyo?" Tanong ng batang babae at nilingon si Maristel.

"Hindi,may anak ako si Joshua, wala sya ngayon nasa school pa, mamaya pa sya darating. Pero wala akong anak na babae tulad mo"

"Eh hindi naman po kayo ang Mama ko, wala na po ang Mama ko kinuha na sya ni Papa god" Sagot ng bata at bigla itong naiyak. Mabilis na lumapit si Maristel sa bata.

"Huwag ka ng umiyak kasama na ni Papa god ang Mama mo masaya na sya doon, isa pa malulungkot sya pag nakita ka nyang umiiyak"

"Iiyak din po ba sya?"

"Oo kasi umiiyak ka, kaya dapat huwag ka ng umiyak ah?"

"Pag po ba hindi na ko umiyak, hindi po iiyak ang Mama ko?"

"Oo hindi sya iiyak matutuwa pa sya pag nakita ka nyang masaya"

"Talaga po?"

"Oo"

"Sige po hindi na po ako iiyak" Sabi ng batang babae At pinunasan ang mga luha sa pisngi at pinilit na ngumiti kay Maristel.

"Ayaw ko pong umiyak si Mama sa heaven kaya hindi na po ako iiyak"

"Tama yon, at matutuwa ang Mama mo kung kakain ka"

"Talaga po?"

"Oo" Sagot ni Maristel at inilapit sa bata ang plato ng spaghetti para pakainin ito.

"Sige po kakainin kuna po yan" Nakangiting sabi ng batang babae at hinawi ang mahabang buhok na nagkalat sa mukha.

"Oo ubusin mo to, pagkatapos maliligo ka at mamasyal tayo"

"Mamasyal? saan po tayo pupunta?"

"Bibili tayo ng mga laruan mo at mga damit"

"Laruan po? sabi ni Mama huwag daw po ako pabibili ng mahal na laruan sa palengke kasi po wala syang pera" Sabi ng bata habang kumakain ng spaghetti at hindi pansin ang nagkalat na sauce sa pisngi.

"Hindi tayo bibili ng mahal yung mura lang pero maganda at gusto mo"

"Talaga po? oh sige po uubusin ko po ito at hindi na po ako iiyak para hindi na po malungkot sa heaven si Mama"

Matapos kumain ni Aya pinapaligo sya ni Maristel kay Alma at pinabihisan na rin at gaya ng pinangako ni Maristel sa bata mamasyal ang mga ito at mamimili ng mga gamit para sa bata.

Sa Tragora mall namasyal ang dalawa ang mall na pagmamay-ari ng pinaka mayaman na pamilya sa bayan ng San Miguel ang mga Tragora.

"Tragora mall? ito po ba yung mall ni Donya Feliza?" Tanong ni Aya ng makapasok na sila sa malaking mall.

"Oo sa Lola Feliza ang mall na to kaya pwede mong kunin ang lahat ng laruan na gusto mo" Magiliw na sagot ni Maristel sa bata.

"Talaga po? pwedi akong kumuha ng marami?"

"Oo naman lahat ng gusto mo kunin mo"

"Salamat po"

Matapos nilang maikot ang malaking mall at napamili ang lahat ng kailangan ni Aya. Dumaan sila sa Mc Donalds para mag meryenda muna bago umuwi.

"Salamat po Mam Maristel ang dami nyo pong pinamili sa akin may mga damit pa po, salamat po talaga" Ang nakangiting sabi ni Aya habang kumakain sa loob ng McDo.

"Lahat ng yan galing sa Lola Feliza mo sa kanya ang Mall na ito kaya walang bayad ang mga yan. Kaya dapat kay Lola Feliza ka magpasalamat at isa pa, Tita Maristel na lang ang itawag mo sa akin huwag na Mam Maristel oh kaya kung gusto mo Mama Maristel na lang?"

"Tita Maristel na lang po muna baka magalit po sa akin ang anak nyo pag narinig nya ko" Sagot ng bata at halos maubos na ang large french fries at sundae.

"Mabait ang Kuya Joshua mo sigurado magugustuhan ka nya" Nakangiting sabi ni Maristel habang aliw na aliw panoorin si Aya na kumain ng french fries na sinasawsaw nya sa strawberry sundae.

"Masarap ba?"

"Opo masarap na masarap,dati po Mam Maris- ay Tita Maristel pag kumakain po kami ni Mama sa McDo maliit na fries lang po pinapabili ko kasi po alam ko wala syang pera, ngayon po binilhan nyo ko ng malaking fries siguro po marami kayong pera" Natawa si Maristel sa bata bago sinagot ito na patuloy parin sa pagkain.

"Dahil tinawag mo kong Tita bibilhan pa kita ng isang malaking fries para may kainin ka sa bahay"

"Talaga po? bibilhan nyo rin po ba si... ano nga po ulit pangalan ng anak nyo?"

"Joshua, Kuya Joshua na lang itawag mo sa kanya"

"Ah opo si Kuya Joshua po ba bibilhan nyo rin ng french fries?"

"Ah.. hindi, kase hindi sya kumakain ng french fries dito sa ibang restaurant sya kumakain ng fries"

"Ah.. ganoon po ba, di po ba lahat ng bata gusto ang McDo? hindi po ba gusto ng anak nyo ang McDo?"

"Ah.. alam mo kase ang Kuya Joshua mo feeling binata na kahit nasa 2nd year highschool pa lang sya binata na ang isip non"

"Ah" tanging sagot ni Aya at inubos na ang kinakain para maka order sila ulit ng fries para may kainin pa sa bahay.

Pagdating nila sa Tragora Mansion nakangiting bumaba ng magarang sasakyan si Aya bibit ang ilang pinamili nila at maraming french fries.

"Halika na sa loob mukha dumating na ang Kuya Joshua mo para makilala muna sya"

"Talaga po, sige po bibigyan ko po sya ng french fries kahit ayaw nya" Nakangiting sabi ni Aya at pumasok na sa malaking pinto ng mansyon.



READ MORE ON 🠟🠟🠟 

Web-version      DREAME 

Mobile version  DREAME
                            YUGTO                            

Comments

Popular Articles

Giovanni Saavedra

The Runaway Mrs. dela Merced

Mayor Zandro De Guzma

Gael Saavedra