Gavin Saavedra

BLURB : 


"Private Island, doon natin gagawin lahat ng gusto ko, doon ko susulitin ang bawat setimo na binayad ko sa iyo, diyan sa katawan mo. Isang buwan tayo roon, at sa loob ng isang buwan wala tayong ibang gagawin. You have to satisfied my needs Elise, you have to obey everything I want, When I say strip, strip," mahabang litanya nito na tila may kuryenteng kilabot na hatid ang bawat salita nito.

"Isang buwan mo kong magiging parausan?" nakuha niyang itanong.

"Binili kita Ellise, wala kang karapatang magreklamo, all you have to do is obey me and satisfied me," sabi nito at hinawakan siya sa baba.

"We will be play each other in my Island."


CHAPTER 1

"Ellise! ano ba ikaw na!" Sigaw ng event organizer sa kanyan nang halos hindi pa s'ya naglalakad palabas ng stage.
"Sorry, sorry," paumanhin n'ya at humugot muna ng malalim na paghinga bago naglakad palabas ng stage, sa kilalang Mall sa Maynila.
Isa s'yang Freelance Model, kung anu-ano ang minimodel n'ya, pero madalas kinukuha s'ya ng mga ilang sikat na clothing brand sa pilipinas. She's 21 years old kaka graduate lang n'ya ng Tourism pero dahil wala pa naman s'yang permanenteng trabaho sumabak muna s'ya sa pag momodelo, tutal malaki-laki na rin naman ang kita. Taga San Miguel s'ya at sa San Miguel University s'ya naka graduate, pero nakarating s'ya ng Maynila dahil sa paghahanap ng trabaho, 6 months na rin s'ya sa pag momodelo at tila nakakasanayan na n'ya, at aaminin n'yang nag eenjoy naman s'ya sa trabaho, dahil marami s'yang nakikilala at mga nagiging kaibigan na mga artista at modelo ding tulad n'ya. Hindi naman n'ya pinangarap maging modelo pero na inspired s'ya sa kwento ni Aya Tragora na dating sikat na modelo bago ito ikinasal kay Joshua Tragora sa San Miguel, kaya nang may mag halok sa kanya ng pagmomodelo agad n'yang tinanggap at eto na s'ya halos ito na yata ang magiging career n'ya.
"Ellise may problema ka ba?" Tanong ni Lenny ang tumatayong Manager n'ya.
"Wala naman po," sagot n'ya habang inaayos ang mga gamit sa bag, katatapos lang ng event at nag-aayos na sila para makauwi na.
"Iba ang lakad at aura mo kanina Ellise, alam kong may problema ka, halatang may gumugulo sa isip mo," sabi nito at hinawakan ang kamay n'ya.
"Bakit di mo sabihin sa akin baka makatulong ako," Patuloy nito.
Sinulyapan n'ya ito. Alam n'yang matutulungan s'ya nito pag sinabi n'ya rito ang problema n'ya, pero baka mapasama naman ang lahat, lalo na s'ya baka mapasama s'ya.
"Pagod lang po ako Ate Lenny," tanging sagot n'ya rito.
"Ok sige, basta pag may problema ka, sabihin mo agad sa akin ah, lalo na pagdating sa pera, alam mo naman na marami tayong solusyon d'yan," paalala nito sa kanya bago tuluyang lumabas ng dressing room.
Napaupo s'ya at tinitigan ang sarili sa salamin. She's beautiful, and she got the perfect body at alam n'ya 'yon, dahil pagdating palang n'ya ng Maynila kung sinu-sino na ang lumapit sa kanya at nagpakilala at nagtangkang ligawan s'ya, pero hindi n'ya pinansin ang mga 'yon, pumunta s'ya ng Maynila para magtrabaho at magkapera, para matapos na ang problema nila sa San Miguel. Nagkibit balikat s'ya habang nanatiling nakatingin sa salamin.
"Huwag mong gawin Ellise, may isang buwan kapa, kapit lang," bulong n'ya sa sarili.
Isang buwan nalang kase ang natitirang palugit ni Mr. Crisostomo sa kanila sa bahay at lupa nila sa San Miguel, at kung hindi pa daw sila makabayad ng buo sa loob ng isang buwan palalayasin na daw sila roon. Bagay na hindi pwedeng mangyari dahil 'yon lang ang naipundar ng ama, ang bahay at lupa na 'yon ang tanging naipundar ng Daddy n'ya sa pagtatrabaho sa ibang bansa bago ito magkasakit, at dahil nagkasakit ang ama nag desisyon sila ng Mommy at mga kapatid n'ya na isangla ang bahay at lupa na hindi alam ng Daddy nila para lang maipagamot ito, pero dahil sadyang mahal ang gamutan sa sakit na kanser halos malugmok sila sa utang, muntik pa nga s'yang hindi maka graduate pero buti nalang tinulungan s'ya ni Donya Feliza ang may-ari ng Unibersidad. At ngayon malapit na ang isang buwan palugit ni Mr. Crisostomo sa kanila, baka tuluyan ng mawala sa kanila ang bahay isama pa na baka humina ulit ang ama pag nalaman ang tungkol sa bahay nila, nakakabawi na rin naman ang ama hindi na nga lang tulad ng dati pero kahit papano sumigla-sigla na ang katawan nito. Ang kinikita n'ya sa pagmomodelo ay s'yang ginagamit ng dalawa pa n'yang kapatid sa pag-aaral ng mga ito, kaya hindi nila magawang makabawas man lang ng utang kay Mr. Crisostomo.
Naglalakad s'ya palabas sa Mall na malalim parin ang iniisip kaya naman nang may mabunggo s'ya ay muntik na s'yang bumagsak sa semento.
"Ouch!" Tili n'ya at naramdaman ang braso sa bewang n'ya, dahil na rin sa takot na bumagsak napakapit s'ya sa braso ng kaharap.
"Are you ok?" Tanong ng kaharap at nag angat s'ya ng ulo.
Tila s'ya napatulala ng makita kung gaano kagwapo ang ang kaharap. Makapal ang kilay na nakasalubong, magagandang mata na nakatitig sa kanya, matangos na ilong, mga labing mamula-mula, balbas na patubo na at ang amoy nito na napakalakas ng dating, nakasuot ito ng business suit na halatang mamahalin.
"Are you ok?" Tanong ulit nito sa kanya nang halos hindi pa rin s'ya gumagalaw at nananatiling nakamata rito at wala naman itong kangiti-ngiti sa mga labi o kahit anong ekspresyon sa mukha.
"Ah- yeah-," tila natauhan na sagot n'ya at mabilis na inalis ang kamay sa matipunong braso ng kaharap. Naramdaman din n'ya ang dahang-dahang pag alis ng kamay nito sa bewang n'ya, na ewan n'ya kung bakit tila may kuryente s'yang naramdaman doon, sa simpleng paghawak lang nito sa bewang n'ya.
"Sorry," nahihiyang paumanhin n'ya at inayos ang bag sa balikat.
"Yeah, just take care yourself," sabi lang nito at natuloy na sa paglalakad.
Sinundan n'ya ng tingin ang gwapong lalaki at napansin n'yang may kasunod itong dalawang pang lalaki na naka puting polo na tila ba mga bodyguard nito.
"Bodyguard? Sino kaya s'ya?" Tanong n'ya sa sarili habang nakasunod pa rin ng tingin sa lalaki.
"Baka anak ng pulitiko, gwapo pero mukha masungit," bulong n'ya at nagtuloy na sa paglalakad papunta sa parking area.
May condo at kotse s'ya. Noong una ayaw n'yang kumuha dahil kailangan n'ya ng pera, pero mahihirapan naman s'ya kung wala s'yang sasakyan papunta sa mga event.
Ang condo naman sinubukan n'yang makisama sa ibang mga katrabaho pero dahil hindi naman s'ya sanay sa buhay maynila ay di n'ya natiis kaya kumuha s'ya ng sariling Condo sa hindi masyadong sikat na building pero maganda naman at may seguridad s'ya.
Pagdating n'ya sa Condo kaagad n'yang tinawagan ang Mommy n'ya para kumustahin ang mga ito.
"Anak si Mr. Crisostomo masyado na tayong minamadali, hindi ko na nga mapakiusapan eh. nahihirapan na ko baka marinig ng Daddy mo," sabi ng Mommy n'ya sa kabilang linya.
"Don't worry Ma, titignan ko po kung makakapag loan ako para kahit 1/4 muna maibigay na natin kay Mr. Crisostomo,"
"Ellise hindi kita minamadali, sadyang naiipit na tayo, ang Daddy mo baka humina ang katawan pag nalaman n'ya ang tungkol sa bahay," may hagulgol na sabi ng Mommy n'ya.
"Sige po, kakausapin ko na po ang handler ko para matulungan ako mag loan," S
sagot n'ya sa ina at agad ng nagpaalam dahil naiiyak na rin s'ya sa naririnig na pag-iyak ng ina.
Kailangan na n'yang gumawa ng paraan bago pa makahalata ang Daddy n'ya, hindi na maaaring humina pa ang katawan ng Daddy n'ya dahil baka hindi na ito makarecover pa. Nang biglang tumunog ang telepono n'ya.
Luke
Bumuntong hininga s'ya ng mabasang si Luke ang tumatawag. Sikat na artista si Luke sa isang TV station nakasama na n'ya ito ng ilang beses sa event at lagi s'ya nitong pinapansin hanggang sa makuha nito ang number n'ya kay Ate Lenny.
Minsan na s'yang sumamang kumain sa labas kay Luke utos na rin ni Ate Lenny n'ya, para daw sa trabaho naman, alam n'yang may girlfriend ito na non-showbiz kaya ayaw n'yang pansinin, isa pa wala pa s'yang balak pumasok sa ano mang relasyon, marami pa s'yang problemang dapat ayusin bago ang sariling kaligayaan.
Hinayaan nalang n'yang mag ring ang cellphone alam n'yang magsasawa din ito sa pangungulit sa kanya.
Matapos nyang magbihis kaagad n'yang tinawagan n'ya si Ate Lenny, alam n'yang ito ang makakatulong sa kanya ngayon.
"Sige magkita tayo mamayang 7pm sa Taguig, dion ko sasabihin ang gagawin mo para matapos na ang problema mo," sagot nito ng sabihin n'yang kailangan n'ya ng pera at kung makakautang s'ya rito, wala na kasi s'yang malapitan pa.

CHAPTER 2

"Bakit kasi ngayon mo lang sinabi iyan sa akin, hindi sana matagal na kitang natulungan," sabi ni Lenny sa kanya ng magkita na sila sa isang sikat na restaurant. Puro mayayaman lang halos ang mga naroon, dahil hindi lahat kayang kumain ng halos pang isang buwan na niyang budget isang order lang.

"Matutulungan mo ba kong maka loan?" Tanong niya habang halos hindi niya malasaan ang pagkain na pagkamahal- mahal.

"Loan?" Gulat na tanong nito at tila natawa pa sa sinabi niya.

"Ellise, ano ka ba? Bakit ka mag lo-loan, kung may puhunan ka naman."

"Puhunan? Anong puhunan ate Lenny?" nagtatakang tanong niya.

"Ellise, nasa mundo ka nang pagmomodelo, showbiz. Hindi ka papasa rito kung wala kang puhunan," sagot nito sabay turo sa mukha niya.

"You are young, fresh, beautiful, Ellise, sigurado marami ang mag-uunahan sa iyo."

"What do you mean?" Nagtatakang tanong niya.

Marami na siyang naririnig na usap-usapan sa mga katrabaho niya na kung easy money ang kailangan kay Ate Lenny lumapit, pero hindi niya alam kung paano makakakuha ng easy money na iyon. Lalo na't may kalakian ang kailangan niya limang milyon.

"Ellise, hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa," sagot nito at binaba ang kubyertos sa gilid ng plato at inikot ang mga mata sa paligid. Kung saan halos naka pustura ang mga kumakain roon, at natitiyak njyang mga mayayaman lang ang andoon sa restaurant na iyon.

"I can offer you sa mga kilala kong business man or mga nasa politics."

"Offer me?" Kunot noong tanong niya, dahil tila nahuhulaan na niya ang ibig sabihin nito.

"Yes, Ellise. I know you are not naive, at alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. You can get the money you need, and they can get what they want from you. Your body Ellise," litanya nito.

Napanganga siya at tila hindi niya nauunawaan ang sinasabi nito. Inikot niya ang mga mata sa paligid at hindi iilan ang mga matang nakadako sa kinauupuan nila ni Lenny, mga matatandang businessman.

"You mean...." hindi niya magawang ituloy ang nais itanong at inabot ang baso ng tubig at uminom.

"Yeah, you are beautiful, Ellise maraming mag uunahan sa iyo, and we can demand high price sweetie," nakangising sagot nito at uminom ng wine na inorder din nito kanina.

"I can't do-"

"Yes, you can Ellise," putol nito sa sasabihin niya at nasa tono ang paninigurado.

Ito ba ang sinasabing easy money ng mga kasamahan niya, ang pagbebenta ng katawan? Well, hindi naman siya pinanganak kahapon at alam niyang maraming nangyayaring mga ganoon sa mundong ginagalawan nila, pero ito ba ang solusyon sa problema niya? Ang ipagpalit ang dangal niya sa pera?

"Like what you've said, you only have one month to pay everything, so you decide."

"Ate Lenny are you..... really.... doing this?" Nanginginig na tinig na tanong niya. Hindi niya alam kung paano itatanong na hindi mamasamain ng kaharap.

"I mean, It seems you are..... you are... selling me," patuloy niya. Narinig niyang tumawa ang kaharap at tila hindi man nainsulto sa sinabi niya.

"Come on, Ellise I'm not selling you, you. You are selling yourself, and I'm just helping you."

"But I'm not selling myself ate Leny!"

Inis na sagot niya.

"Well, fine we're done here," kalmadong sagot nito at mabilis nang tumayo at hinila ang mamahaling bag.

"Don't worry about the bill, I'd pay already," sabi nito bago siya iniwang nakatulala na hindi alam ang gagawin.

Pabagsak niyang sinandal ang katawan sa upuan. Nais niyang umiyak, umiyak nang umiyak, pero alam niyang wala namang magagawa ang pag-iyak niya sa sitwasyon niya ngayon. Hindi mababawasan ng mga luha niya ang mga utang nila.

"I can't believe it," bulong niya at hinila ang wine at mabilis na inubos iyon.

Mahahalin iyon kaya kailangan ubusin niya tutal bayad na rin naman. Habang umiinom namataan niya ang isang lalaking naka polo long sleeve at maong pants na papunta sa bakanteng mesa na katabi ng mesang kinauupuan niya. Binaba niya ang wine glaaa at sinundan ang bawat galaw ng matipunong lalake na alam niyang umaagaw ng pansin sa lahat ng mga naroong kababaihan dahil sa lakas ng dating nito.

"Who is he?" Bulong niya at pasimpleng sinulyapan ang kasama nitong babae na naka long red dress habang nakakawit ang kamay sa braso ng lalake. Palihim niyang sinuri ang kasama nitong babae, short hair pero bumagay sa maliit nitong mukha. Isama pa ang provocative na suot nito na nagpapakita ng magandang cleavage nito at ang mataas na slit ng long dress nito.

"Perfect match," bulong niya at tinuloy ang pagkain.

Uubusin niya ang inorder nila sayang naman, isa pa ayaw pa niyang umalis dahil nais pa niyang pagmasdan ang gwapong lalake.

"Saan ko nga ba siya nakita?" Tanong niya sa sarili at muling sinulyapan ang lalake at hindi sinasadyang napatingin din ito sa kanya, mabilis siyang nagyuko ng ulo.

"Damn," mura niya sa sarili at naalala na niya kung saan niya nakita ang gwapong lalake. Ito iyung lalaking nakabunggo niya sa mall noong isang araw na may kasamang bodyguard. Nilingon niya ang paligid, pero hindi niya nakita ang mga bodyguard na kasama nito noon sa mall.

"Baka hindi sinama kase may date," parang sirang bulong niya sa sarili habang kumakain.

Muling bumalik sa problema ang isip niya. Kung saan at ano ang gagawin niya, para makahanap ng pera. Alam niyang hindi siya papahiramin ng pera ni Lenny dahil ang gusto nito ibenta niya ang sarili. Ito ang maghahanap ng bibili sa kanya at siguradong malaki ang pursento nito pag may bumili sa kanya. Nakakatuwang isipin kung bakit may mga taong nagagawa ang mga ganoon bagay, pero baka ganoon talaga, dahil sa matinding pangangailangan, tulad niya ngayon. Ano nang gagawin niya kung sakaling wala siyang mahiramang pera? Tatangapin ba niya ang alok ni Lenny? Magagawa ba niya ang bagay na iyon? Kaya ba niyang sikmurahin na ang makukuha pera ay galing sa pagbebenta niya ng sarili? Paano kung malaman ng mga magulang niya lalo na ng Daddy niya, baka iyon pa ang maging dahilan ng lalong pagkasakit ng Daddy n'ya. Pero ano at paano ang bahay at lupa nila? Pwede bang pumikit nalang siya at pag mulat ng mga mata wala na siyang problema? Sana ganoon nalang kadali ang lahat.


CHAPTER 3


Kinabukasan nagising siya sa tunog ng cellphone na nasa maliit na mesa sa gilid ng kama.

"Hello," inaantok na sagot niya.

"Ellise anak!" Tili ng Mommy niya na gumising sa inaantok niyang diwa.

"Mommy! Ano po'ng nangyari?"

"Anak pumunta kanina rito si Mr. Crisostomo ay buti nalang hindi siya pumasok, kung hindi makikita siya ng Daddy mo,"

"Ano ho ang sabi niya?" Tanong niya at nasalo ang nananakit na ulo.

"Isang linggo nalang daw ang ibibigay niyang palugit sa atin, dahil nagmamadali na daw ang buyer niya sa bahay, anak,"

"Ano ho, isang linggo?!" Gulat na tanong niya.

"Oo anak, ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong ng Mommy niya na hindi mapigilan ang umiyak sa kabilang linya.

"Ma, huwag na po kayong umiyak ako na po ang bahala, gagawan ko na po ng paraan. Basta si Daddy po asikasuhin niyo, saka sina Evan at Elvie, ako na po ang bahala sa problema. Tawagan ko po kayo mamaya," Litanya niya at mabilis nang nagpaalam sa ina. Dahil hindi na rin niya mapigilan ang maiyak.

Napahagulgol siya ng iyak. Ano nang gagawin niya? Saan siya kukuha ng limang milyon? Ano ng mangyayari sa kania? Mga tanong niya sa sarili habang umiiyak.

Tila ba wala na talagang ibang paraan kundi kumapit siya sa patalim. Kailangan na niyang magdesisyon ngayon, dahil wala na siyang sapat na panahon. Dinampot niya ang cellphone at tinawagan si Lenny. Wala na siyang ibang alam na paraan. Kailangan na niyang pumayag para matapos na ang lahat.

Kinagabihan Nakipagkita uli sa kanya si Lenny sa dating restaurant.

"So ano, this time ba eh sigurado ka na?" Tanong nito. Mabilis siyang tumango.

Wala namang ibang paraan pa, ito nalang ang tanging paraan para matapos na ang lahat ng problema niya, at sa oras na mabawi niya ang bahay at lupa nila uuwi na siya sa San Miguel at doon nalang hahanap ng trabaho. May kaunting ipon naman siya maaari siyang magtayo ng sariling negosyo tulad ng boutique. Maliit na puhunan lang naman ang kailangan niya doon. Basta ang mahalaga ngayon mabawi na nila ang bahay at lupa.

"Ok. Actually alam ko naman na papayag ka rin eh, kaya naman, naialok na kita sa mga kakilala kung businessman," nakangiting sabi nito. Napangiwi pa siya sa ginamit na salita nito. Naialok ano ba siya pagkain?

"And you are lucky dahil, kakilala ka ni Mr. Pangilinan, kaya agad siyang pumayag nang i alok kita," patuloy nito. Hindi aman siya makakibo.

"And he wants to see you tomorrow evening,"

"Bukas agad?" Gulat na tanong niya.

"Ellise, ikaw ang mas nangangailangan, ikaw dapat ang sumunod," sita nito sa kanya.

"Sorry," paumanhin niya. Kung anu-ano pa ang pinaliwanag ni Lenny sa kanya, na hindi naman niya naiintindihan, nais na niyang itanong kung kailan ba niya makukuha ang kabayaran sa serbisyo niya. Iyun naman kasi ang pinakahihintay niya.

"This is him." Pinakita ni Lenny ang lalaking marahil nasa singkwenta na ang edad na naka business suit. Kokonti nalang ang buhok, malaki pa ang tiyan. napalunok siya at bumuntong hininga.

"Masasanay ka rin Ellise, sa simula lang mahirap, pero pag nakasanayan mo na, balewala nalang sa iyo iyan."

"I guess so," malungkot na sagot niya at inubos ang laman wine na nasa glass.

"Anyway about the payment." Narinig niyang sabi ni Lenny na nagpagising at nagpabuhay sa kanya.

"I didn't offer anything, si Mr. Pangilinan ang nag presyo and guess what kung magkano?"

"Magkano?" mabilis na tanong niya.

"10 Million, Ellise!"

"What?!" Ang napasigaw na tanong niya at mabilis na tinakpan ang sariling bibig. Nahihiyang lumingon sa paligid.

"Yes, Ellise after that isa ka nang millionarya," nakangiting sabi ni Lenny.

"Bakit ang laki naman? Kailangan ko lang naman limang milyon."

"Ayaw mo non, magkakapagtabi ka ng extra five million for yourself."

"But isn't to much? Ano bang balak niya sa akin?" Hindi niya maiwasan magtanong. Hindi naman siya babayaran ng ganoong kalaki kung hindi rin malaki ang kapalit.

"Well, according to him, he wants you to be his woman for the whole month." Nagulat siya sa sinabi ni Lenny.

"Whole month?" Nanlalaking mga matang tanong niya rito.

"Yes,"

"Anong gagawin namin sa loob ng isang buwan?"

"F*ck each other. Ano pa nga ba, syempre susulitin niya ang bawat sentimo na binayad niya sa iyo, Ellise," sagot ni Lenny na nagpahina sa kanya. Nanlambot ang buong katawan niya. Gagamitin ang katawan niya.

Isang buwan siyang pagsasawaan ng matandang iyon. Isang buwan siyang gagamitin at dudungisan, kapalit ng sampung milyon. Well, hindi na rin naman masama pero anong klase pagtatalik kaya ang gagawin sa kanya?

Lalong gumulo ang isip niya pero ayaw na muna niyang isipin iyon sa ngayon. Ang mahalaga may maibabayad na siya kay Mr. Crisostomo, matatapos na ang problema niya at haharap siya sa panibagong problema.

"I guess wala naman akong choice," malungkot na sabi niya.

"Yeah. And he wants to see you tomorrow, sa VincElla Hotel in San Miguel."

"What? Bakit sa San Miguel pa?"

"Hindi ka niya pwedeng i-meet dito, delikado for you at lalo na sa kanya he is a married man."

"Pero bakit sa San Miguel? You told him, I'm from San Miguel?"

"No. I don't know why he knew that place, basta ganoon lang ang sinabi niya sa akin."

"But-"

"Ellise, hindi tayo ang magdedesisyon rito, binabayaran tayo kaya kailangan natin sumunod." Putol nito sa sasabihin n'ya.

"I see."

"So ready yourself and good luck, cheer!" Nakangiti pang sabi nito.

"Thank you," alanganing sagot niya at naki cheer na rin. Kahit alam niyang isang malaking pagkakamali ang gagawin niya. Kailangan niyang gawin para sa pamilya, para sa Daddy niya.

Matapos silang mag usap ni Lenny kaagad na itong nagpaalam at naiwan na naman siyang mag-isa sa restaurant sinusulit ang mga mamahaling pagkain at wine na inorder ni Lenny sa kanila. At nagpapasalamat siya ito lagi ang nag nagbabayad ng mga kinakain nila sa mamahaling restaurant na iyon. Matapos niyang maubos lahat tumayo na siya para lumabas ng Restaurant ng mamataan si Luke na papasok sa loob. Iiwas sana siya dahil nais niyang iwasan ang binata. Alam niyang kukulitin lang siya nito na makipag date rito. Minsan na siyang sumama kay Luke at hindi niya nagustuhan ang mga nangyari, kaya ayaw na niyang maulit pa. Sikat ito at alam niyang sikat rin sa pambababae.

"Ellise," Tawag ni Luke sa kanya ng makita siya, kahit anong iwas niya.

"Hey," tanging bati niya, at nagtuloy sa paglabas ng Restaurant. Sumunod ito sa kanya.

"Wait, ikaw ang sadya ko rito" Sabi nito sabay pigil sa braso niya.

"Ako? Bakit? Isa pa paano mo nalaman na narito ako?"

"I asked Lenny where you at, kaya pinuntahan kita rito."

"Bakit?" Tanong nia at pasimpleng binawi ang braso.

"To talk to you, hindi mo kasi sinasagot mga tawag ko sa iyo, pati na mga messages ko."

"Luke, busy kasi ako. Marami akong inaasikaso, wala akong time sa mga-"

"Ellise, why don't you give us a chance?"

"Chance?"

"Come on, let's talk in my car." Anyaya nito at hinawakan siya sa braso.

"No, Luke uuwi na ko, I'm sorry ok. Kung ano ang napag usapan na natin noon iyon na yon," inis na sagot niya. Binawi ang braso at mabilis na lumakad palapit sa kotse niya. sumunod pa rin sa kanya si Luke.

"s**t,' mura niya at mabilis na sumakay sa kotse. Bago pa niya naisara iyon napigilan ni Luke ang pinto.

"You want to talk to your place? I'll follow you," sabi nito at bago pa siya makapag protesta ito na mismo ang nagsara ng pinto ng kotse.

"Bakit naman kasi sinabi pa ni Ate Lenny kung nasaan ako," maktol niya habang ini-istart ang makina.

Habang binabaybay niya ang kalsada nakita niyang nakasunod nga sa kanya si Luke at lalo siyang naiinis. Paano ba niya mapapatigil ng kakabuntot sa kanya ang lalaking ito, naiinis na siya at hindi na siya natutuwa sa pangungulit sa kanya ni Luke.

Unang date palang nila nakitaan na niya ng kabastusan si Luke. Masyadong mabilis pagdating sa babae na agad niyang kinainisan rito, kaya naman ng matapos ang date nila sinabihan niya ang binata na iyon na ang una't huling date nila. Ewan niya kung bakit pilit pa rin itong namimilit ngayon.

Wala pa siyang nagiging boyfriend iyung seryoso, halos lahat ng nakarelasyon niya mula noong college eh mga fling fling lang, parang puppy love ganon. Walang seryoso, tila dala lang ng kabataan at panunukso ng mga kaibigan. Kaya naman ng mapunta siya sa Maynila marami ang nagparamdam sa kanya, at tanging si Luke lang ang inin-tertain niya, dahil gwapo ito at sikat naman talaga sa mga kabataan. Pero ng makilala na niya ito nawalan na siya ng gana rito.

Pagdating sa Condo building hindi pa rin niya maiwasan si Luke hanggang makarating sa pinto ng unit niya nakasunod pa rin ito sa kanya.

"Luke, please magpapahinga na ko. Hindi kita maaasikaso ngayon," inis na sabi niya nang nasa tapat na sila ng pintuan.

"Bakit ba ang ilap mo ha, Ellise? Ano bang pinagmamalaki mo at masyado kang pa hard to get!" May himig na galit sa tono nito.

"Luke! I'm not playing hard to get here! hindi mo lang maintindihan na hindi kita gusto!"

"Come on Ellise, I'm Luke!" Sagot nito at hinawakan ang mukha niya, sinubukan niya iiwas iyon pero mahigpit ang pagkakahawak nito.

"Luke ano ba?!"

"Who do you think you are huh Ellise? Isa ka lang namang pipityuging model!" Matalim na sabi nito. Sinubukan siyang halikan sa labi, mabilis niyang iniwas ang mukha at dumapo ang labi nito pisngi niya.

"Let me go!" Tili niya at tinulak ito at nang makawala mabilis siyang nagtatakbo palayo rito.

"Ellise!" Narinig niyang tawag sa kanya ni Luke, pero hindi na siya lumingon pa. Nagtatakbo lang s'ya ng nagtatakbo palayo rito.

Nakarating siya sa rooftop ng building. Doon nag iiyak naupo siya sa upuan malapit sa swimming pool. Wala ng mga tao roon pag ganoong oras bawal na ang mag swimming kaya s'ya lang mag-isa roon. At doon niya nilabas ang lahat ng sama ng loob.

"Damn it! damn it!" Sigaw niya. Napatingala siya ng lumakas ang hangin at umingay sa buong paligid. Tila may helicopter na nais bumaba sa area na iyon. Halos hindi niya mabuksan ang mga mata habang nakatingin sa helicopter na palapit ng palapit, kaya naman lalong lumalakas ang hangin at umiingay sa paligid. Hinawakan pa niya ang buhok na sumasama sa malakas na hangin.

Nang makalapag ang helicopter isang lalaki ang bumaba. Naka maong pants at long sleeve polo, na dahil sa lakas ng hangin tila nabuksan ang ilang butones ng polo nito. Maliwanag sa buong paligid dahil buong gabing bukas ang magagandang ilaw ng building sa rooftop para makita ang magandang view sa itaas. Nanatili siyang nakamata sa lalake, hanggang sa lumipad muli ang helicopter na sinasakyan ng lalake.

"Sino siya?" Bulong niya na tila ba nakalimutan niya ang problema ng makita ang gwapong lalake. Napasinghap pa siya ng mapansin ng lalaki ang kinauupuan niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang lalaki.

Ito ang lalaking nakabungo niya sa mall at nakita niya sa restaurant noong isang araw. Bakit ba lagi niyang nakikita ang lalaking ito? Sino ba ang lalaking ito? Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa lalake.

Sinulyapan naman siya nito na walang ekspresyon sa mukha, na muntik pang niyang ika tigil sa paghinga ng magtagpo ang kanilang mga mata

s**t! Ang gwapo niya.







READ MORE ON 🠟🠟🠟

Web-version DREAME

Mobile version DREAME

Comments

Popular Articles

The Runaway Mrs. dela Merced

Because of Love 2

Mayor Zandro De Guzma

Because of Love 1

The Man with a Fragile Heart

Gael Saavedra

Giovanni Saavedra

SAMANTHA