Save you Tonight
BLURB :
Dahil sa kabiguan ni Julia sa pag-ibig kay Gael Saavedra ay naisipan n'yang wakasan na ang kanyang buhay. Nabigo kasi s'yang makasal sa lalaking mula pagkabata ay iniibig na n'ya. Nasira ang lahat ng plano n'ya at ng kanyang ama ng ikasal si Gael sa ibang babae.
Naisipan n'yang tapusin na lang ang buhay n'ya kung hindi rin naman mapupunta si Gael sa kanya.
Handa na n'yang tapusin ang buhay n'ya ng isang estranghero ang pumigil sa kanya. At sa kauna-unahang pagkakataon nakakita s'ya ng lalaking higit kay Gael.
Si Lance Sebastian ang estrangherong tumulong sa kanya. Mayaman, negosyante, suplado at masungit ito sa kanya. Makikilala kaya s'ya ni Lance ngayong namasukan s'yang kasambahay sa asyenda nito?
Chapter-1
Kanina pa s'ya umiinom sa isang luxury bar, ang G.S Bar na pagmamay-ari ni Gab Saavedra. Nagpapakalasing talaga s'ya nais n'yang maglasing para makalimot sa sakit na nararamdaman n'ya. Alak ang tingin n'yang sagot sa problema n'ya.
"I hate.. you.. Gael.. Saavedra," paputol-putol na sambit n'ya.
"I am- Ju-li-a San-tillan-" Lasing na sabi n'ya sa sarili. At muling nilagok ang bote ng alak. Nakakarami na s'ya at nakakaramdam na rin s'ya ng pagkahilo. Maingay ang buong bar at halos nagsasaya ang mga tao roon, tanging s'ya lang yata ang nagluluksa. Paano naman s'yang hindi magluluksa kinasal na ang lalaking dapat n'yang pakasalan.
Ano pang saysay ng buhay n'ya ngayong kinasal na si Gael sa ibang babae? Si Gael Saavedra lang ang misyon na binigay sa kanya ng ama, buong buhay n'ya hinubog s'ya ng ama na kailangan isang Saavedra ang mapangasawa n'ya, at dahil si Gael ang natipuan n'ya, si Gael ang napili n'ya sa tatlong magkakapatid. Pero nabigo s'ya hindi n'ya nagawa ang nais ng kanyang ama na makasal kay Gael. Isa pang dahilan n'ya kung bakit andito s'ya sa bar at nagpapakalasing ay dahil sa ama. Tiyak na sesermunan s'ya nito at pagsasabihan nanaman ng kung anu-ano. Para sa kanyang ama isa s'yang walang kwentang anak dahil mula pa noon ay hindi na n'ya mabihag-bihag si Gael, mas lalo na ngayong kasal na si Gael mas lalo na s'yang walang pag-asa at walang kwenta sa ama.
Matapos maubos ang laman ng bote tumayo s'ya mula sa kinauupuan. Pasuray-suray s'yang naglakad palabas ng bar. Kung saan s'ya pupunta ay hindi n'ya alam. Basta ang alam n'ya hindi na s'ya pwedeng umuwi sa kanila. Dahil panigurado palalayasin din s'ya ng ama.
Papalabas s'ya ng bar ng biglang may makabunggong papasok.
"Ouch,' maarteng tili n'ya. Nahawakan naman s'ya ng taong nakabunggo n'ya bago pa s'ya bumagsak.
"Are you ok?" Tanong ng lalake na agad n'yang naamoy ang spicy cologne nito. Sinulyapan n'ya ang lalake, pero hindi n'ya ito masyadong maaninag dahil sa madilim na paligid.
Inayos s'ya ng tayo ng lalake. Nagpasalamat naman s'ya at naglakad na palabas ng bar. Lasing s'ya pero hindi naman ganoon kalasing, kahit hindi n'ya naaninag ang lalaki kanina panigurado n'yang gwapo 'yon, amuy gwapo kase.
Naupo s'ya sa hagdan at pinagmasdan ang mga taong paroo't paritong may mga kasamang partner at masayang naglalakad.
"Mabuti pa sila," bulong n'ya.
Buong buhay n'ya sinentro n'ya ang sarili sa pagiging asawa ni Gael Saavedra, dahil 'yon ang gusto ng ama, kahit simula pa lang ramdam na n'yang hindi s'ya gusto ni Gael, pero pinilit pa rin n'ya para masunod ang kagustuhan ng ama. Wala s'yang naging nobyo sa edad n'yang bente tres wala pa ni isang lalaking nakalapit sa kanya, may mga nanligaw na agad n'yang pinapranka, dahil lahat 'yon kay Gael. Pero ngayong wala na s'yang pag-asa pa kay Gael, may asawa na ito, ano pang silbi ng buhay n'ya?
"I hate my life," she whispered.
Tumayo s'ya mula sa pagkakaupo at naglakad pasakay ng elevator. Alam n'ya ang pasikot-sikot ng mataas na building na ito sa San Sebastian, madalas kasi s'ya noong kabataan n'ya sa building dating pasyalan at ngayon ay ginawang malaking Luxury Bar sa ibaba at mga condo units sa itaas, gawa ng mga Saavedra of course.
Nagtungo s'ya sa rooftop, malakas na hangin ang sumalubong sa kanya. Halos liparin ng hangin ang mahaba n'yang buhok at suot na bestidang abot lang hanggang tuhod n'ya.
Sinamyo n'ya ang malamig na hangin at naiyak muli. Naaawa s'ya sa sarili, dahil napakalaking failure n'ya. Wala s'yang trabaho kahit nakapag tapos naman s'ya ng pag-aaral sa Colegio de San Sebastian sa kursong fine arts, hindi kasi s'ya sigurado kung ano ang gusto n'ya noon, at isa lang ang alam n'ya at laging sinasabi ng ama. Hindi na n'ya kailangan magtrabaho pa kung isang Saavedra naman ang mapapangasawa n'ya, panigurado daw na mamumuhay reyna s'ya kapag kinasal s'ya kay Gael Saavedra.
"The f*ck!" Mura n'ya at naglakad sa gilid ng building. Mula sa kinatatayuan n'ya nakikita n'ya ang mga naglalakiang mga building sa bayan nila, kung hindi s'ya nagkakamali ang mga Saavedra din ang nagmamay-ari. Naisip nga n'ya ang buhay n'ya kung s'ya ang pinakasalan ni Gael. Magiging pagmamay-ari n'ya lahat ng kay Gael, mamumuhay nga s'yang reyna.
"F*ck you Gael Saavedra for choosing other woman over me! f*ck you!" Sigaw n'ya. Nais n'yang ilabas ang sama ng loob n'ya kay Gael.
"I hate you Gael! I hate my f*cking life!" Patuloy lang s'ya sa pagsigaw at pag-iyak.
Pakiramdam n'ya wala ng saysay ang buhay n'ya. Alam n'yang kung uuwi s'ya sa bahay nila sermon ng ama ang sasalubong sa kanya at mamaliitin s'ya ng ama. Isa lang ang misyon n'ya at hindi pa n'ya nagawa, baka nga itakwil pa s'ya ng ama dahil sa nangyari. Isama pa ang kahihiyan ng pamilya n'ya sa mga nakakaalam na ikakasal s'ya sa isang Saavedra.
"I need to end my life here, bago pa ko pagtawanan ng mga tao," umiiyak na sabi n'ya at napatingin sa katamtamang bakod ng rooftop. Kaya n'yang akyatin 'yon.
Umiiyak s'yang umakyat roon. Sinilip ang ibaba, nalulula s'ya halos wala s'yang makita dahil madilim ang buong paligid.
"I need to do this, para matapos na ang lahat," umiiyak na sabi n'ya.
"I hate everyone! I hate my life!" Sigaw n'ya.
Buo na ang desisyon n'yang wakasan ang kanyang buhay. Hangang doon na lang marahil ang buhay n'ya.
Nang biglang may humila sa kamay n'ya. Napatili s'ya at naramdaman na nahulog s'ya mula sa kinatatayuang pader. Mabilis ang mga pangyayari, bumagsak s'ya sa matipunong dibdib ng isang lalaki. Habang mahigpit ang hawak ng lalake sa braso n'ya at isang kamay naman ay nakayakap sa bewang n'ya.
Madilim ang buong paligid kaya hindi n'ya masyadong naaninag ang lalake. Pero naamoy nito ang spicy mint cologne ng lalake. Ito rin ang amoy na na amoy n'ya kanina sa lalaking nakabunggo n'ya sa bar.
Nagtama ang kanilang mga mata, tanging malilim na ilaw at liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa kanila. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata habang titig na titig sa isat-isa
"Are you ok?" He asked. His voice is husky and perfectly sexy.
Chapter-2
Tila naman s'ya natauhan ng marinig ang magandang boses ng lalake. Mabilis s'yang tumayo mula sa pagkakaibabaw n'ya rito.
Pagtayo pinagpag n'ya ang bestida at inayos ang suot at buhok. Inis na binalingan ang lalaking, pabangon mula sa semento. Napansin n'ya ng pag ngiwi nito ng hawakan ang siko nito. Marahil nagasgasan ang siko nito sa biglang pagbagsak nila sa semento. Napakagat labi s'ya at nag-iwas ng tingin. Sinulyapan ang pader na inakyat n'ya kanina. Balak na n'yang tumalon talaga at wakasan na ang lahat. Pero na udlot dahil sa lalaking ito. Inis n'yang binalingan ang lalaking ngayon ay nakatayo na sa harapan n'ya.
Kumunot ang noo n'ya habang nakatitig sa lalake. Matangkad ang lalaking kaharap, nakasuot lang ng kaswal na T-shirt at jacket, maong pants at chuck taylor shoes. Napalunok s'ya ng mapagmasdan ang mukha nito. Maganda ang hugis ng mukha nito, may balbas sa gilid ng pisngi. Napalunok s'ya ng maramdaman ang pagtibok ng puso n'ya habang nakatitig sa lalake. Gwapo ito as in gwapo, lalaking lalaki ang itsura. Sa kauna-unahang pagkakataon may nakita s'yang lalaking higit na gwapo kay Gael. May hihigit pa pala kay Gael Saavedra.
"Who are you?" Wala sa loob na tanong n'ya sa kaharap. Habang pilit pinipigilan ang atraksyon na biglang naramdaman sa kaharap. Hindi n'ya mapigilan ang pagtibok ng kanyang puso habang nakatitig sa gwapong lalake.
"It doesn't matter Miss. You are about to jump and kill your self hindi ba?" Kunot noong tanong nito.
Oo 'yon ang balak n'ya pero naudlot dahil dumating ito. Pasimple n'yang liningon muli ang pader. She really want to jump and kill herself now. Wala na rin naman s'yang dahilan pa para mabuhay.
"Yes! I want to end my life Mr. And I want to end it now!" Hiyaw n'ya at akmang aakyat muli sa pader ng hilahin s'ya ng lalake sa bewang payakap.
Nagpumiglas s'ya at nagtitili ng buhatin s'ya palayo sa may pader ng building. Nagtitili s'ya at parang batang nagpupumiglas ng buhatin s'ya ng estrangherong lalake.
"Get off of me!' Sigaw n'ya. Pero hindi s'ya binitiwan ng lalake. Nagulat s'ya at lalong nagtitili ng pasanin s'ya ng lalake sa balikat nito. Nagpapadyak s'ya para ibaba s'ya ng lalake. Pero parang wala s'yang kabigat-bigat kung pasanin lang ng lalake.
"Ibaba mo ko!" Sigaw n'ya, kasabay ang pag padyak sa lalake at pagsuntok sa likod nito.
"Pwede ba tumigil ka!" Sigaw ng lalake habang humahakbang.
"Ano ba! Ibaba mo ko! Tili pa rin n'ya at napansin na papasok na sila sa pintuan kung saan s'ya dumaan kanina.
Pagpasok sa loob agad s'yang binaba ng lalake at sinara ang pintuan.
"How dare you para makialam sa akin?!' Galit na tanong n'ya at umigkas ang kamay para sampalin ang lalake. Pero nahuli nito ang kamay n'ya.
"Don't you dare Miss," banta nito at masamang tingin ang pinukol sa kanya. Nakaramdam s'ya ng takot sa lalake. At lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso n'ya.
"I don't know what's got in your head Miss, but killing your self is not the f*cking answer on your problem," mariing sabi nito, habang mahigpit na hawak-hawak ang kamay n'ya.
Kumunot ang noo n'ya. Sino ba ito para sabihan s'ya, hindi naman nito alam ang pinagdadaanan n'ya.
"For me it is the answer! Killing myself is enough to escape all of these f*cking problem!" Hiyaw n'ya at marahas na binawi ang brasong hawak ng lalake.
"You don't know my problem Mr. kaya huwag mo kong pakialaman!"Sigaw n'ya at buong lakas na tinulak ang lalake, napasadsad ito sa pintuan. Nakakuha s'ya ng pagkakataon para makaiwas sa lalaking pakialamero. Mabilis s'yang nagtatakbo pababa ng hagdan.
"Sadali!"
"Pabayaan mo ko!" Sigaw n'ya.
"Miss," tawag ng lalake sa kanya.
"Leave me alone! Pabayaan mo ko!" Tili n'ya at mabilis na inalis ang bag na nakasabit sa katawan. Ibinato n'ya ang bag sa lalaki, para huwag na s'yang sundan pa at hayaan na lang.
"Wait Miss! Sandali!" Tawag ng lalake sa kanya, pero nagtuloy lang s'ya. Mabilis s'yang sumakay sa elevator ng bumukas 'yon.
Hindi n'ya kilala ang lalake, pero alam n'yang nais lang s'yang tulungan nito, nais iligtas sa pagpapakamatay na gagawin n'ya. At nagawa naman ng lalaking 'yon na pigilan s'ya. Dahil napatibok nito ang kanyang puso sa kauna-unahang pagkakataon.
"Sino kaya s'ya?"
Nang makalabas ng building agad s'yang sumakay ng taxi. Nagpahatid s'ya sa condo unit ng nag-iisa n'yang kaibigang si Geraldine. Wala na s'yang matatakbuhan pa. Hindi s'ya pwedeng umuwi sa kanila, hindi s'ya pwedeng umuwi sa unit ng Kuya Dylan n'ya. T'yak na sesermunan lang din s'ya ng kapatid.
"What? saan ka naman pupunta?" Gulat na tanong ni Geraldine ng sabihin sa kaibigan na aalis s'ya ng San Sebastian at kailangan n'ya ng pera. Wala s'yang pera dahil alam n'ya soon puputulin na ng ama ang mga cards n'ya. Wala s'yang cash, dahil wala naman s'yang trabaho, umaasa lang s'ya sa mga magulang sa Kuya Dylan n'ya.
"Please Geraldine, mababaliw ako kapag nanatili pa ko dito sa San Sebastian," pakiusap n'ya sa kaibigan.
Alam n'yang alam na ng kaibigan ang problema n'ya, dahil isa ang ama ni Geraldine sa mga share holders sa kompanya ng mga Saavedra. At kanina sa meeting alam n'yang dinala ni Gael ang asawa nito para ipakilala na sa mga share holders ng kompanya.
"Fine, matitiis ba kita, make sure na huwag mong pababayaan ang sarili mo, and please Julia bumalik ka once na ok ka na," sabi ng kaibigan. Tumango lang s'ya sa kaibigan.
Kung alam lang ng kaibigan na this is her second life. Kung hindi lang dahil sa lalaking 'yon baka pinaglalamayan na s'ya ngayon.
"Halika ka nga dito," sabi ng kaibigan at niyakap s'ya. Mahigpit din n'yang niyakap ang kaibigan.
Matapos makausap at makahiram ng pera kay Geraldine umalis na s'ya sa condo unit ng kaibigan. Kung saan s'ya ngayon pupunta ay hindi pa n'ya alam.
"This is the reality Julia," bulong n'ya sa sarili.
Magsisimula s'ya muli ng kanyang bagong buhay. Baka kaya hindi n'ya nawakasan ang kanyang buhay kanina ay dahil may dapat pa s'yang gawin sa buhay n'ya, baka matapos ang sakit at hirap ay kaligayaan naman ang susunod na dadanasin n'ya.
"I'm going to start a new life. New Julia Santillan. Not the old one na always nakadepende kay Kuya Dylan at kina Daddy't Mommy," sabi n'ya sa sarili.
Chapter-3
Malalim ang ngiti n'ya sa labi ng lumabas ng salon. Nakangiti n'yang hinawakan ang bagong gupit na buhok. Ang dating mahaba at maganda n'yang buhok ay pinaputulan na n'ya. Hanggang balikat na lang ang dati n'yang mahabang buhok. Parte ng pagbabagong buhay n'ya ang pagpapaiksi ng buhok. Gumaan naman ang pakiramdam n'ya.
Isa pa sa kinatutuwa n'ya sa bagong simulang gagawin n'ya, ay wala na s'ya sa San Sebastian, malayo na s'ya kay Gael, malayo na s'ya sa kanyang ama, hindi na n'ya maririnig ang mga sermon ng ama. Isa pa walang nakakaalam kung nasaan s'ya. Wala s'yang cellphone, naihagis kasi n'ya ang bag sa lalake kagabi.
Maaga s'yang bumiyahe papuntang San Rafael. Sa San Rafael kasi nakatira ang dati n'yang yaya na si yaya Flor. Matagal ng umalis sa kanila si yaya Flor dahil nais na daw nitong makasama ang pamilya nito na sa San Rafael naniniraan. May kalayuan ang San Rafael sa San Sebastian. Ang huling balita n'ya kay yaya Flor namamasukan daw ito sa isang pinakamayaman sa San Rafael. Kaya naglakas loob s'yang magtungo dito dahil alam n'yang madali n'yang mahahanap si yaya Flor.
Malaki at maganda ang San Rafael, probinsya ang dating nito. Hindi tulad sa San Sebastian na puro nagtataasang building ang makikita n'ya. Sa San Rafael halos bundok at mga puno ang madadaanan. May dagat din. Masasabi n'yang maganda ang probinsya ng San Rafael.
Sa pagtatanong n'ya kung sino ang pinaka mayamang pamilya sa bayan na 'yon ay napag-alaman n'yang pamilya Sebastian ang sinasabing pinaka mayaman sa San Rafael. Tinuro din ng napagtanungan n'ya kung saan n'ya makikita ang Hacienda Sebastian. Mula sa plaza sumakay s'ya ng tricycle. Nag-enjoy naman s'ya sa unang beses na pagsakay n'ya ng tricycle. Pakiramdam n'ya isa na s'yang ganap na tao. Dahiil ginagagawa na n'ya ang ginagawa ng karamihan.
"Dito na po Miss," sabi ng driver ng huminto ang tricycle.
Pagbaba n'ya agad n'yang nakita ang malaking gate na may arkong Hacienda Sebastian. Napangiti s'ya, ito na nga ang hinahanap n'ya.
Nagbayad s'ya sa driver at agad na lumapit sa mataas na gate. Naisip bigla kung pwede kaya s'yang pumasok sa loob.
"Manong pwede po ba dumaan dito?" Tanong n'ya sa driver na papaalis pa lang.
"Pwede Miss, 'yun nga lang malayo pa ang lalakarin mo bago ka makarating sa bahay," sagot nito. Tumango s'ya.
"Hacienda Sebastian," bulong n'ya ay tinulak pabukas ang malaking bakal na gate.
Naglakad s'ya sa malawak na bakuran na halos mga naglalakihang mga puno ang nakapalibot sa buong paligid.
Wala s'yang idea sa mga Hacienda, pero sa pagkakaalam n'ya may asyenda din ang mga Saavedra, hindi nga lang n'ya alam kung saang lugar.
Napapangiti s'ya sa maganda at malinis na paligid. Parang napakapayapa ng buong lugar. Parang ang sarap mag-isip at mag muni-muni. Parang kung dito s'ya titira ay wala s'yang magiging problema pa.
"Ang swere naman ng mga nakatira sa ganitong lugar," bulong n'ya.
Sa paglalakad n'ya may narinig s'yang mga yabag na kung ano, at nagtatawanan na mga paparating. Mabilis s'yang nagkubli sa mga malalaking puno. Baka kase ang may-ari ang paparating at makita s'ya, baka pag-isipan pang magnanakaw dahi bigla na lang s'yang pumasok sa loob ng bakuran.
May nakita s'yang dalawang kabayong paparating at may sakay. Una n'yang napansin ang lalaking nakasakay sa kulay brown na kabayo, pero hindi n'ya masyadong nakita ang mukha nito. Sumunod na napansin n'ya ang puting kabayo at ang babaing sakay nito. Kumunot ang noo n'ya ng huminto ang mga ito malapit sa pinagtataguan n'ya. Siniksik n'ya ang sarili sa puno sa takot na makita s'ya ng mga ito.
Bumababa ang mga ito sa dalawang kabayo.
"I won the bet sweetheart," sabi ng lalake at agad na lumakad palapit sa babae at kinawit ang mga kamay sa maliit na bewang ng babaing naka bralette lang. Kitang-kita ang hubog ng katawan nito at laki ng hinaharap nito, seksi ito.
"I let you won the bet of course," malambing na sagot ng babae at hinawakan ang mukha ng lalake. Hindi n'ya makita ang mukha ng lalake dahil nakatalikod ito sa kanya, nakaharap naman sa kanya ang babae. Masasabi n'yang maganda ang babae at may magandang pangangatawan. Alam din n'yang may kaya ang babae, pansin n'ya sa branded na suot nitong leggings at brallete.
Napangiwi s'ya ng maghalikan ang dalawa. Lalo naman n'yang siniksik ang sarili sa puno, nakakahiya naman kung makita s'ya ng mga ito. Pero hindi n'ya inalis ang mga mata sa dalawa. Napalunok s'ya habang nakatingin sa paghahalikan ng dalawa, parehong magaling humalik ang mga ito. Sumunod naman ay napasinghap s'ya ng makitang bumaba ang kamay ng lalake sa may pangupo ng babae, kitang-kita n'yang nagustuhan ng babae ang ginagawa ng lalake sa kanya. Ewan n'ya kung bakit tila nakaramdam s'ya ng inggit. Never pa kasi n'yang na experience ang ganyang bagay.
Ganito siguro talaga pag may jowa ka, may makakahalikan ka at may hahaplos sa iyo kung saan. Wala pa kasi s'yang nagiging nobyo, ni wala pa s'yang first kiss, kahit si Gael hindi s'ya nito hinalikan, baka nga hindi talaga s'ya gusto ni Gael.
Halos lumuwa na ang mga mata n'ya kakanood sa dalawang tila walang balak tapusin ang painit na painit na ginagawa ng mga ito. Kung wala lang sa labas ang dalawang ito baka kung saan na umabot ang ginagawa ng mga ito.
"My room," narinig n'yang bulong ng lalake sa babae.
"Sure," kinikilig na sagot ng babae sa lalake.
Nang maghiwalay ang mga ito humarap sa may dako n'ya ang lalake at napakunot ang noo n'ya ng makita ang mukha nito. Naramdaman din n'ya ang pagtibok ng puso n'ya ng makita ang gwapong mukha ng lalake.
"S'ya ba 'yon?" Tanong n'ya sa sarili habang nakasunod ng tingin sa lalake. Napahawak s'ya sa dibdib na biglang naging abnormal ang tibok.
Sumakay muli ang dalawa sa kabayo at mabilis na nagpatakbo ang mga ito. Lumabas s'ya mula sa pinagtataguang puno at sinundan ng tingin ang dalawang kabayong tumatako.
"S'ya 'yon, hindi ako pwedeng magkamali, s'ya ang lalaking pumigil sa akin sa building," bulong n'ya.

Comments
Post a Comment