Mayor Zandro De Guzma

BLURB : 


Ziyah risked her own body just so that Zandro would agree to run for Mayor, to fight her stepfather. He told Zandro that she is a virgin and that he had never had a relationship with anyone. She also showed proof that she is a 100% virgin.

Zandro agreed to their deal. How can he resist someone like Ziyah. Beautiful, young, and of course a virgin. Zandro will run for Mayor to get her virginity. If he wins over her stepfather.


CHAPTER 1


Isang malakas na kabog at mga sigawan ang gumising sa kanya. Napabalikwas siya ng upo mula sa pagkakahiga, halos hindi pa niya nadidilat ang mga mata, ay nagmamadali na siyang bumaba ng kama.
"Mommy!"
Halos madapa siya sa pagmamadaling makalapit sa pintuan ng silid. Nanginginig ang mga kamay na piniit ang lock ng pinto pabukas at nagtatakbo palabas ng silid.
"Mommy!" Tawag niya sa ina.
Bago niya narating ang silid na kinaroroonan ng ina, ay lumabas na mula sa silid si Julio. Galit na mukha ni Julio ang sumalubong sa kanya. Masamang tingin ang pinukol nito sa kanya. Napahinto siya at sinalubong ang galit na nga mata nito. Masamang tingin din ang pinukol niya sa stepfather.
"Ano na naman ang ginawa mo sa Mommy ko?" Matalim na tanong niya. Saka akmang lalapit rito ng itulak siya nito.
"Magsama kayo ng Mommy mo na tatanga-tanga!" Galit na sabi nito. Saka ito nagpamura at nagptuloy sa paglalakad.
Masamang tingin ang pinukol niya kay Julio na nagmumura pa habang pababa ng hagdan.
"Demonyo!" Matalim na sabi niya.
Narinig mula sa loob silid ang pag-iyak ng Mommy n'ya. Dali-dali siyang tumakbok papasok sa loob ng silid ng ina.
"Mommy!" Tawag niya.
Nakita niyang nakaupo ang ina sa sahig habang umiiyak ito. Nagkalat sa tabi ng ina ang ilang mga gamit. Marahil iyon ang narinig n'yang nagkalabugan kanina. Nagkibit balikat siya. Tila nanghihina siya sa nakikitang itsura ng ina.
)
"Mommy," saka tumabi sa umiiyak na ina.
"I'm ok Ziyah, I'm ok. Don't worry," sabi ng ina habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi.
Napabuntong hininga siya ng makita ang dugo sa gilid ng labi ng ina. Walang dudang pinagbuhatan na naman ng kamay ng lalaking iyon ang Mommy niya.
Nasasaktan siyang makita ang ina na ganito. Umiiyak at may pasa. Pero hanggang ngayon wala pa rin siyang magawa para maprotektahan ang ina.
Mula pagkabata saksi siya sa pananakit ni Julio sa Mommy niya. Kaya kinamumuhian niya si Julio Alcaraz ang walanghiya niyang stepfather.
Nagka-isip siya na akala niyang si Julio ang ama niya. Dahil asawa ito ng Mommy niya at dala-dala ang apelidong Alcaraz. Ngunit hindi rin nagtagal nahalata niya na iba ang trato sa kanya ni Julio. Noong una inakala niyang baka dahil babae siya at hindi lalake. Dahil nga karamihan ng mga ama ay gustong magka anak na lalake. Pero dahil na rin sa nasaksihan niya ang pananakit ni Julio sa ina, ay lalo na siyang nagduda kung sino ba si Julio Alcaraz.
Sampung taon na siya ng aminin sa kanya ng ina na hindi si Julio ang kanyang ama. Hindi na siya nagtaka pa roon. Halata naman niya noong una pa lang. Dahil sa malamig na pagtrato sa kanya ni Julio.
Nang tanungin ang Mommy niya kung nasaan ang tunay na ama. Malungkot na sinabi nitong namatay ang tunay niyang ama bago pa man siya maisilang.
Sa kagustuhang malaman kung bakit namatay ang ama, ay nahalungkat niyang sadya pinapatay ni Julio ang kanyang ama, para maagaw ang Mommy niya sa tunay niyang ama.
Magpa hanggang ngayon ay nasa poder pa rin siya ni Julio, ay nais niyang makuha ang hustiya para sa ama. Nag-iisip siya ng paraan at patuloy na naghahanap ng matibay na ebidensya na magpapatunay na si Julio ang utak sa pagpatay sa kanyang ama.
Hindi rin naman siya makaalis, dahil hindi niya kayang iwan ang ina. Isa pa, katatapos palang niya sa pag-aaral noong isang taon sa kursong tourism sa San Miguel University. Hindi siya pinapayagan ni Julio na magtrabaho sa iba. Ang nais ng stepfather niya ay mamasukan siya sa kompanya ng stepfather. Bagay na kailanaman ay hindi niya gagawin. Illegal ang mga negosyo ni Julio, kaya nabibilang ito sa mayayaman sa bayan nila. Ang mga pasugalan, at ilang illegal na bar sa karatig bayan ay patagong pagmamay-ari ni Julio.
Alam naman niyang darating din ang araw na babagsak na si Julio at pagbabayaran nito ang lahat ng kasalanan. At hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang hustiya para sa ama. At mapagbayaran ni Julio ang pagpatay sa ama at pananakit sa Mommy niya.
"Bakit po ba kasi niyo hinahayaan na saktan kayo ng demonyong iyon?!" Galit na tanong sa ina habang tinatapalan ng yelo ang gilid ng labi nitong pumutok.
"Hayaan mo na ang Daddy mo-"
"Hindi ko siya Daddy!" Mariin na putol niya sa sasabihin ng ina.
Mula ng masaksihan niya ang pananakit ni Julio sa Mommy niya ay tuluyan na siyang nawalan ng galang kay Julio Alcaraz. Hindi niya ito tinatawag na Daddy o ano pa man. Julio lang ang tawag niya sa stepfather.
"Ziyah anak, huwag mo na lang pinagpapansin si Julio, baka pati ikaw madamay pa,"
"Subukan lang niya kong saktan. Kundi lalabanan ko talaga siya!" Banta niya.
Ni minsan hindi pa dumapo ang palad sa kanya ni Julio. Pero madalas pagsalitaan siya ni Julio ng masasama, at minsan dinadamay pa ang tunay niyang ama sa usapan pag galit ito sa kanya.
"Ziyah, hayaan mo na," malumanay na pigil sa kanya nito.
"Bakit kasi hindi niyo labanan?!"
"Anak, wala tayong pupuntahan kapag kinalaban natin si Julio,"
Parehong galing sa katamtamang pamilya ang Mommy at Daddy niya. Kaya walang laban sa kapangyarian ni Julio. Kaya marahil magpa hanggang ngayon, ay hindi pa rin makamit-kamit ng ama ang hustisya.
Humugot lang siya ng malalim na paghinga. At hindi na kumibo. Kung sana makahanap siya ng trabaho, at may sapat na pera, iyung kaya niyang isama ang Mommy niya, para layasan na nila ang demonyong si Julio.
"Ziyah," tawag ng ina. Makalipas ang ilang sandali.
Sinulyapan niya ang ina at binaba ang pinupunas sa putok na labi nito.
"Tatakbong alkalde si Julio dito sa San Miguel," seryosong sabi ng ina.
"Ano po?!" Gulat na tanong niya.
Nalalapit na ang halalan at sa pagkakaalam niya hindi na tatakbong Mayor ang kasalukuyang nakaupo na si Mayor Fernan De Guzman. Isang napakagaling na Mayor nito, dahil napalago nito ang bayan nila. Isama pang naipasara nito ang mga pasugalan ni Julio sa bayan nila. Kaya nagustuhan niya ang pamamalakad nito.
"Hindi siya mananalo!" Taas mukhang sabi niya.
"Walang boboto sa demonyong iyon. Matitino ang mga tao sa San Miguel, at hindi nila iboboto si Julio,"
"Wala siang makakalaban, dahil ang pambato ng San Miguel na si Zandro De Guzman na anak ni Mayor ay hindi tatakbo sa halalan," malungkot ang tinig na sabi ng Mommy niya.
"Kung hindi rin ang batang De Guzman ang makakalaban ni Julio, sigurado ang magiging panalo niya," patuloy ng ina.
Hindi siya nakakibo. Nanatili siyang nakamata sa ina. Hindi pwedeng manalo si Julio. Mas magkakaroon ito ng kapangyarian para saktan ang Mommy niya. At lalo nitong matatakasan ni Julio ang krimen nito sa Daddy niya.
"No! Hindi siya mananalo,"

CHAPTER 2

"Ziyah!"
Tawag sa kanya ng kaibigang si Glaiza. Kumakaway pa ito sa kanya habang nakaupo sa may dulo ng kilalang coffee shop. Kumaway din siya sa kaibigan saka ngumiti.
Si Glaiza ang nag-iisang kaibigan niya. Kapag kailangan niya ng makakausap tinatawagan niya ito. Ganoon pa man wala siyang lakas loob na sabihin sa kaibigan ang totoong pinagdadaanan nilang mag-ina sa loob ng pamamahay ni Julio.
Tinawagan niya ang kaibigan, dahil nais muna niya ng makakausap. May problema na naman kasi silang mag-ina. Tatakbong Mayor si Julio at wala itong makakalaban na mas malakas rito. Panigurado ang panalo ni Julio kung sakali, kaya problemado na naman siya. Magkakaroon na naman kasi ng kapangyarian si Julio para lalong masaktan ang Mommy niya. At siya naman ay tuluyang makukulong sa pangangalaga nito. Isama pa ang hustisya para sa ama ay lalong malabong makamit kung uupong Mayor si Julio.
"Kanina ka pa?" Nakangiting tanong niya sa kaibigan.
Magaling siyang magtago ng problema, kaya hindi halata ng kaibigan na may problema siya sa pamilya nila. Ni minsan wala siyang pinagsabihan ng problema, kahit madalas halos sasabog na siya. Ganoon siya katindi magtago ng problema. Ayaw kasi niya ng kinaaawaan siya ng iba. Mas ok na para sa kanya ang mag isang naaawa sa sarili, kesa kinaaawaan siya ng iba.
"Medyo lang naman, pero ok lang," malalim na ngiting sagot nito.
"Ganda ng ngiti mo ah. Naka order ka na ba?"
"Hindi pa. Ako na ang o-order," sabi nito at agad na tumayo mula sa kinauupuan. Nag-ayos pa ito ng buhok at damit.
"Maganda na ba ako?" Tanong nito.
"Glaiza, maganda ka naman lagi,"
"I need to be extra beautiful ngayon,"
"Why?"
"Tumingin ka sa kaliwa may dalawang gwapong nagkakape, at kung hindi ako nagkakamali, sina Liam Villanueva iyan at si Zandro De Guzman," bulong ng kaibigan sa kanya habang naroon ang hindi mapigilang kilig nito.
"Ah. Zandro De Guzman?" Tanong niya at mabilis na napalingon sa sinabing nakaupong dalawang lalake. Hindi naman siya nabigo ng makita ang sinasabi ng kaibigan. Totoo nga mga gwapo nga na umaagaw ng atensyon ng mga kababaihang naroon.
"Yes. Sila ang mga hottie single sa bayan na ito," kinikilig pang sabi ni Glaiza.
Pinakatitigan niya ang dalawang lalake na seryosong nag-uusap. Hindi naman namamalayan ng mga ito ang presensya nila ni Glaiza at nang iba pang nakatingin sa mga ito.
"Liam Villanueva iyung gwapong naka long sleeve, successful engineer iyan and businessman. And next the one is Zandro De Guzman. He is a big time businessman as well, plus, nag-iisang anak na lalake ni Mayor Fernan De Guzman,"
"Siya ang anak ni Mayor?" Mahinang tanong niya.
"Yes. Ang gwapo no," sagot ni Glaiza at nagpaalam na sa kanya na o-order na muna ng kape nila.
"Zandro De Guzman," bulong niya sa pangalan ng lalake habang nakatingin rito sa di kalayuan.
Ang lalaking ito ang kailangan niya. Ito ang lalaking pwedeng kumalaban kay Julio sa pagka alkalde. Ang lalaking ito ang tatalo kay Julio.
"Here," sabi ni Glaiza nang makabalik at inilapag sa harapan niya ang kape.
"Salamat," pasalamat niya. At napansin ang pagtayo ng dalawang lalakeng tinitignan nila ng kaibigan. Parehong matangkad at may magagandang katawan ang mga ito. Hindi lang naman silang dalawa ng kaibigan ang nakakapansin sa dalawang gwapong lalake. Halos mga kababaihan sa loob ng coffee shop pasimpleng sinusulyapan ang dalawang lalake.
Hindi nakaligtas ang pagsulyap ng isa sa mga ito sa dako nila. Si Zandro. Nagtama ang kanilang mga mata. Malalim ito kung tumingin. Hindi naman siya nagbawi ng tingin rito hanggang sa makalayo na ito at kinailangan lumabas na ng pintuan ng coffee shop nakasunod pa rin siya ng tingin sa lalake.
"Ziyah!" Sabay tapik pa ng kaibigan sa kamay niya.
"Ah?"
"Kanina mo pa tinititigan si Zandro. Ano type mo?" Nakangiting tanong nito.
Ngumiti lang siya sa kaibigan. May ibang pakay siya kay Zandro. Kailangan niyang paghandaan ng husto ang gagawin niya.
"Hindi ka ganoon tumingin sa isang lalake. Isa pa si Zandro palang yata ang lalaking pumukaw sa atensyon mo," sabi pa nito.
Ngiti lang ang sinagot niya sa kaibigan. Saka humigop sa mainit na kape. Sa edad niyang bente dos wala pang lalaking nakalapit sa kanya. Wala pa din ni isang lalaking pumukaw sa atensyon niya.
Matapos nilang magkape ni Glaiza naglakad-lakad pa sila sa Tragora Mall. Panay biro ng kaibigan sa kanya kay Zandro. Ngiti lang at iling ng ulo ang tanging sagot niya sa kaibigan. Kung ano man ang plano niya kay Zandro ay sasarilinan muna niya. Isa pa wala pa siyang alam na pwedeng paraan para malapitan ito at makausap ng maayos. Pero dahil anak ito ng Mayor madali lang siguradong hanapin kung saan ito nakatira. Problema lang kung paano niya ito malalapitan para kausapin.
Pag-uwi ng bahay. Maingay na naman si Julio. Sumisigaw na naman ito, habang kausap ang ilang kasambahay. Ganoon naman talaga tratuhin ni Julio ang mga kasambahay nila parang hindi tao kung mura-murahin nito. Paano mo iluluklok at bibigyan ng kapangyarian ang isang tulad ni Julio na mala demonyo ang ugali, para mamahala sa bayan nila. Walang dudang madudungisan ang magandang imahe ng bayan ng San Miguel.
Umakyat siya sa hagdan. Hindi na lang pinansin ang boses ni Julio. May mas kailangan siyang pagtuunan ng pansin, si Zandro De Guzman.
Nagtuloy siya sa silid, agad na humarap sa laptop para maghanap ng impormasyon tungkol kay Zandro. Kailangan pag-aralan muna niya ng mabuti kung paano niya malalapitan ang isang Zandro De Guzman at maihahayag ang pakay niya rito, na hindi ito tumatanggi.
Ayun sa mga nabasa niyang impormasyon walang karelasyon si Zandro. May mga bali-balita na mahilig ito sa mga babae. Well, lahat naman yata ng lalake mahilig sa babae.
Si Zandro ang nagpapatakbo ng De Guzman Farm. Ito ang nagsu-supply ng mga gulay at prutas sa bayan nila at ilan pang mga karatig bayan. May export din ang mga produkto nito, kaya marahil masasabing isang matagumpay na negosyante si Zandro sa edad nitong bente otso.
Pinakatitigan niya ang gwapong larawan ng binata sa screen ng laptop. Zandro is a handsome man. Malakas ang appeal. Walang dudang titilian at pagkakaguluhan ito ng mga kabataang may kakayahan ng bumoto. Tiyak ang magiging panalo ni Zandro sa mga kabataan, at natitiyak niya ang magiging panalo ni Zandro laban kay Julio na wala namang kwenta talaga.
"Kailangan makausap ko si Zandro sa lalong madaling panahon," bulong niya habang titig na titig sa larawan ni Zandro.
"Handa kong gawin lahat mapapayag ko lang siyang labanan si Julio. Handa kong isakripisyo ang lahat para mapanalo ni Zandro ang kadidatura," mariing bulong niya sa sarili na puno ng determinasyon.
Kailangan niyang isipin ngayon ay kung paano makakaharap si Zandro, at paano niya ito mapapayag na tumakbong Mayor sa bayan nila. May nabasa kasi siyang article na ayaw daw ni Zandro na pumasok sa pulitika. Mas nais daw kasi nitong mag focus sa negosyo nito. Wala daw sa isip nitong sumunod sa yapak ng ama nito na kasalukuyang nakaupong Mayor. Mas nais daw kasi ng binata nang tahimik at simpleng pamumuhay lamang. Kung sa bagay kung isa na rin naman itong matagumpay na negosyante, wala na ngang dahilan pa para pumasok ito sa magulong mundo ng pulitika
Kaya kailangan niyang kumbinsihin si Zandro nang todo-todo para mapapayag itong labanan ang demonyong si Julio Alcaraz.

CHAPTER 3

Makalipas ang dalawang araw naihanda na niya ang lahat ng kailangan, para sa pakikipagkita niya kay Zandro. Buong tapang at lakas na loob na rin niyang inihanda ang sarili sa pagharap kay Zandro De Guzman. Buo na ang pasya niya sa plano. Wala nang makakapigil pa sa kanya sa paglapit kay Zandro. Ang binata ang natatanging susi sa kalayaan nilang mag ina. Ito ang magpapabagsak kay Julio.
Huminto ang kotse niya sa tapat ng malaki at mataas na gate na may arkong De Guzman Farm. Sa loob ng dalawang araw inalam niya ang lahat tungkol kay Zandro. Kung saan ang opisina nito, kung kailan at anong oras ito nasa trabaho. Sinubukan din niyang humingi ng appointment sa secretary nito ngunit nang tanungin siya kung sino siya, at para saan ang appoitment, ay hindi na lang niya tinuloy. Kaya heto siya sinadya na niya ng personal si Zandro sa mismong farm nito.
Bumaba siya ng kotse para magtanong sa guard na naroon sa gate. She wear her best business attire look, para magmukha siyang matalino at nais makipag business deal kay Zandro.
"Pwede po ba kong pumasok sa loob? Kakausapin ko lang po sana si Mr. De Guzman," sabi niya, matapos magalang na batiin ang gwardya na mukhang nasa kwarenta pataas ang edad.
"Alam na po ba ni Sir Zandro?" Tanong nito.
Bahagya siyang nagpa cute. Para sana hindi na dumaan pa sa maraming tanong, tanong.
"Actually hindi pa po," nakangiting sagot niya.
"Ah," tanging sabi nito. At sinulyapan siya, pati na ang mamahaling kotseng dala niya. Regalo ni Julio sa kanya ang mamahaling sasakyan na iyon pagkagraudate niya. Kahit alam niyang galing sa masama ang pinambili nito ay tinanggap na lang niya, kesa sa awayin pa siya ni Julio.
"Sige po Ma'am, pumasok na po kayo," sabi nito matapos siyang masuri at ang kotseng dala.
"Sundan niyo lang po ang mga nakalagay na sign patungo sa sa resthouse kung saan nag-oopisina si Sir Zandro," turo sa kanya ng guard.
"Salamat po," nakangiting pasalamat niya.
Mabilis siyang bumalik sa kotse. Buti na lang wala ng kung anu-ano pang tanong. Pinaandar niya ang kotse at pumasok sa gate na binuksan pa ng guard para sa kanya.
Tinatahak na niya ang malawak na farm ng mga De Guzman. Sa pagkakaalam niya dalawang magkapatid ang mga De Guzman si Zandro at ang isa ay babae. Sa mga nabasa niya matagal ng may pamilya ang kapatid na babae ni Zandro. Kaya marahil si Zandro na lang ang nag-aasikaso sa farm ng mga ito.
Pinagsawa niya ang mga mata sa napakagandang paligid. Malinis at puno ng mga tanim. May nadaanan din siyang tila isang mansyon sa kalagitnaan. Marahil iyon ang bahay ng mga De Guzman.
Makalipas ang ilang minuto narating din niya ang resthouse na tinutukoy ng gwardya. Isa pa sinundan naman niya ang mga arrow na nagtuturo patungo sa resthouse, kaya natitiyak niyang hindi siya naligaw.
Nakatayo ang malaking resthouse sa tabi ng ilog na may katamtamang laki. Napapalibutan ito ng mga malalaking puno. Gawa ito sa kahoy at mukhang presko. Pinarada niya ang kotse sa tabi ng isang mamahaling sasakyan. Marahil sasakyan iyon ni Zandro. Mas mamahalin kesa sa dala niya.
Bumaba siya ng kotse bitbit ang mamahaling bag at isang brown envelope. Tiningala ang napakapreskong resthouse. Humugot siya ng malalim na paghinga. Handa na siya sa gagawin. Buo na ang pasya niya. Kung pagtawanan man siya ni Zandro sa alok niya ay ok lang. At least sumubok siya.
"Excuse me,"
Narinig niya ang isang baritonong tinig mula sa likuran. Napalingon siya at hindi napaghandaan ang nakita niyang kagwapuhan ng lalaking nakatayo roon at nakamata sa kanya.
Zandro De Guzman, mas gwapo pala ito sa personal at sa malapitan. Nakasuot ito ng puting t-shirt at maong pants. Simpleng- simple pero sobra-sobra naman ang lakas ng appeal nito, na kahit sinong babae ay mabubulabog pag tumingin ito.
"Hi," bati niya. Matapos ang ilang secundong pagtitig sa kagwapuhan nito na nagpawala saglit sa katinuan niya.
"Hi,' nakangiting bati nito sa kanya. Mas gwapo pala ito pag nakangiti at nakalitaw ang mapuputing ngipin na pantay-pantay.
"I'm Ziyah. Ziyah Alcaraz," pakilala niya.
"Ziyah Alcaraz?" Kunot noong tanong nito. Apelido ni Julio ang gamit niya, dahil pinakasalan nito ang Mommy niya, bago pa siya maisilang. Si Julio ang nakalagay na ama sa birth certificate niya.
"Yah, I'm Ziyah, and you are Mr. Zandro De Guzman right?"
Tumango ito sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya si Zandro, at tila hindi siya handa sa nakikitang kagwapuhan nito.
"I came here. Para sa proposal ko sa iyo," lakas loob na sabi niya.
Kumunot ang noo nito. Saka lumabi. Napatingin siya sa mga labi nitong maganda na tila masarap halikan. Mabilis niyang winaksi ang ano mang naisip. Never in her life na naisip niya ang bagay na iyon sa isang lalaking kaharap.
"Ok, let's get inside sa loob tayo mag-usap," anyaya nito sa kanya at tinuro ang daan.
.
"Coffee or tea?" Tanong nito ng makapasok sa loob ng resthouse.
"Tea, please," sagot niya.
Nakita niyang sumensya ito sa babaing nakaupo sa tapat ng isang mesa malapit sa pintuan. Marahil iyon ang secretary nito na nakausap niya at ang daming tanong.
"Dito tayo Ms. Ziyah Alcaraz," banggit nito sa pangalan niya. Nakaramdam siya ng kakaiba sa simpleng pag banggit lang nito sa pangalan niya. Hindi na muna niya pinansin ang kakaibang pakiramdam na iyon.
Pumasok sila sa loob ng opisina nito. Tinuro ang sofa at agad siyang naupo. Sumunod naman itong naupo sa tapat ng kinauupuan niya.
"What, Ms. Ziyah Alcaraz doing in my farm alone?" Tanong nito at sinulyapan siya.
Pansin niyang tulad din niya ay tinititigan siya nito. Kaya nakakaramdam siya ng pagkailang. Bukod sa pagsuot ng pormal na business attire, ay sinigurado niyang maganda siyang haharap kay Zandro.
"Here," sagot niya. Saka inilatag ang brown envelope sa mesa.
Sakto naman ang pasok ng secretary na may dalang tsa-a. Binaba ng secretary ang tasa sa tapat nila ni Zandro, saka nakangiting nagpaalam sa kanila. Hinintay muna niyang makalabas ang babae bago muling nagsalita.
"I am Ziyah Alcaraz. Julio Alcaraz is my stepfather not my father,' simula niya. Sinabi na niya ang totoong relasyon niya kay Julio. Para sa simula palang malinaw na rito ang lahat.
"I see,' sagot nito. Pero halata ang pagtataka.
"Here," sabi niya at iniusog ang brown envelope palapit rito. Nalipat ang mga mata nito sa envelope.
Pakiramdam niya hindi siya makahinga ng buksan nito ang envelope at hilahin ang papel sa loob. Saka siya muling sinulayapan, at muling binaling sa papel ang mga mata nito.
Galing sa OB-gyne ang papel na iyon. Katunayan na siya ay birhen, na malinis siya. Nakita niya ang pagkunot sa noo nito at sinulyapan siya.
"What is this all about?" Kunot noong tanong nito.
"Mr. Zandro De Guzman. I offer myself, my virginity, to you. Kapalit ang pagtakbo mo bilang Mayor sa bayan na ito, at kalabanin ang stepfather ko na si Julio Alcaraz,"





READ MORE ON 🠟🠟🠟

Web-version DREAME
Mobile version DREAME


Comments

Popular Articles

Giovanni Saavedra

The Runaway Mrs. dela Merced

The Man with a Fragile Heart

Gael Saavedra