Giovanni Saavedra

BLURB : 


Giovanni Saavedra anak sa labas ni Gabriel Saavedra. Lumaki sa poder ng ina na walang kinikilalang Ama. Giovanni hate his father so much. Dahil bunga s'ya ng pagtataksil ng ama sa sarili nitong pamilya, kaya isa s'yang bastardo, na mahirap tanggapin sa lipunan, at para sa mga kapatid nito ay isa s'yang anak sa labas na walang karapatan sa ano mang meron ang mga Saavedra. Pero isa din s'yang tuso at successful business man na hindi matitinag ng mga kapatid.

Sa edad na bente tres ni Giovanni ay napilitan s'yang pakasalan si Iya Sebastian, kapatid ng matalik n'yang kaibigang si Lance.

Iya Sebastian, mahinhin at mahiyahin, kung titignan ay tila hindi makabasag pinggan. Pero dahil sa pagmamahal at kagustuhang makuha si Giovanni Saavedra ay nagawa n'yang pikutin si Giovanni Saavedra. Sa edad na dise otso kinasal si Iya kay Giovanni, at buong akala n'ya ay matatagumpay na s'ya sa paghahangad n'ya kay Giovanni. Ngunit wala pa man isang linggo ang pagsasama nila ng asawa ay nag desisyon s'yang umalis ng bansa at iwan ang asawa.



CHAPTER 1

Sunud-sunod na doorbell ang narinig n'ya mula sa pintuan ng apartment na tinitirhan n'ya sa New York. May pagmamadali sa nag do-doorbell, hindi kasi ito tumitigil sa pagpindot sa doorbell.
"Sino naman kaya ito ang aga-aga" bulong n'ya at nagmamadaling bumangon mula sa pagkakahiga. Marahil ang kaibigan si Lauren ang nasa labas at baka nag-away nanaman ito at ng boyfriend nito kaya ang aga-agang nambubwisit.
"Sandali lang!" Hiyaw n'ya, dahil sinasabayan na ng malakas na katok ng nasa pintuan ang pag doorbell nito na lalong lumilikha ng ingay, at baka may kapitbahay pang makarinig at ireklamo ang unit n'ya.
"Bakit ba Lauren!" Inis na sabi n'ya ng buksan ang pintuan. Natigil s'ya at nanlaki ang mga mata n'ya ng hindi ang kaibigan ang nabungaran n'ya sa labas ng pintuan.
"Giovanni," mahinang usal n'ya na saktong lumabas lang sa bibig n'ya ang pangalan ng lalaking kaharap, habang nakatingin sa kanya ang walang ekpresyon na lalake. Nakasuot ito ng leather jacket at white shirt sa loob, at pants. Naamoy din n'ya ang mabangong pabango nito na sumalubong sa kanya sa pagbukas n'ya ng pintuan.
"Hi," walang emosyong bati ng lalake sa labas ng pintuan. Naramdaman n'ya ang pagkabog ng dibdib n'ya ng marinig ang baritonong boses ng lalaking kaharap.
"Anong-?" Hindi n'ya magawang ituloy ang nais sabihin, dahil na di-distract s'ya sa gwapong lalaking kaharap. Napansin ang pagsuri nito sa kanya at pagkunot ng noo nito at pagtaas ng kilay habang pinaglalandas ang mga mata nito sa suot n'ya. Pasimple n'yang niyuko ang sarili. Napakagat labi s'ya ng mawaring manipis na lingerie lang ang suot n'ya na halos naaaninag na ang katawan n'ya sa nipis ng suot n'ya.
"Stop biting your lower lip," mariing utos nito na kinagulat n'ya at napa tindig.
"Are you expecting someone?" Tanong nito at nagtuloy sa pagpasok sa loob, napaatras s'ya at tumabi sa gilid para makapasok ito ng tuluyan sa loob.
"Hinihintay mo ba ang lover mong si Lauren kaya ganyan ang suot mo?" Tanong nito. Kumunot ang noo n'ya at nagkibit balikat na lang. Kung iniisip nitong lalake si Lauren bahala na ito.
"What are you doing here Giovanni?" Tanong n'ya at isinara ang pinto ng apartment. Napansing n'yang sinusuri nito ang loob ng apartment n'ya.
Well nasa New york s'ya at hindi n'ya kayang umupa ng malaking apartment dahil sa mahal na renta, pinagkakasya lang n'ya ang kinikita n'ya sa pag we-waitress sa isang restaurant malapit sa apartment n'ya, kaya hindi n'ya kayang kumuha ng malaking apartment sa mga kilalang building. Pero masasabi n'yang komportable s'ya kahit maliit ang apartment n'ya. Isa pa kumpleto naman ito sa mga modernong kagamitan.
"Sinong kasama mo rito?" Tanong nito na hindi man pinansin ang tanong n'ya rito.
"I live alone," tipid na sagot n'ya. Liningon s'ya nito at hindi nanaman nakaligtas sa kanya ang pagtingin nito sa suot n'ya. Nais tuloy n'yang tumakbo sa silid at kumuha ng roba para ibalot ang sarili.
"Living alone? Pero may Lauren na dumadalaw," taas kilay na sabi nito at pinaglandas ang mga mata nito sa kanya, mula ulo hanggang paa. Nakaramdam s'ya ng kakaiba sa pagsuri sa kanya ni Giovanni, kakaiba na hindi n'ya maipaliwanag kung ano? At bakit n'ya nararamdaman?
"Bakit ka narito Giovanni?" Tanong n'ya. Hindi pinansin ang sinabi nito,
"I'm here to get you Iya!"
"Ano?" Kunot noong tanong n'ya sa sinabi nito.
"Andito ako para i uwi ka sa San Rafael!" Sagot nito at tinignan s'ya sa mga mata.
"At bakit mo gagawin 'yon?" Kunot noong tanong n'ya.
"Pumunta ako dito para personal kung sunduin ang asawa ko," patuloy nito na sadyang pinakadiinan pa ang salitang asawa. Hindi pinansin ang tanong n'ya.
"Na-iibang ka na Giovanni!"
"Andito ako para i uwi ka at gampanan mo ang papel mo bilang asawa ko! Bilang Mrs. Saavedra na dalawang taon mo nang tinakasan," patuloy na litanya nito. Lumalim ang kunot sa noo n'ya at napatitig sa magagandang mga mata ni Giovanni.
Tama ba ang narinig n'ya mula rito? Nais nitong i uwi s'ya ng San Rafael para gampanan ang papel n'ya bilang asawa nito? Hindi ba't galit ito sa kanya at kinamumuihan s'ya nito? At bakit ngayon nais nitong ibalik s'ya ng San Rafael at gampanan ang papel n'ya bilang asawa nito?
"Iuuwi na kita ng San Rafael Iya," patuloy nito at humakbang palapit sa kinatatayuan n'ya. Napaatras s'ya dahil nais makaiwas rito.
"Bukas na bukas babalik na tayo ng Pilipinas. Para na rin hindi na kayo magkita ng Lauren na 'yan," may galit na sabi nito. Napasiksik s'ya sa dingding ng wala na s'yang maatrasan pa.
"Anong bang sinasabi mo?" Garalgal na tanong n'ya habang kahibla na lang ang pagitan nila sa isat-isa. Huminto ito sa tapat n'ya ng halos magdikit na ang kanilang mga katawan. Nagyuko ito ng ulo at naramdaman ang mga mata nitong nagtagal sa may dibdib n'yang halos kitang-kita na sa suot n'yang manipis na pantulog, wala pa naman s'yang suot na bra. Pakiramdam n'ya hindi s'ya makahinga habang pinaglalandas ni Giovanni ang mga mata nito sa katawan n'ya.
"You all grown up Iya, after two years masasabi ko'ng malaki ang pagbabago ng katawan mo," bulong nito sa kanya na halos nasasamyo na n'ya ang mainit na hininga nito.
"Tanda ko pa ang bawat detalye ng katawan mo Iya," patuloy nito. Kumunot ang noo n'ya. At may kakaibang naramdaman sa katawan.
"Umuwi ka... na Giovanni!" Garalgal na sabi n'ya at sinubukang itulak ito. Pero nahawakan nito ang mga kamay n'ya.
"Ano ba!" Hiyaw n'ya at pilit binabawi ang mga kamay na hawak hawak nito.
"Gaya ng sabi ko kanina," simula nito at marahas na tinaas ang mga kamay n'ya sa may ulo n'ya.
"Giovanni ano ba!" Sinubukan n'yang magpumiglas. Pero lalo lang sinisiksik ni Giovanni ang katawan nito sa katawan n'ya. Nararamdaman n'ya ang pagbunggo ng dibdib n'ya sa matigas na dibdib nito. At hindi n'ya gusto ang nararamdaman.
"Ibabalik kita ng San Rafael Iya, at gagampanan mo ang papel mo, bilang asawa ko! Gagampanan mo ang tungkulin mo sa kama ko!" Litanya nito na tila nanunuot ang bawat salita nito sa katawan n'ya at nakakaramdam s'ya ng kakaibang init na dumadaloy sa katawan n'ya pababa.
"Anong palabas ito Giovanni?" Mariing tanong n'ya. Alam n'yang kinamumuihan s'ya ni Giovanni. Halos ipagtulakan nga s'ya nito noon, at bakit ngayon nasa harapan n'ya ito at nais s'ya nitong ibalik sa San Rafael para gampanan ang papel n'ya bilang asawa nito? Anong laro ang nais nitong laruin?

CHAPTER 2

"Hindi ito isang laro Iya. Kailangan mo ng bumalik sa San Rafael kasama ko, at magsasama tayo biglang mag asawa, sa iisang bubong." Litanya ni Giovanni, habang halos hindi na s'ya makahinga sa sobrang lapit nito sa kanya.
"And you think mapapabalik mo ko dahil lang sa sinabi mo?" Mariing tanong n'ya.
"Yes!" Mabilis na sagot nito, at nagyuko ito ng ulo at bago pa s'ya makaiwas nasa mga labi na n'ya ang mga labi nito. Nanlaki ang mga mata n'ya ng maramdaman ang mga labi nitong dumadampi sa mga labi n'ya. Sinubukan n'yang bawiin ang mga labi rito, pero lalo lang nadidikit ang dibdib n'ya sa malapad nitong dibdib. At hindi n'ya gusto ang nararamdaman sa sariling katawan. Lalo na ang pagsagi-sagi ng mga dibdib n'ya sa dibdib nito. May kakaibang init na hatid kasi 'yon sa kanya. Naramdaman n'yang lalong dumiin ang paghalik nito sa kanya. Slowly and seducing her. Pero hindi s'ya magpapadala sa mga halik ni Giovanni. Hinding-hindi na. Tapos na sila ng asawa. Oo asawa n'ya si Giovanni pero mula ng mangyaring ang gabing 'yon tinatapos na n'ya ang ano mang meron sila ni Giovanni. Para sa kanya asawa na lang n'ya sa papel si Giovanni at hanggang doon na lang 'yon. Oo dala-dala n'ya ang pangalang Saavedra pero sa papel lang 'yon.
Nanlaban s'ya at pilit kumakawala sa asawa. Hindi na n'ya hahayaang maulit ang nangyari noon.
"Iya." He whispered, matapos nitong pakawalan ang mga labi n'ya. Taas baba naman ang mga dibdib n'ya sa tensyong nararamdaman.
"Bitiwan mo ko Giovanni!" Mariing sabi n'ya. At muling nagpumiglas, at nagawa naman n'yang mabawi ang mga kamay na hawak-hawak nito. Buong lakas na tinulak n'ya ito, para makaiwas na rito. Hindi n'ya gusto ang nararamdaman sa pagkakalapit nila ni Giovanni. Naroon nanaman kase ang kakaibang nararamdaman n'ya sa tuwing malapit sa kanya ang asawa. At naroon parin ang takot n'ya sa asawa kahit dalawang taon na ang nakakalipas.
"Umalis ka na Giovanni!" Galit na sabi n'ya at binuksan ang pintuan.
"Umalis ka na," ulit n'ya.
"Aalis akong kasama ka Iya." Sagot nito, at naglakad palapit sa kinatatayuan n'ya at marahas na tinulak pasara ang pintuan. Napapitlag pa s'ya sa ginawa ni Giovanni. At napaatras sa takot.
"Bukas ng tanghali ang flight natin pabalik ng pilipinas"
"Hindi ako sasama Giovanni," agad na sabi n'ya.
"Kahit ayaw mo Iya, wala kang magagawa, sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo babalik tayo ng San Rafael, para maging asawa ko." Litanya nito.
"Hindi mo ko asawa Giovanni!"
"Kasal tayo Iya, baka nakakalimutan mo, ikaw ang gumawa ng paraan para makasal sa akin" Sumbat nito. Alam n'yang s'ya ang gumawa ng paraan para makasal kay Giovanni at pinagsisisihan n'ya ang bagay na 'yon. Isa 'yon sa pinaka malaking pagkakamaling nagawa n'ya sa buong buhay n'ya, at pagsisisihan n'ya ng habang buhay.
"Hindi ako sasama sa iyo!" Mariing sagot n'ya at hakmang bubuksan muli ang pintuan ng mabilis na tinulak muli ni Giovanni 'yon pasara. Natilihan s'ya at natakot kay Giovanni. Kitang-kita na kase ang galit sa mga mata nito.
"Aalis akong kasama ka!" Mariing sabi nito at nakipag sukatan ng tingin sa kanya.
"Hindi ako sasama sa iyo!" Galit na sagot n'ya.
Hinding-hindi na s'ya babalik ng San Rafael, mula ng umalis s'ya ng San Rafael ay pinangako n'yang hinding-hindi na s'ya babalik pa at hindi-hindi na s'ya makikisama pa kay Giovanni na asawa n'ya.
Sa loob ng dalawang taon, wala s'yang ibang ginawa sa New york kundi mag-aral at mag trabaho, para kalimutan na si Giovanni ang lalaking pinakasalan n'ya dalawang taon na ang nakakalipas. Ang lalaking tanging minahal n'ya. Ang lalaking tanging nanakit sa kanya ng sobra-sobra.
"Kung kinakailangan kaladkarin kita papuntang airport ay gagawin ko Iya, maiuwi lang kita ng San Rafael!" Banta nito at lumapit sa kinatatayuan n'ya. Marahas nitong hinila ang braso n'ya, pakiramdam n'ya tuloy natanggal 'yon dahil sa lakas ng paghila nito sa braso n'ya at mahigpit na hinawakan. Nagsisimula nanaman sa pagiging marahas si Giovanni sa kanya. Ito ang bagay na kinatatakutan n'ya sa asawa ang paggamit nito ng dahas sa kanya.
"Bitiwan mo ko!" Pagmamatigas n'ya. Hindi s'ya pwedeng magpakita ng kahinaan sa asawa.
"Sasama ka sa akin Iya, sa ayaw at sa gusto mo! Ibabalik kita ng San Rafael at ihaharap sa pamilya ng Papa ko," mariing sabi nito sa kanya, habang humahaplos ang mainit nitong hininga sa mukha n'ya.
"Bitiwan mo ko Giovanni! Nasasaktan ako" mariin n'yang sabi. Nasasaktan s'ya sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso n'ya, ramdam n'ya ang pagbaon ng mga kuko nito sa balat n'ya.
"Ganoon ba ka importante ang pagharap ko sa pamilya mo at nagawa mo pa kong sadyahin rito?" taas noong tanong n'ya.
Mula kase ng umalis s'ya ng San Rafael hindi na sila muling nag-usap ng asawa. Ang sekretarya nito ang kumakausap sa kanya. Buwan-buwan itong nagpapadala ng pera para pang gastos n'ya, pero buwan-buwan din n'yang binabalik ang mga pinadadala ng asawa. Kaya halos patayin n'ya ang katawan sa pagtatrabaho para may maipantustos sa pag-aaral n'ya. At kapag kinakapos nagsasabi s'ya sa Kuya Lance n'ya at agad naman s'yang pinadadalhan nito.
"Yes Iya, ihaharap kita sa Papa ko, kaya ako mismo ang nagtungo rito para hindi ka makaiwas pa." Sagot nito, habang mahigpit parin ang pagkakahawak nito sa braso n'ya. Napapangiwi na s'ya sa sakit pero hindi s'ya nagpapahalata, nais n'yang magmukhang matapang at matatag sa harapan ng asawa.
"Hindi pa rin ako sasama sa iyo Giovanni, nagsasayang ka lang ng oras mo," matatag na sagot n'ya at sinalubong ang mga mata ng asawa. Nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang pagsulyap ng asawa sa dibdib n'yang halos kita na nito dahil matangkad ito sa kanya. At nararamdaman n'ya ang kakaibang paghinga ng asawa.
"Kung magmamatigas ka Iya mapipilitan akong gamitan ka ng dahas maiuwi ka lang!" May pagbabanta sa tono nito. Ngumiti s'ya ng patuya.
"Wala ka na bang ibang alam gawin kundi ang gumamit ng dahas para makuha mo ang gusto mo?" Tuya n'ya rito.
Minsan na n'yang naranasan ang paggamit ng dahas ng asawa sa kanya. Ang paggamit nito ng dahas noon ang dahilan kung bakit umalis s'ya ng San Rafael noon, at pinangakong hinding-hindi na n'ya mararanasan ang naranasan noon sa mga kamay ng asawa.
Nakita n'yang nag iba ang ekspresyon ng mukha ng asawa at binitiwan ang braso n'ya. Agad n'yang hinawakan ang braso at nakaramdam ng sakit, nakita n'yang namumula 'yon at bakas na bakas ang mga kamay ng asawa roon.
"Ayusin mo na ang mga gamit mo! May reservation na ko sa Hotel na malapit sa ariport, doon na tayo magpapalipas ng gabi," utos nito.
"Hindi mo-"
"Sumunod ka na lang Iya, kung ayaw mong maranasan muli ang dahas na sinasabi mo"

CHAPTER 3


Pumasok sila ni Giovanni sa isang sikat na hotel sa New York. Sumama na s'ya para wala na lang gulo, alam n'yang pag sinabi ni Giovanni ay gagawin nito. Isa pa minsan na n'yang naranasan ang kalupitan nito, at ayaw na n'ya sanang maulit pa.
"Get in," utos nito ng buksan ang suit nila. Tumambad sa kanya ang luxury suit na alam n'yang nakakalula sa presyo, kahit isang gabi lang silang mag i-istay. But, knowing Giovanni, money is never been a problem.
"Nasabihan mo na ba si Lauren na hindi ka na babalik pa?" Tanong nito ng makapasok na sa malaking silid.
"Babalik ako rito Giovanni, alam kong matapos mong makuha ang gusto mo ay paaalisin mo rin ako," sagot n'ya rito.
"Hindi ka na makakaalis pa ng San Rafael Iya, itatak mo 'yan sa kokote mo. Kaya kung ako sa iyo tapusin mo na kung ano mang meron kayo ng Lauren na 'yon"
"Kaibigan ko si Lauren," nakuha n'yang isagot at naupo sa nag-iisang kama roon.
"Kaibigan?" Tuya nito.
"Kung salubungin mo s'ya kanina sa pinto ay halos wala ka ng saplot," dugtong nito na may himig galit. Galit na ewan n'ya kung bakit.
"Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo matapos mong makasal sa akin. Tatakasan mo lang ako, di sana hindi na lang kita pinakasalan pa!" May galit sa tono nito.
"Kung alam ko lang din na ganoon ang gagawin mo sa akin sa unang gabi natin bilang mag asawa ay di na lang din sana kita pinakasalan!" Mabalasik na sagot n'ya.
Hinding-hindi n'ya makakalimutan ang gabing 'yon. 'Yon ang gabing pinagsisisihan n'yang minahal n'ya si Giovanni. Nagsisisi s'yang nagpakasal s'ya rito dahil nabulag s'ya ng pagmamahal ng batang puso n'ya rito. Pero dalawang taon na ang nakalipas, at hinding-hindi na s'ya papalinlang pa kay Giovanni, hindi na s'ya mahuhulog muli rito. Dalawang taon na n'yang sinara ang puso n'ya kay Giovanni at mananatili 'yong nakasara.
"Baka nakakalimutan mo ikaw ang gumawa ng paraan kung bakit tayo narito ngayon sa ganitong sitwasyon!"
"Hindi ko makakalimutan 'yon Giovanni! dahil ang mahalin ka noon ang pinaka malaking pagkakamaling nagawa ko sa buong buhay ko! at pinangangako kong hinding-hindi na kita mamahalin muli!" Galit na litanya n'ya at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at mabilis na naglakad sa may pintuan kung para saan ang pintuan na 'yon ay hindi n'ya alam. Basta nais n'yang makaiwas kay Giovanni, nais n'ya itong iwasan kahit sandali lang.
Pagbukas n'ya sa pinto tumambad sa kanya ang malawak na bathroom. Nagbuga s'ya ng hangin at sumandal sa likuran ng pintuan. Bakit ganito ang nararamdaman n'ya? Bakit s'ya nasasaktan? Bakit sa tuwing titingin s'ya kay Giovanni ay lumulukso ang puso n'ya? Bakit naroon pa rin ang dating excitement na nararamdaman n'ya kay Giovanni sa tuwing nakikita n'ya ito. Bakit naroon pa rin ang kaba sa dibdib n'ya sa tuwing titigan s'ya ng magagandang mga mata ni Giovanni?
"Stop it Iya! Stop it!" Bulong n'ya sa sarili at hindi maiwasan ang maiyak.
Dalawang taon na ang nakakalipas mula ng umalis s'ya ng San Rafael para takasan ang buhay n'ya bilang Mrs. Saavedra. Dahil ,yon sa gabing hindi n'ya malilimutan. Ang gabing sinaktan s'ya ni Giovanni, ang gabing ginamitan s'ya ng dahas ng lalaking mula pagkabata ay tagapaglistas na n'ya. Pero ito rin pala ang mananakit sa kanya.
Umalis sya ng San Rafael para iwan na si Giovanni na asawa n'ya, dahil hindi na n'ya kaya ang sakit. Oo s'ya ang may kasalanan kung bakit sila pinakasal ng mga magulang nila, pero kung ano man ang nagawa n'ya ay dahil lahat 'yon sa pagmamahal n'ya kay Giovanni. At ngayon makalipas ang dalawang taon nag krus muli ang landas nila ng asawa sa hindi inaasahang pagkakataon. Anong gagawin n'ya para makaiwas muli sa asawa? Hindi pa s'ya handang makisama muli sa asawa. Wala pa s'yang lakas ng loob para pakisamahan muli ito. Pero anong gagawin n'ya, kung hindi n'ya ito magawang labanan?
"Iya! Iya!" Tawag ng asawa sa may pintuan, kasabay ng pagkatok nito.
"Lumabas ka d'yan! huwag kang parang batang magkukulong d'yan!" Mariing sabi nito, nasa tono ang galit at lumakas ang pagkatok nito sa pintuan.
"Go away!" Hiyaw n'ya.
"I'm gonna break this damn door Iya kapag hindi ka pa lumabas d'yan!" Banta nito sa kanya. At alam n'yang gagawin ni Giovanni ang bagay na sinasabi nito. Bumuntong hininga s'ya at marahas na pinunasan ang mga luha sa pisngi. Bago binuksan ang pintuan.
"What?!" Hiyaw n'ya ng pagbuksan ito.
"Did you just cry?" Kunot noong tanong nito. At sinusuri ang mga mata nya. akmang hahawakan s'ya nito sa pisngi ng mabilis n'yang tinabig ang kamay nito.
"Ano naman sa iyo kung umiiyak ako!" Taas noong tanong n'ya at mabilis na linagpasan ito.
"At ano naman ang dahilan ng pag-iyak mo?"
"Bakit gusto mo pang malaman?"
"Nagpapaawa ka nanaman like the old days? Like those days na ni hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo sa pusa?" Litanya nito.
Alam nya ang tinutukoy nito. Noong nasa highschool s'ya hindi s'ya makadaan dahil may nakaharang na pusa sa kalsada. Nanginginig s'ya sa takot noon at umiiyak sa napaka helpless n'yang sitwasyon. Saktong napadaan naman si Giovanni noon sakay ng kotse nito at nakita s'yang nanginginig sa takot at umiiyak. Tinulungan s'ya nito, ito ang nagtabi sa pusa para makadaan s'ya. Isa sa mga bagay na nais na din n'yang kalimutang ginawa ni Giovanni sa kanyan noong kabataan n'ya.
"Hindi ako nagpapaawa sa iyo! Kahit kailan hindi ako nagpaawa!" pagtatama n'ya sa akusa nito.
"Really? Hindi bat you can't even protect yourself noon. Then I was always there to saved and protect you" Panunuya nito. Iniisip ba nitong gawa-gawa lang n'ya lahat ng mga 'yon noon? Iniisip ba nitong nagpapanggap lang s'yang mahina at clumsy para protektahan nito? Bumuntong hininga s'ya at nagkibit balikat.
"Isipin mo ang gusto mong isipin Giovanni! Wala na kong pakialam sa iisipin mo, dahil hindi na ko magsasayang ng oras para ipaliwanag sa iyo ang side ko" Yamot na litanya n'ya.
"Hindi mo naman kailangan magpaliwanag pa Iya, I know and I saw who you really are. You pretend to be weak para protektahan ka. But deep inside you are brave, dahil nagawa mo kong pikutin sa mura mong edad. Na kung titignan kita noon ay tila birhen na hindi kayang manakit ng insekto. But I was wrong. Dahil nakita ko kung gaano ka kalakas at ka tuso pagdating sa pagmamanipula ng mga tao sa paligid mo!" Mahabang litanya nito.
"I don't care anymore Giovanni. Dahil ikaw man ay nagpanggap sa akin! Pinaniwala mo kong hindi mo ko sasaktan at poprotektahan mo ko. But that night. That night Giovanni was a nightmare!" Hindi n'ya mapigilang maiyak habang inaalala ang mga nangyari ng gabing 'yon.






READ MORE ON 🠟🠟🠟
Web-version DREAME

Mobile version DREAME

Comments

Popular Articles

The Runaway Mrs. dela Merced

Mayor Zandro De Guzma

The Man with a Fragile Heart

Gael Saavedra