The Runaway Mrs. dela Merced

 BLURB : 


"Now tell me! Gusto mo ba talagang makasal sa akin at maging Mrs. dela Merced?"

"Yes!" Mabilis na sagot n'ya, at hindi nagbabawi ng tingin rito. Kahit halos sasabog na ang puso n'ya sa kaba at takot na nararamdaman n'ya, nanghihina s'ya pag ganito kalapit sa kanya si Vincent tila s'ya pangangapusan ng hininga.

"Are you sure?" Paninigurado nito.

"Bakit mo pa kailangang itanong, sinabi ko na, mahal kita at gusto kong maging Mrs. dela Merced, pangarap kong maging Mrs. dela Merced"

"Ok! Now! take off your clothes!" Matigas na utos nito at hinagod s'ya ng tingin, mula ulo hanggang paa.

"WHAT??!!"

"Take your clothes off Ella!"

"Vincent!! I can't-"

"Why? Natatakot ka? to be honest, I want my woman naked when I'm around. if you can't manage that now! I can't Marry you! This is what I call try out" Sabi nito at muling hinagod ang katawan n'ya.

"I like your lips by the way" He said and ran his tongue on the top of his lip.

Napanganga s'ya habang nakamata kay Vincen, na ni minsan hindi n'ya lubos maisip na maririnig n'ya ang mga ganoong bagay mula kay Vincent.

"Are you going to take off your clothes or what?" Vincent asked in a bored tone.

"Stop this Vincent!" Nanginginig na mga labing sabi n'ya at pa ulit-ulit s'yang umatras palayo rito habang patuloy naman ito sa paglapit sa kanya.

"I've warned you, hindi ka nakinig. Now for one last chance Ella, take your F*cking clothes off" He yelled.

"No... No!" Nanginginig na sagot n'ya at naramdaman n'ya sa pag atras ang sofa sa paanan at hindi na s'ya maka iwas pa.

"I'm losing patience here Ella!" Inis na sabi ni Vincent at hinila ang damit n'ya ng makalapit na ng tuluyan sa kanya.



CHAPTER 1

"Sorry I'm late."

Tinig na nagmula sa may likuran niya. Nilingon ang may-ari ng tinig. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ng makilala ang nagmamay-ari ng tinig. The tall, tan, and handsome man standing in front of her, is none other than Michael Vincent Dela Merced. Her husband.

Napalunok siya. Hindi sinasadyang nabitawan ang hawak cup ng kape. Nagtalsikan ang laman mula sa loob sa sahig, pati na sa suot n'yang heels at brown skinny jeans. Hindi niya pinansin ang pagkalat ng kape. Nanatili siyang nakamata sa kaharap. Pakiramdam niya tumigil ang oras habang nakatitig sa mga mata ni Vincent. Ang asawa niya.

"Are you ok?" Tanong ni Vincent at sinulyapan ang tumapon na kape sa sahig. Muling bumalik sa kanya ang tingin nito.

Kumurap-kurap siya,para siguraduhin sa sarili na hindi siya nananaginip lang, na totoong nasa harapan niya ngayon si Michael Vincent Dela Merced. Ang asawa niya at nag-iisang lalaking minahal ng batang puso niya.

Huminga siya ng malalim at nakaramdam ng panlalabo sa mga mata. Luha na pilit niyang pinipigilan. Tumigas ang kanyang mukha. Mabilis na pinahid ang mga mata bago pa bumagsak ang mga luha sa harapan ng asawa niya. Hindi siya dapat umiyak sa unang pagkikita pa lang ng asawa, hindi siya dapat magpakita ng kahinaan rito.

"What are... you... doing here?" Tanong niya, na hindi maitago ang panginginig sa tinig. Nag iwas siya ng mga mata.

Alam niya na pag bumalik siya ng bansa magkikita't magkikita sila ni Vincent. Pero, hindi niya inaasahan na ito ang unang makikita sa unang araw ng pagbabalik niya ng San Miguel.

"Sinusundo kita," Maotoridad na sagot nito. Hinawakan ang handle ng maleta niya.

Mabilis naman niyang inagaw iyon at tumayo mula sa kinauupuan. Sinulyapan ang nagkalat na kape sa sahig. Napakagat labi pa siya, muling ibinalik kay Vincent ang mga mata. Nakita niyang sa mga labi naman niya ito nakatingin. Nakaramdam siya ng pagkailang at nagyuko ng ulo. Pakiramdam kasi niya sasabog na ang dibdib niya sa kaba, takot o ano mang nararamdaman ngayong nasa harapan niya ang asawa.

"Let's go," anyaya nito.

Biglang siyang nag-angat ng mukha. Deretso sa gwapong mukha nito tumama ang kanyang mga mata. Humugot siya ng malalim na paghinga. Dahil tila pangangapusan na siya ng paghinga sa pagtingin sa gwapong kaharap.

"Where's my Dad? Hindi ba siya dapat ang susundo sa akin?" Tnong niya na pilit pinatitigas ang boses. Para maitago ang kaba.

"I'm your Husband kung may dapat man na sumundo sa iyo, ako iyon!" Sagot nito, na sadyang pinakadiinan pa ang salitang Husband, na naghatid ng kilabot sa buong katawan niya.

"Husband?" Bulong niya na tila ba siya lang ang nakarinig.

"Let's go," Muling anyaya nito na hindi pinansin ang bulong niya.

Hinila nito ang maleta at kinuha ang isa pang bag na nakalagay sa upuan. Bago pa siya makapag protesta lumakad na ito dala ang mga gamit niya.

"Wait! Wait!" Hiyaw niya, at hinabol ito.

"Vincent ano ba?" Sigaw niya.

Bigla siyang napahinto. Tila kase nagkaroon siya ng ibang pakiramdam sa pag banggit niya sa pangalan nito. Mula ng umalis siya ng bansa ay pinilit niyang huwag banggitin ang pangalan ng asawa.

Hiindi man siya sinulyapan nito. Para bang wala itong narinig. Tinawag niya ito uli. Pero ganoon pa rin hindi siya pinansin nito. Kaya wala syang choice kung hindi sumunod rito palabas ng Airport.

"Give me that! I'm going to call my Dad! sa kanya ako magpapasundo!" Matapang na sabi niya. Nang mahabol ito sa labas. Marahas na hinila ang mga gamit na hawak pa rin nito. Pero balewala ang lakas niya sa lakas nito. Kaya kahit anong pilit niyang paghila sa mga gamit hindi niya maagaw ang mga iyon.

"Ano ba!"

"Nasa hotel ang Daddy mo. Tinawagan niya ko para sunduin ka," malamig na sagot nito, walang ekspresyon sa mukha.

"I'll call my Kuya Nate, sa kanya ako magpapasundo!" Taas kilay na sabi niya. At mabilis na kinuha ang cellphone mula sa bag. Kaagad namang inagaw ni Vincent iyon mula sa kamay niya.

"Hey! That's my phone! What are you doing? Give me back!" Tili niya rito. Pilit inaagaw ang cellphone.

"Alam mo, wala akong time para makipag laro sa iyo. May trabaho pa ko. May meeting pa nga ako. Pero dahil sinabihan ako ng Daddy mo na sunduin ka, iniwan ko ang trabaho ko para sa iyo" Nagtitimpi sa galit na sabi nito.

Napaatras siya at pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib. Nagtaas siya ng kilay rito. Kung akala nito masisindak siya nito, nagkakamali ito.

"Well, I'm sorry kung na istorbo ko ang meeting mo! You can go now! I can call my Kuya or one of my friends to come and get me," taas kilay na sagot niya rito. Kung naiinis ito sa kanya, mas naiinis  siya rito.

"Ok, here's a deal! Do you want me to drag you out of here or susunod ka sa akin na hindi gumagawa ng eksena!" Banta nito.

"What? hindi ako gumagawa ng eksena!" Hiyaw niya at nakipagsukatan ng tingin rito.

Nang mapansing wala siyang magagawa sa ngayon, nagkibit balikat na lang at tumango na lang rito, kahit masama ang loob, susunod na muna siya.

Isang expensive black BMW ang naghihintay sa kanila sa labas. Nakasunod lang siya ng tingin rito, habang inilalagay nito ang mga gamit niya sa likod ng kotse.

"Are those all your things?" Vincent asked.

"Yeah!" Tipid na sagot niya rito, at sumakay na sa passenger seat.

Hindi niya dinala ang lahat ng gamit niya. Dahil wala siyang balak magtagal sa San Miguel. Wala na sa San Miguel ang buhay niya, nasa England na ang buhay niya kasama ang kanyang Lola.

Nang maka graduate siya sa kursong Hotel Management sa England. Kaagad siyang nakapasok sa isa sa mga sikat na hotel sa England bilang Manager. Humingi lang siya ng 2 weeks vacation para makauwi ng bansa at pinayagan naman siya. Wala siyang idea kung bakit sapilitan siyang pinapauwi ng Daddy niya. Masaya na siya sa buhay niya sa England kasama ang Lola niya. Halos nakakalimutan na nga niya si Vincent, ang lalaking minahal at pinakasalan niya, pero nabigo lang siya.

Palihim niyang sinulyapan si Vincent na seryoso ang mukhang nakatuon sa kalsada. Gwapo pa rin ito. Walang duda.

Nakuha niyang lumayo sa pamilya niya nang apat na taon dahil sa kabiguan na naranasan niya sa pagmamahal niya noon kay Vincent. At heto siya ngayon, sa muling pagbabalik niya si Vincent kaagad ang nakita niya. Pero hindi na siya ang dating Ella na basta na lang iiyak sa sulok at tatakas sa problema. She's 22, mature enough. Kayang-kaya na niyang harapin ang mga problema. Kayang kaya na niyang harapin ang asawang iniwan niya apat na taon na ang nakakalipas.

Napagmasdan niyang mabuti ang gwapong mukha ni Vincent, habang nagmamaneho. Wavy black hair, nice eyebrow shape, long lashes na namana sa Mama nito. Brown eyes, na tila ba laging may mesteryong nakapaloob roon. Manipis na mga labi na bumagay sa nunal nito sa may chin, na nagpadagdag sa s*x appeal nito. s*x appeal? Tama ba ang nasabi niya?

"So am I still Handsome?" Vincent sarcastic asked.

"Ah.. hmm what?" Tense na tanong niya at mabilis na iniwas ang tingin.

"Well, I thought you were staring at me.," Vincent answered with a smirked.

"No, of course not!" Defensive na sagot niya habang ramdam ang pamumula ng pisngi.

Apat na taon na ang lumipas pero masasabi niyang sa paglipas ng mga taon ay walang nagbago kay Vincent. Gwapo pa rin ito, o masasabi niyang mas lalong gumuwapo ngayon ang asawa. Bumuntong hininga siya at pinikit niya ang mga mata para maiwasan muna ito, isa pa pagod siya gusto niyang magpahinga.

"Ella! We're here, wake up,"

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Pakiramdam niya may yumuyugyog sa kanya at ganoon na lang ang gulat niya ng makita si Vincent na kahibla na lang ang layo ng mukha nito sa kanya.

"What are you doing?" She asked in a shocked tone and pushed him away.

"Ginigising kita, andito na tayo," Malamig na tugon nito.

"Where?" Tanong niya, nilingon ang labas ng sasakyan.

Nasa loob sila ng isang magandang bakuran na ngayon lang niya nakita. Alam niyang hindi ito ang bahay nila at sigurado s'yang hindi rin ito ang bahay ng mga Dela Merced.

"Kaninong bahay ito?" Kunot noong tanong niya, nilingon si Vincent na pababa na ng sasakyan.

"Kaninong bahay ito?!" Muling njyang tanong, mabilis na bumaba ng sasakyan.

Ginala ang mga mata sa modernong malaking bahay at sa malawak na bakuran. Nilingon niya ito na may kausap na binatilyo, habang kinukuha ang mga gamit niya sa likuran ng sasakyan.

"Nasaan ako?!" Tanong niya, pero sinulyapan lang siya nito. Narinig na iniutos itong ipasok na sa loob ang mga gamit niya sa kausap nitong binatilyo.

"Wait! sandali" Pigil niya sa binatilyo.

"Ibaba mo mga gamit ko!" Galit na utos niya sa binatilyo. Alanganing nilingon ng binatilyo si Vincent.

"Kanino bahay to?" Tanong niya. Para na siyang sirang plaka na paulit-ulit.

"Bahay natin to," bored na sagot ni Vincent sa kanya.

"Natin?" Gulat na ulit niya sa sinagot ng asawa.

"Asawa kita Ella. Natural na tumira ka sa bahay ko,"

"No!" Mabilis na protesta niya.

"Ihatid mo ko sa bahay namin!" Maktol niya, at hinarang ang binatilyo na may bitbit sa mga gamit niya.

"Put it down" Matigas na utos niya sa binatilyo. May takot na sinulyapan ng binatilyo si Vincent. Tila naghihintay ito ng utos mula sa kay Vincent.

"Iakyat mo na iyan sa Master Bedroom," utos ni Vincent.

"What?! I don't get it Vincent! Bakit mo ko dito dinala?"

"You're my wife Ella, if you forgot that well, we got married 4 years ago. Because you made a hard work to get ma-

"Stop!" Putol niya sa sasabihin pa nito.

Dahil alam niya kung ano ang susunod na sasabihin nito. At ayaw na niyang marinig pa ang mga panunumbat nito tulad ng dati.

"I just want to go home." Bulong niya.

"Pinauwi ako ng Daddy ko na hindi ko alam kung anong dahilan. I want to talk to him. Kung ayaw mo kong ihatid sa bahay namin, I can walk there." Determinadong sabi niya, at lumakad na papunta sa malaking gate. Pero nakakailang hakbang pa lang siya nang biglang may matigas na kamay ang pumigil sa braso niya. Napasubsob siya sa matigas na dibdib nito.

"Ouch! Aray!"

"Where do you think you're going?" Tanong nito.

Halatang nagpipigil lang ito ng galit sa kanya. Tumitigas ang panga nito. Kinabahan siya bigla. May kakaiba kasi siyang naramdaman ng hawakan siya nito sa braso. Para siyang nakuryente.

Tinignan niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. Mabilis namang binitiwan nito ang braso niya. Umatras siya ng isang hakbang. Pakiramdam kasi niya kakapusan na siya ng hininga sa sobrang lapit nito sa kanya.

"I can give you a ride," tipid na sabi nito. Sabay talikod pabalik sa kotse.


CHAPTER 2


"Hindi ito ang daan papuntang bahay namin! Mali ang dinadaanan mo!" Sita n'ya rito.

Nang mapansing, hindi ang papunta sa bahay nila ang tinahak ng sasakyan nito.

Apat na taon s'yang nawala sa bayan ng San Miguel, pero alam pa rin n'ya ang mga pasikot-sikot ng lugar. Syempre sa bayan na ito sya lumaki. At natutong umibig, at nabigo rin sa unang n'yang pag-ibig. Sa lalaking nasa tabi n'ya ngayon.

"Hindi ba gusto mong maka usap muna ang Daddy mo?" Tanong nito. Habang sa kalsada nakatuon ang pansin. Hindi man lang s'ya nito sinusulyapan.

"Yes! So, saan tayo pupunta?" Inis na tanong n'ya. At nagtaas ng kilay.

"Nasa VincElla Hotel ang Daddy mo. Doon tayo pupunta," seryosong sagot nito. At niliko ang kotse papasok sa pamilyar na gate sa kanya.

The VincElla Hotel

Ang Hotel na pag mamay-ari ng mga magulang n'ya at  mga magulang ni Vincent. Sadyang ipinangalan pa sa kanila ni Vincent ang Hotel, bago pa man sila ikasal.

Biglang nanariwa sa kanya ang nakaraan ng makita ang malawak na hardin ng Hotel. May namuhong luha sa mga mata n'ya. Dito sa Hotel na to nangyari ang lahat. Dito sa Hotel na to s'ya kinasal. At Nabigo din sa mismong araw ng kasal n'ya kay Vincent. Ang tanging lalaking minahal ng batang puso n'ya. At ang tanging lalaking nabigay dulot sa kanya ng matinding sakit sa puso.

Hindi n'ya namalayan na tumutulo na pala ang luha nya sa pananariwa ng nakaraan.

"We're here!" Matigas na sabi ni Vincent.

Tinig ito ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Mabilis n'yang pinahid ang mga luha sa pisngi. At tumalikod rito. Upang itago ang mga luha. Nang biglang may bumukas ng pinto ng kotse. Marahil staff ng Hotel na nagulat pa ng mapansing umiiyak s'ya.

"Welcome to VincElla Hotel"

Ang alanganing bati ng lalake. Naka all white polo ito at may logo ng VincElla Hotel. Nginitian naman n'ya ito. At mabilis na bumaba ng kotse.

Nauna na sa pagpasok kay Vincent sa loob.

Pagpasok n'ya sa lobby ng VincElla Hotel biglang s'yang nahinto sa kinatatayuan. Nanginig ang buong katawan. Pakiramdam n'ya nakikita ang nangyari, apat na taon na ang nakakalipas. Kahit sa panaginip ayaw na n'yang makita pa ang bangungot na 'yon. Lalo na ang taong dahilan ng mga sakit at pagka bigong naranasan n'ya.

Tumulo ang mga luha n'ya na pilit pinipigilan. Umatras s'ya pakiramdam n'ya hinang-hina s'ya. Hindi pa s'ya handang makita ang mga bagay na tinakasan n'ya noon. Hindi pa pala s'ya handang harapin ang mga tinakasan n'ya noon.

Isang matigas na dibdib ang bumunggo sa likuran n'ya. At humagapay sa kanya. Nanghihina s'ya, at napakapit s'ya sa taong nasa likuran. Ilang beses muna s'yang humugot ng malalim na paghinga, bago n'ya nagawang sulyaypan ang taong sinasandalan  at humahagapay sa kanya.

Mabilis s'yang kumalas ng makitang si Vincent ang nasa likuran n'ya. Umatras s'ya palayo rito. Iniwas n'ya ang mga mata rito. Dahil alam n'yang may namumuhong mga luha roon, at ayaw n'yang ipakita rito na may epekto pa ito sa kanya. Hindi s'ya mahina. Hindi s'ya dapat magpakita ng kahinaan. Lalo na sa harapan ni Vincent ang asawa n'ya.

Hindi ba't ilang beses na n'yang sinabi sa sarili na kaya na n'yang harapin si Vincent. Na kaya na n'yang harapin ang lahat ng tinakbuhan n'ya noon. Pero bakit ganito ang nararamdaman n'ya. Bakit s'ya nanghihina at nasasaktan pa ng nakaraan n'ya?

"Are you ok?" Tanong ni Vincent. Nasa mga mata ang pag-aalala.

Nag-lala ba sa kanya ang asawa? Hindi ba't galit ito sa kanya? Halos isumpa nga s'ya nito noon. Tapos magpapakita ito ng pag-aalala sa kanya?

"I'm good!" Tipid na sagot n'ya rito. At iniwas ang paningin. Sabay tumakbo patungo sa elevator, para maiwasan ito.

Narinig n'yang panay bati kay Vincent ng ilang mga tao roon marahil Staff din ng Hotel. Nalaman nga pala n'ya sa Lola n'ya na si Vincent na ang nasa pwesto ng Papa nito. Dahil may ibang Business na naman daw na sisimulan ang Daddy n'ya at Papa nito. Kaya marahil sapilitan s'yang pinauwi ng Daddy n'ya. Isa na siguro ang Hotel sa dahilan. Marahil nais ng Daddy n'ya, na sya naman ang mag asikaso sa Hotel. Pero wala s'yang planong manatili sa San Miguel. Kailanman man hindi na s'ya mananatili sa bayang ito. Saksi ang bayang ito sa lahat ng sakit at pagdurusa n'ya.

Pasara na ang pintuan ng Elevator ng biglang pigilan ni Vincent "yon. Sumunod pala ito sa kanya. Pumasok ito sa loob. Silang dalawa lang nito ang nasa loob, at na so-soffucate s'ya. Maliban sa maliit lang ang Elevator. Pakiramdam pa n'ya naririnig nito ang mumunting hikbi n'ya, sa pagpigil na huwag umiyak ng malakas, dahil sa bigat at sama ng loob na nararamdaman ngayon. Hawak-hawak n'ya ang dibdib na abnormal ang t***k tulad noon pag nakikita n'ya si Vincent.

"Are you sure you're ok?" Tanong ni Vincent. At sinulyapan s'ya. Nasa mga mata nito ang pag-aalala. Pero alam n'yang nililinlang lang s'ya ng mga magagandang mata nito. Hindi ito nag-aalala sa kanya. Wala itong pakialam sa kanya.

"I'm ok!" Sigaw n'ya. Dahil gusto n'yang ilabas ang sama ng loob rito.

"Im ok! I'm ok!" Paulit-ulit na sigaw n'ya kay Vincent.

Dahil sa inis at galit na nararamdaman sa sarili. Dahil napatunayan n'ya sa sarili. Apat na taon man ang lumipas, hindi pa rin n'ya kayang harapin si Vincent.

Kahit ilang beses na n'yang sinabi sa sarili na kaya na n'ya, na matapang na s'ya, na hindi na s'ya ang iyaking si Ella, ay hindi pa pala. Dahil unang araw pa lang ng pagkikita nila, halos himatayin na s'ya sa sakit na nararamdaman kay Vincent. Ang lalaking tanging minahal n'ya. At ang tanging lalaking nagparamdam sa kanya ng sakit, doble-dobleng sakit.

Ngayon napatunayan n'ya sa sariling hindi pa pala n'ya kayang bumalik sa lugar kung saan n'ya naramdaman ang lahat ng sakit. Tila s'ya binabangungot, at pilit s'yang tumatakas, pero hindi n'ya magawa. Nananariwang pilit sa kanya ang lahat.

The Place!

The Wedding!

The Groom!

And

The Other Woman.


CHAPTER 3


Pag mulat ng mga mata n'ya nasa sa isang puting silid s'ya.

"Ellla,"

Tinig ng Mommy n'ya.

"Mommy,"

Agad na lumapit ang Mommy't Daddy n'ya sa kinahihigaan n'yang kama.

Humagulgol s'ya ng iyak nang makita ang Mommy't Daddy nya, at naroon rin ang Mommy ni Vincent.

"Don't cry hija, Mommy's here Don't worry" Bulong ng Mommy n'ya. At mahigpit na niyakap ito.

"You'll be fine hija" alo naman ng Mommy ni Vincent. Habang hinahagod s'ya nito sa likod.

Sinabi ng mga magulang na nawalan s'ya ng malay sa VincElla Hotel. Kaya tinakbo daw s'ya ni Vincent sa Donya Feliza Hospital. Sinabi rin ng mga magulang na maayos na ang pakiramdam n'ya Kailangan lang n'ya ng sapat na paghinga.

"I miss you po Mom, Dad," umiiyak na sabi n'ya sa mga magulang.

Apat na taon s'yang nahiwalay sa mga magulang. Mabibilang n'ya sa mga kamay kung ilang beses lang s'yang nadalaw ng mga ito sa England. Kaya lalo s'yang naging emosyonal ng makita ang mga ito.

"Stop crying princess makakasama sa iyo 'yan," tinig ng Daddy n'ya. Na nasa likod ng Mommy n'ya.

Mabilis n'yang pinunasan ang mga luha at suminok-sinok. At niyakap ang mga ito.

"I miss you Dad,"

"Miss you too princess."

Matapos ang isang oras pinayagan na s'yang lumabas ng ospital. Wala naman daw s'yang sakit, tanging pagod lang ang dahilan ng pagkawalan n'ya ng malay kanina. Kailangan lang daw n'ya ng pahinga. At huwag masyadong mag-isip muna. At kumain ng tama. 'Yan ang bilin ng Doctor sa kanya bago s'ya tuluyang lumabas ng ospital.

"Si Vin-- Vincent po?" Ang halos bulong na tanong n'ya. Mula nang magising s'ya hindi pa n'ya ito nakikita. Alam n'yang si Vincent ang nagsugod sa kanya sa ospital. Dahil bago s'ya nawalan ng malay nakita pa n'yang nasalo s'ya nito bago pa s'ya tuluyang bumagsak sa sahig.

"Bumalik na s'ya ng Hotel" Sagot ng Daddy n'ya.

Hindi n'ya maiwasan ang malungkot, dahil tila hindi man nag-alala sa kanya si Vincent. Basta nalang itong umalis ng ospital at iniwan s'ya, na hindi man inaalam ang kalagayan n'ya. Ano pa nga ba ang aasahan n'ya.

"Umuwi kana muna sa bahay habang wala pa ang asawa mo. Doon kana muna magpahinga," ang malambing na sabi ng Mommy n'ya.

Muntik pa s'yang mapangiwi, dahil sa tinuring ng Ina kay Vincent. Asawa? Oo Asawa nga naman n'ya si Vincent. Pero hindi asawa ang turing sa kanya ni Vincent. Kinasusuklaman s'ya nito. Kinasusuklaman s'ya ng kanyang asawa, o tamang sabihin na isinusumpa s'ya ng lalaking sinasabi ng mga itong asawa n'ya.

"Oo nga naman Hija doon kana lang sa bahay n'yo sunduin ni Vincent mamaya," dagdag pa ng Mama ni Vincent.

"Ho?" tanging nasabi n'ya. At pinaglipat-lipat ang tingin sa mga ito

"Bakit po ako dinala ni Vincent sa bahay n'ya kanina? Anong po'ng ibig sabihin non?" Alanganin n'yang tanong sa mga ito. At napansin n'yang nagkakatinginan ang mga ito.

"Hija asawa mo si Vincent. Normal lang na dalhin ka n'ya sa bahay n'ya. Bahay ninyo," Sagot ng Mama ni Vincent.

"Pero, hindi po kame pwedeng magsama," Mabilis na sagot n'ya.

"We can talk about this sa bahay na lang," sabat ng Mommy n'ya.

"But Mom I-"

"Ella, kailangang mong magpahinga. Don't think about it. Vincent will take good care of you. He is your husband," abat ng Mama ni Vincent at hinalikan pa s'ya sa noo.

"But... I mean-"

"Don't think about it hija," putol ng Mama ni Vincent sa sasabihin pa sana n'ya. At mabilis na itong nagpaalam sa kanila.

"Ma, Dad ano po bang nangyayari?" Tanong n'ya. Nang makalayo na ang Mama ni Vincent.

"Ella, anak Vincent is your husband. Kailangan n'yo nang magsama gaya ng normal na mag-asawa," sagot ng Daddy n'ya.

"What? Why?!" Ang malakas na tanong n'ya sa ama sa gulat.

Hinawakan naman s'ya ng Mommy n'ya. Na nag-aalala marahil mawalan na naman s'ya ng malay.

"Ella! Mag asawa kayo ni Vincent. Tama lang na magsama kayo," sagot ng Daddy n'ya.

"Mamaya na natin to pag-usapan. Babalik pa ko ng Hotel," dagdag pa ng ama. Nasa himig ng ama ang galit na pinipigilan.

"But Dad, I don't -"

"Mariella please! Drop it!"

Ang maotoridad na putol ng Daddy n'ya sa pangangatwiran pa sana nya. Alam n'ya ang tono na 'yon. At pag binanggit na ng Daddy n'ya ang buong pangalan n'ya ay alam na n'yang that's her Dad's  final word. Nagkibit balikat na lang s'ya. At padabog na sumakay sa kotse.

Binati s'ya ng family driver nila. Ngumiti s'ya rito kahit papano. At muling sinulyapan ang Mommy't Daddy n'ya. Tilla ba nagtatalo ang mga ito. Alam n'yang s'ya ang dahilan ng ano mang pinagtatalunan ng mga magulang ngayon. At nakakaramdam s'ya ng guilt.

Pagpasok nila sa malaking gate ng bahay, ginala n'ya ang mga mata sa paligid. Na miss n'ya ang bahay nila. Sa tagal na n'yang hindi nakakauwi roon. Wala namang pinagbago ang bakuran nadagdagan lang ng isa pang Gazebo At dumami ang mga bulaklak sa paligid. Apat na taon man n'yang hindi nakita ang bahay nila ganoon pa rin ang pakiramdam n'ya sa bahay. She's still welcome.

Sa kusina s'ya kaagad dinala ng Mommy n'ya. May nakahanda ng mga pagkain roon.

"Kumain ka na muna hija,"

"Mom, pinabalik po ba ko ni Daddy rito dahil kay Vincent?" Tanong n'ya. Na hindi pinapasin ang mga pagkain sa harapan.

"Ella Hija," Simula nito. At naupo paharap sa kanya at hinawakan ang kamay n'ya.

"Sa tingin ng Daddy mo, sapat na ang apat na taong magkahiwalay kayo ni Vincent. Iniisip naming baka ngayon pwede na kayong mag sama," malumanay na paliwanag ng ina.

"No, Mommy! Hindi pa sapat ang apat na taon para mawala ang sakit na dinanas ko kay Vincent!" Sigaw na sagot n'ya. Kasabay ng patulo ng mga luha. At binawi ang kamay na hawak ng Mommy n'ya.

"Ella! anak calm down. Makakasama sa kondisyon mo 'yan" May pag-alala sa tono nito.

"Masaya na ko sa England with Lola. Halos nakakalimutan ko na nga ang naging buhay ko dito sa San Miguel! Pero ano? Heto kayo't pinabalik n'yo ko? Para ano? Magsama kami ni Vincent na parang walang nangyari apat na taon ang nakalipas! Hindi ko kaya!" Umiiyak na sigaw n'ya. Nais n'yang ilabas ang sama ng loob na nararamdaman.

"Hindi ko kayang makasama pa si Vincent bilang asawa ko! Hindi ngayon o kahit kailan. Hindi na kami maaaring magsama pa ni Vincent!" Sigaw n'ya. Habang hindi mapigilan ang pag iyak. Ewan n'ya naiinis s'ya sa sarili. Dahil umiiyak s'ya lagi pagdating kay Vincent. Kung bakit hindi n'ya mapigilan ang mga luha pagdating kay Vincent.

"Ella calm down hija," alo ng Mommy n'ya. At nilapitan s'ya at niyakap.

"I don't want it!" Ang pa ulit-ulit na sinasabi n'ya. Habang humahagulgol, at nakayakap sa ina.

"Sssshh ssshh stop crying honey. Mommy's here. I'll talk to your Dad tonight ok?" Bulong nito.

"I can't live with him," umiiyak na patuloy n'ya.

Hindi pa s'ya handang makasama si Vincent sa iisang bubong. Hindi pa sapat ang apat na taon, para maghilom ang malaking sugat na binigay ni Vincent sa kanya. Hindi pa ito ang tamang panahon para magsama sila. O mas mabuting sabihin na hindi na sila dapat pang magsama ni Vincent bilang mag asawa. Dahil pareho lang nilang sasaktan ang isat-isa.

Pagkatapos n'yang kumain kaagad na s'yang nagpaalam sa ina para magpahinga. Hindi na s'ya sinamahan nito sa taas dahil tatawagan daw nito ang Daddy n'ya sa Hotel. Alam n'yang s'ya at si Vincent ang pag-uusapan ng mga ito. At alam n'yang binibigyan n'ya ng problema ang mga magulang.

Pagdating sa silid. Bumungad sa kanya ang kulay pink na silid. Her pink room. Pink ceiling, wall, cabinet, curtain, lampshade everything is pink. Naupo s'ya sa malaking kama na pink din ang sheet cover at mga pillows. She missed her room. Kung gaano n'ya na miss ang dating buhay ay ganoon rin n'ya ka miss ang sariling silid.

Bago s'ya nahiga nagbihis muna s'ya. At naalala ang nangyari sa airport. Aksidente n'yang natapon ang kape sa sahig kanina. Tinignan n'ya ang matsa sa skinny jeans at mabilis na hinubad 'yon, at ang white top na nagapapakita ng magandang curve ng maliit na bewang n'ya. Undies na lang ang suot n'ya, nang maalalang nasa bahay na pala ni Vincent ang mga gamit n'ya.

Pagbukas n'ya ng cabinet andoon pa rin ang mga dati n'yang damit. Pero natatakot s'yang sa tagal na ng mga damit n'ya doon na naka hanger baka mangati s'ya. Kaya bumalik na lang s'ya sa kama at nahiga na. Pagod na s'ya. Kailangan n'yang magpahinga sa kaiisip kung anong mangyayari sa kanya, pag pinilit ng mga magulang na magsama na sila ni Vincent bilang mag asawa. Ayaw na muna n'yang mag-isip. Basta ano man ang mangyari hindi s'ya makikisama kay Vincent.




READ MORE ON DREAME 🠟🠟🠟

Web-version DREAME

Mobile version DREAME

YUGTO





Comments

Popular Articles

Giovanni Saavedra

Mayor Zandro De Guzma

The Man with a Fragile Heart

Gael Saavedra