Gab Saavedra

BLURB : 


What are you doing here Gab Saavedra?" Taas kilay na tanong n'ya rito.

"I'm here to get you!" Mariing sagot nito.

"How did you find out?"

"I'm Gab Saavedra, and this is my hotel. Don't you forget who I am,"

Sagot sa kanya ni Gab. Kung sa bagay walang imposible kung gustong malaman ni Gab Saavedra malalaman nito.

"Where is Glenn?"

"Huwag mo nang hanapin ang walang kwenta mong boyfriend! Your boyfriend doesn't deserved you!" Galit na sagot nito at dinampot ang paper bag sa sahig. Inihagis' 'yon sa ibabaw ng kama.

"Ipaliwanag mo sa akin ngayon Lianne kung anong binabalak mong gawin? Anong plano mo at nag set ka ng date n'yo ni Glenn dito sa hotel ko!" Sigaw nito na halos mapatid na ang mga ugat nito sa leeg.

Napalunok s'ya at napaatras ng isang hakbang. Nakaramdam s'ya ng takot kay Gab. Ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit. Kung kaya lang pumatay ng mga mga mata nito ay baka kanina pa s'ya patay.

"Sino ka para magpaliwanag ako sa iyo?!" Nakuha n'yang isigaw sa kabila ng takot na nararamdaman. Kung ipapakita n'ya ang takot n'ya kay Gab ay lalamunin s'yang buhay nito. Kaya kailangan n'yang magtapang-tapangan sa harapan nito.

"I'm not naive Lianne! Plano mong magpakasawa muna sa wala mong kwentang boyfriend bago ka ma engaged sa akin hindi ba?!" Mabalasik na tanong nito at humakbang ito palapit sa kanya.

Akmang aatras s'ya para makaiwas ng masaklit s'ya ni Gab sa braso. Mahigpit s'yang hinawakan nito sa braso. Masakit na nga 'yon kanina pa, paniguradong mag-iiwan ng bakas ang mga daliri ni Gab sa braso n'ya.

"Yon ang plano mo hindi ba? Kaya ka nag set ng ganitong romantic na date at nagsuot ka ng mapangakit na damit, para maakit mo ang tarantadong 'yon!" Litanya ni Gab. Habang kahibla lang ang layo ng mukha nila sa isat-isa. Dumadampi sa pisngi n'ya ang mainit na paghinga nito na naghahatid ng kakaibang init, na naglalakbay sa katawan n'ya pababa.


𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝟭

"Lianne, naman lagi na lang ba tayong ganito?" reklamo ni Glenn sa kanya. Tumanggi kasi s'yang sumama sa condo ng nobyo. Isang taon na rin ang relasyon nila ni Glenn, pero magpa hanggang ngayon ay wala pang nangyayari sa kanila. Though they kiss each other many times, but kapag napupunta sa mas malalim na bagay ay agad na s'yang tumatanggi. Hindi dahil hindi n'ya mahal ang nobyo. Mahal nya si Glenn ito ang unang nobyo n'ya. Pagka graduate n'ya ng Business Management ay sinagot na n'ya si Glenn. Isang medical student si Glenn at magpa hanggang ngayon ay nag-aaral pa ito. Isa sa dahilan n'ya ang bagay na 'yan kung bakit lagi s'yang umiiwas sa nobyo kapag nais nitong may mangyari na sa kanila. Nais muna n'yang makapag tapos ng pag-aaral ang nobyo at magpakasal na sila para malaya na sila sa mga nais nilang gawin.
"Glenn, napag-usapan na natin iyan hindi ba? magtatapos ka muna sa pag do-doktor mo, at magpapakasal tayo." Malambing na sagot n'ya sa nobyo at hinawakan sa pisngi.
"Matagal pa akong makaka graduate Lianne, sampung taon ang medisina at may limang taon pa ako bago maka graduate." Malungkot na sabi nito.
"Makakapaghintay naman tayo hindi ba?"
"Ewan ko Lianne, ewan ko," may galit sa tono nito. At binaling sa labas ng sasakyan ang tingin. Nagkibit balikat s'ya at sumandal sa upuan.
"Ihahatid na kita," malamig na sabi ni Glenn sa kanya. Hindi nalang s'ya kumibo. Sa tuwing pag-uusapan nila ng nobyo ang tungkol sa bagay na yon ay hindi pwedeng hindi mauwi sa pag-aaway. Mahal nya si Glenn, sadyang hindi pa lang s'ya handang lumagpas sila sa dapat. Nais kasi n'yang matupad muna nila ni Glenn ang mga pangarap nila. Si Glenn makapagtapos ng pag-aaral, at s'ya naman makaroon ng mataas na posisyon sa kompanya ng ama. Magpa hanggang ngayon kase ay nasa mababang posisyon parin s'ya sa kompanya ng ama. Hindi pa raw kasi n'ya nagagawa ang dapat. Kaya mananatili s'ya sa HR. Department, imbes na sa mataas na posisyon na s'ya. like C.E.O o hindi kaya kasunod ng C.E.O. Nag-iisang anak lang naman s'ya ng mga magulang n'ya, kaya sooner or later s'ya ang magmamana ng lahat, s'ya ang magpapatakbo sa mga negosyo nila.
"Goodnight," lambing n'ya kay Glenn. Nang nasa tapat na sila ng bahay nila.
"Goodnight," matamlay na sabi ni Glenn.
"Glenn," lambing n'ya sa nobyo at hinila ito para halikan sa mga labi. Agad namang gumanti ng halik si Glenn sa kanya. Mapusok at mapanghanap. Hinayaan muna n'ya ang nobyo sa ginagawa para naman mabawasan ang pagtatampo nito sa kanya. Nag biglang nakakasilaw na ilaw ang sumilaw sa kanila sa loob ng kotse ni Glenn. Tumigil sila sa ginagawa. Noon lang n'ya napansin ang sasakyan sa tapat ng gate nila. Kanina pa ba roon ang sasakyan? Sino ito? Nakita ba ng nasa sasakyan ang ginagawa nila ni Glenn? Tanong n'ya sa isip.
"Mauna na ako, tawagan na lang kita," paalam ni Glenn. Tumango s'ya at bumaba na sa kotse ng nobyo.
Pagbaba n'ya agad namang pinaandar na ni Glenn ang kotse. Nalipat ang tingin n'ya sa sasakyan na sumilaw sa kanila kanina. Napakunot ang noo n'ya ng mapansing hindi basta, basta ang sasakyang nasa tapat ng gate nila. Mamahaling sports car 'yon. At hindi lahat nakakabili ng ganoong kamahal na sasakyan. Bumukas ang pintuan ng passenger seat. Hinintay na muna n'ya ang driver ng kotse bago pumasok sa gate nila.
"Good evening," bati ng lalake ng makababa ng kotse. Kumunot ang noo nya ng mapansin ang lalake. Matangkad ito, gwapo ang mukha, may bigote at balbas na nakapalibot sa pisngi nito. Nakasuot ito ng gray na t-shirt na pinatungan ng black leather jacket at jeans. Hindi n'ya kilala ang lalake, pero mukhang pamilyar. Hindi nga lang n'ya maalala kung saan n'ya nakita ang gwapong kaharap.
"Excuse me," tanging sabi n'ya rito. Dahil hindi naman n'ya ito kilala.
"I'm Gab. Gab Saavedra," pakilala ng lalake sa kanyan. Lalong lumalim ang kunot sa noo ng marinig ang pangalan nito. Gab Saavedra. Kilala n'ya ang mga Saavedra, ito ang may-ari ng G. Saavedra Airlines kung saan may malaking share ang Daddy n'ya sa kompanya. Ang mga Saavedra din ang nagmamay-ari sa subdivision na kinatitirikan ng bahay nila. At ang mga Saavedra din ang halos nag mamay-ari sa bayan ng San Sebastian. At ano naman ang ginagawa ng isang Saavedra sa tapat ng bahay nila sa ganoong oras? tanong n'ya sa sarili.
"Are you Lianne?" tanong nito ng nanatili syang walang kibo. Tumango s'ya rito.
"I'm Lianne," nagtatakang sagot n'ya.
"Nice, is that your boyfriend?" tanong nito.
"Yes," mabilis na sagot n'ya na may pagmamalaki.
"I see, I hope next time make sure na walang makakakita sa inyo, while making out," sabi nito at naglakad palapit sa malaking gate ng bahay nila. Nilagpasan s'ya na namumula sa hiya.
Binuksan ng guwardiya ang gate, at binati nito ang lalake. Mukhang kilala ito ng guard nila. Sumunod s'ya rito. Nagtataka kung ano ang ginagawa nito sa bahay nila?
"Gab, Gab right?" paniniguro n'ya habang naglalakad palapit sa pintuan ng bahay. Liningon s'ya nito. At hindi nakaligtas sa kanya ang pagsulyap sa kabuuan nya. Well she's wearing a nice new dress and new pairs of shoes. Nakaayos din ang mahaba n'yang buhok. Always nag-aayos s'ya pag lalabas sila ni Glenn. Lagi n'yang pinaghahandaan ang pagkikita nila ng nobyo. Ayaw n'yang makita s'ya ng nobyo na hindi nakaayos.
"Yes,"
"May meeting ba kayo ng Daddy ko?" nagtatakang tanong n'ya.
"Yes, pinapunta ako ng Daddy mo rito," sagot nito. Tumango sya. At nagtuloy na sila sa paglalakad papasok. Marahil pinatawag ng Daddy n'ya ang batang Saavedra dahil sa business. Pero sa pagkakaalam n'ya hindi si Gab ang may posisyon sa G. Saavedra Airlines kung hindi si Gael Saavedra. Yan kase ang pangalang nabasa n'ya noong makita ang mga papeles tungkol sa G. Saavedra Airlines.
"Good evening Gab," masiglang bati ng ama ng makita si Gab sa loob ng bahay.
"Good evening Sir," magiliw na bati naman ni Gab sa Daddy n’ya.
"Nagkakilala na ba kayo ng aking prinsesa?" tanong ng ama kay Gab at hinila s’ya sa kamay. Hinarap kay Gab.
"Dad," saway n’ya sa ama.
"This is Lianne my only daughter," masiglang pakilala ng ama sa kanya. Ngumiti si Gab sa kanya, at masasabi n'yang gwapo nga ito. Well marami na rin naman s'yang naririnig sa mga Saavedra. Tatlong lalake na lahat yata ay biniyayaan ng napaka gwapong mukha. Isama pa ang malakas na sex appeal ng mga ito.
"Maiwan ko na po muna kayo Dad," paalam n'ya sa ama. Alam naman n’yang kung ano ang pag-uusapan ng dalawa ay wala naman s'yang kinalaman roon.
"Sige hija, magpahinga ka na muna," sagot ng ama. Nagpaalam na rin s'ya kay Gab at nagtuloy na sa may hagdan.

CHAPTER 2

Kinabukasan maaga s'yang nagising para mag jogging weekend na kase kaya may time s'ya para mag jogging sa loob ng subdivision nila. Maarte s'ya pagdating sa katawan, she always wants to be perfect, lalo na sa harapan ni Glenn. Ayaw n'yang may maipipintas sa kanya ang nobyo.
Matapos mag jogging nakita ang mga magulang sa may gazebo, doon nag aalmusal ang mga ito. Lumapit s'ya sa mga ito sa gazebo.
"Good morning," hinihingal na bati n'ya sa mga magulang.
"Sumabay ka na sa amin ng Daddy mo," yaya ng Mommy n'ya at nag utos sa kasambahay na magdala pa ng isang plato para sa kanya. Naupo s'ya at agad na uminom ng fresh orange juice.
"May lakad ka ba mamaya Lianne?" tanong ng Daddy nya habang umiinom. Mabilis nyang inubos ang juice at binaba sa mesa ang baso.
"Bakit po Dad?" tanong n'ya sa ama.
"Well, last night Gab Saavedra was here. And he talk to me he wants to see you again," sagot ng ama. Kumunot noo n'ya at napaisip, kung bakit s'ya nais makita muli ng isang Gab Saavedra?
"Bakit daw po?" tanong n'ya sa ama.
"Kumain ka na," sabi ng Mommy n'ya nang mailapag ang plato sa tapat n'ya.
"Gab Saavedra is the second son of Gabriel Saavedra, you know naman na may malaking share tayo sa G. Saavedra Airlines hindi ba?"
"Ah. yes po Dad," tanging sagot n'ya. At kumuha ng tinapay at bacon nilagay sa plato. Nagsimula na s'yang kumain, habang kwento ng kwento ang ama tungkol sa mga Saavedra, kung paano naging magkasosyo ang Daddy n'ya at si Mr. Gabriel Saavedra. At kung gaano ka successful ang mga batang Saavedra.
"Sa tatlong anak ni Gabriel si Gab nalang ang natitirang binata," patuloy ng ama.
"I see," tanging sagot n'ya habang prutas naman ang sinimulan kainin.
"Well, napag-usapan na namin ni Gabriel na ipagkasundo kayo ng anak n'yang si Gab," sabi ng ama. Nagulat s'ya at muntik ng malunok ng buo ang ubas na nasa bibig.
"What?!" bulalas n'ya at binitawan ang hawak na ubas. Marahas na napalingon sa ama.
"Ano po'ng sinabi n'yo?" gulat na tanong nya.
"Don't be suprise Lianne, mag-aasawa ka rin naman. Nasa edad ka na pwede ka ng mag-asawa at bumuo ng sarili mong pamilya," litanya ng kanyang ama. Naguguluhan s'ya at sinulyapan ang ina na tahimik lang. Bakit nila pinag-uusapan ang pag-aasawa n'ya ngayon?
"Hindi ko po maintindihan Dad. What do you mean na pinagkakasundo n'yo po ako sa isang Saavedra?" naguguluhang tanong n'ya sa ama at pinaglipat-lipat ang tingin sa mga magulang.
"I want you to get engage kay Gab Saavedra, Lianne and sooner or later magpapakasal kayo at magiging isa kang Mrs. Saavedra," sagot ng ama na tila nakaplano na ang lahat. At tila nakikita na nito ang magiging future n'ya bilang Mrs. Saavedra, habang wala s'yang ka alam-alam.
"But, Dad you know I have a boyfriend," nakuha n'yang isagot. Nagbago bigla ang aura ng ama. Umismid ito at uminom ng kape.
"Hiwalayan mo ang walang kwenta mong boyfriend Lianne. Hindi kita pinalaki ng ganyan para mapunta lang sa walang kwentang lalaking 'yon," may himig galit ang tono ng ama.
"Dad, hindi naman po ganya si Glenn," saway n'ya sa ama. Mula ng makarelasyon nya si Glenn ay dalawang beses pa lang ito nakapasok sa bahay nila, sa unang dalaw palang kasi ni Glenn noon ay hindi na maganda ang pinakitang pagtanggap ng ama kay Glenn. Kaya naman sa tuwing ihahatid at sundo s'ya ng bahay ni Glenn ay hanggang labas lang ito ng gate nila.
"Ano bang mapapala mo sa isang estudyante Lianne?"
"Dad, medecine po ang kinukuha ni Glenn kaya hanggang ngayon nag-aaral pa po s'ya" pagtatanggol n'ya sa nobyo.
"I don't care! sa una palang sinabi ko na sa iyong he is not the right guy for you"
"At sino naman po ang right guy para sa akin? isang Saavedra ba?" tuya n'ya sa ama.
"Lianne" saway ng Mommy n'ya. Alam n'yang ngayon pa lang n'ya kinakausap ang ama sa ganoong tono, kaya agad s'yang sinasaway ng Mommy n'ya. Lumaki s'yang may takot sa mga magulang, tila nais laging ipakita sa mga ito na isa s'yang perfect daughter. Sinusunod lahat ng gusto ng mga magulang. Buong buhay n'ya ang mga magulang ang nasusunod, pati sa pag-aaral n'ya.
Wala sa negosyo ang puso n'ya. Mahilig s'yang magpinta at nais sanang kumuha ng kursong angkop sa hilig n'ya. Pero dahil nasa linya ng pagnenegosyo ang pamilya n'ya kaya pinakuha sya ng kursong Business Management, s'ya daw kasi ang mag mamana sa negosyo ng kanilang pamilya. At sa kompanya nila s'ya nagtatrabaho ngayon bilang staff sa HR Department, dahil ayon sa ama kulang pa ang skills n'ya para s'ya na ang mag manage sa buong kompanya. Nais sana n'yang makuha ang mataas na posisyon ng kompanya para kung sakaling hindi makapag tapos sa pag me-medesina si Glenn ay kukunin n'ya ang nobyo para mag trabaho sa kompanya nila. Pero mukhang malabong mangyari ang mga plano n'ya. Dahil may sariling plano ang Daddy n'ya sa kanya. At 'yon ay ang ipakasal s'ya sa isang Saavedra. Kung anong dahilan ng ama ay hindi pa malinaw sa ngayon. Ito siguro ang dahilan kung bakit narito kagabi si Gab Saavedra. Marahil napag-usapan na ng ama at ni Gab ang mga plano ng mga ito sa kanya.
"Dad, mahal ko po si Glenn-"
"Hindi ka mapapakain ng pagmamahal na 'yan Lianne," may galit na putol ng ama sa nais pa sana n'yang sabihin tungkol sa kanila ni Glenn.
"Hiwalayan mo na 'yang lalaking 'yan. Hindi dapat malaman ni Gab na may karelasyon ka"
"Ano ho?" gulat na tanong n'ya.
"Hindi tutol ang batang Saavedra sa ama n'ya na pakasalan ka Lianne. Kaya huwag mo nang pasakitan pa ang sitwasyon. Tapusin mo na ang relasyon n'yo ng lalaking 'yan at asikasuhin mo ang pakikipag lapit mo kay Gab Saavedra. S'ya ang lalaking nababagay sa iyo Lianne. Magiging Mrs. Saavedra ka," mahabang litanya ng ama. At bago pa s'ya makasagot at makapangatwiran sa ama ay tumayo na ito mula sa kinaupuan at mabilis na naglakad papasok sa loob ng bahay. Nakasunod lang s'ya ng tingin sa ama. Iniisip kung totoo nga ba ang mga narinig n'ya mula sa ama? Totoo bang nais s'yang ipakasal ng ama sa isang Gab Saavedra? Bakit? Dahil ba sa pera? Dahil ba sa negosyo? Hindi ba't hindi naman si Gab ang nagpapatakbo ng G. Saavedra Airlines? Liningon n'ya ang Mommy n'yang tahimik na nililigpit ang pinagkainan ng ama.
"Mommy," tawag n'ya sa ina. Huminto ito at sinulyapan s'ya.
"Alam mong wala akong boses pagdating sa Daddy mo. Sumusunod lang din ako sa gusto ng Daddy mo Lianne," malungkot na sagot ng ina. Alam n'ya 'yon dahil sa bahay nila ang Daddy n'ya ang batas.

CHAPTER 3

Malungkot at magulo ang isip n'ya ng pumanhik sa silid. Hindi s'ya makapaniwala sa sinabi ng ama. Bakit s'ya pinagkakasundo sa isang Saavedra? At bakit pati ang personal n-yang buhay ay kailangan
panghimasukan ng ama? Bakit kailangang ito ang pumili ng lalaking pakakasalan n'ya?
May nobyo s'ya si Glenn at mahal n'ya si Glenn, mahal din s'ya ni Glenn at naniniwala s'yang makakapag tapos ng pag-aaral si Glenn sa medisina. Alam n'yang hindi ganoon kayaman ang pamilya ni Glenn. Isang nurse ang ina nito sa Saavedra Santillan Hospital at ang ama naman nito ay isang professor sa Colegio de San Sebastian. May dalawa pang kapatid si Glenn na parehong nasa kolehiyo na. Alam din n'yang madalas kinakapos ang nobyo sa pera dahil, hindi daw sapat ang allowance na binibigay ng mga magulang, dahil tatlo ang mga itong nag-aaral sa kolehiyo, kaya nga sa tuwing kakain sila sa labas ay s'ya na ang nagbabayad para sa kanila. Madalas s'yang sawayin ni Glenn pero agad n'yang sinasabi na kapag nakapagtapos na ito ay solo na nito ang lahat ng gastusin sa date nila.
Nahiga s'ya sa kama at tumitig sa puting kisame. Paano kung seryoso ang ama sa sinabi nitong kailangan n'yang ma engage kay Gab Saavedra at ikakasal sila ni Gab soon? Anong gagawin n'ya pag nangyari yon? Paano na sila ni Glenn? Paano ang mga pangarap nila ni Glenn? Ang daming tanong sa isip n'ya na hindi n'ya makitaan ng sagot. Napapitlag pa s'ya ng biglang may kumatok sa pintuan. Liningon n'ya ang pinto at bumukas 'yon. Ang Yaya Loren n'ya ang sumungaw sa pinto.
"Yaya bakit po?" tanong nya at bumangon mula sa pagkakahiga.
"Lianne, pinapatawag ka ng Daddy mo," sagot nito.
"Bakit daw ho?" kunot noong tanong n'ya.
"Ang sabi lang n'ya tawagin kita. Nasa Library s'ya puntahan mo na," sagot nito. Sumimangot s'ya at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama.
Pagbaba n'ya tumuloy s'ya sa library kung saan naghihintay ang ama.
"Dad" tawag n'ya sa ama. Habang naka upo ito at nakangiting hawak-hawak ang cellphone. Baka may good news na natanggap. Bulong ng isip n'ya.
"Lianne, hija come here," excited na tawag sa kanya ng ama. Lumapit s'ya sa kinauupuan ng ama.
"Maghanda ka susunduin ka ni Gab maya-maya lang," sabi ng ama. Nagulat s'ya at hindi makakilos. Nakatitig lang sa ama. Pakiramdam n'ya lumaki ang ulo n'ya.
"Wear your best Lianne. Isang Saavedra si Gab. Hindi ka dapat n'ya makitaan ng ano mang hindi n'ya magugustuhan," patuloy ng ama, habang tahimik lang s'ya at hindi makakibo. Alam n'yang wala s'yang karapatang tumanggi ngayon sa ama. Nakita naman n'ya kanina ang naging reaksyon ng subukang sawayin ang ama.
"Sige po," tanging sagot n'ya.
"Great," masiglang sabi ng ama. At tumayo pa mula sa kinauupuan at lumapit sa kanyan.
"Gab Saavedra is the man for you Lianne. Make sure na hindi malalaman ni Gab na may nakarelasyon ka"
"Bakit ho?" tanong n'ya. Alam n'yang nakita ni Gab ang paghahalikan nila ni Glenn sa loob ng kotse ni Glenn, kaya hindi n'ya mitatanggi ang pagkakaroon n'ya ng relasyon.
"I want you to be perfect for him. Ayokong magkaroon pa ng alinlangan sa iyo si Gab Saavedra," sagot ng ama. Nanatili s'yang walang kibo. Ano ba ang dapat n'yang sabihin?
"This is for your future Lianne. Para sa success ng negosyo natin," alanganin s'yang tumango kahit hindi naiintindihan ang ama.
Matapos ang pag-uusap nila ng ama ay tila lalo s'yang naguluhan. Bakit ba hindi n'ya kayang sawayin ang ama? Bakit ba hindi n'ya kayang sabihin sa ama ang lahat ng gusto n'ya? Na hindi s'ya pwedeng ma engage kay Gab Saavedra, dahil mahal n'ya si Glenn. Sinabi ng ama na susunduin s'ya ni Gab sa bahay nila, kaya pinaghahanda na s'ya nito. Kung saan sila pupunta ni Gab ay hindi n'ya alam at hindi s'ya interesado.
Na stress s'ya sa pag-uusap nila ng ama at nais mag relax at huwag munang isipin ang mga plano ng ama sa kanya. Naisipan n'yang mag swimming sa ibaba. Pumili s'ya ng two piece na isusuot at nagbihis. Mare-relax muna s'ya habang wala pa ang bisita ng Daddy n'ya. Bitbit ang roba muli s'yang bumaba ng bahay.
Halos may bente minutos na rin s'yang lumalangoy sa tubig. Nasisiyahan s'ya dahil tama lang ang lamig ng tubig sa katawan n'ya. Nakailang balik na s'ya sa katamtamang laki ng swimming pool. Nang mag angat s'ya ng ulo ay may nakitang lalaking nakatayo sa gilid ng pool. Nahinto s'ya sa paglangoy at muling sinulyapan ang lalaking nakatayo sa may gilid ng pool. Agad n'yang nakilala ang lalake. Kahit isang beses palang n'yang nakita si Gab Saavedra ay hindi na n'ya nakalimutan ang gwapong mukha nito. Kung sa bagay, ang gwapong mukha ni Gab Saavedra ay ang mukhang mahirap kalimutan agad.
"Hi," walang ngiting bati nito sa kanya. Bumutong hininga s'ya.
"Hi," bati din n'ya kay Gab at bumalik sa gilid ng pool para umahon na. Sumunod naman si Gab sa kanya at binitbit nito ang roba n'ya.
"How's the water?" tanong nito. At iniabot ang roba sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pasimpleng pagsuri ng kaharap sa katawan n'yang halos wala na ring natatakpan. She's wearing a yellow two piece na tamang natatakpan lang ang mga dapat takpan. Nakaramdam s'ya ng pagkailang sa uri ng pagtingin ni Gab sa katawan n'ya. Gleen never seen her in her swimsuit. Wala kasing pagkakataon na makapag swimming sila ng nobyo. At dahil sa pagka disgusto din ng ama sa nobyo ay hindi ito basta-basta nakakapasok sa bahay nila. Unlike Gab Saavedra na mukhang welcome na welcome na sa bahay nila. Well, hindi na s'ya magtataka dahil botong-boto ang ama kay Gab.
"Good" tipid na sagot n'ya at isinuot ang roba sa katawan. Napapansin kasi n'yang nag e-enjoy ang kaharap sa pagtingin sa katawan n'ya. Naglakad s'ya para maiwasan si Gab ng hindi sinasadyang madulas ang isang paa n'ya bago pa man s'ya makalayo kay Gab. Napatili s'ya sa pag-aakalang babagsak sa semento, nang biglang may mga kamay na sumalo sa bewang n'ya bago pa man s'ya bumagsak sa semento. Nanlalaki ang mga mata n'yang napatitig kay Gab habang nakatunghay ang gwapong binata sa kanya, at nakahagapay ang mga kamay nito sa bewang n'ya.
"Hello there Mrs. Saavedra"

CHAPTER 4
Inis na inis s'yang pumanhik sa silid n'ya, matapos ang eksena nila ni Gab sa swimming pool. She can't believe na nahawakan s'ya kaagad ng Gab na 'yon, while she was wearing her two piece. Si Glenn nga never pa s'yang nahawakan ng ganoon at lalong never pa s'yang nakita ni Gleen in her two piece at itong si Gab Saavedra. Agad-agad.
"Kainis talaga!" Inis na maktol n'ya at binagsak ang pangupo sa kama. Nagbuga ng hangin para i relax ang sarili sa inis na nararamdaman kay Gab Saavedra.
Sinusundo s'ya ni Gab, kung saan sila pupunta ay hindi n'ya alam. Basta gaya ng sabi ng Daddy n'ya ipapasyal s'ya ni Gab Saavedra para lalo pa silang magkakilala nito. Bagay na kinaiinisan n'ya. May nobyo s'ya si Glenn kaya imposibleng sumunod s'ya sa gusto ng ama na makipag mabutihan kay Gab Saavedra at soon ay ma e-engage sila at magpapakasal. Ganoon lang ba kadali 'yon? May karelasyon na s'ya at nais na rin nilang magpakasal ni Glenn basta maka graduate lang si Glenn sa medisina ay magpapakasal na sila nito.
"Well, sisirain ko ang plano nila ng Daddy ko" sabi n'ya at inis na tumayo mula sa kama. Maghahanda na s'ya ng sarili. Ipapakita n'ya kay Gab Saavedra kung sino si Lianne Gomez. Ipapakita n'ya na isa s'yang malaking disappointment, para tigilan na s'ya nito. Na hindi s'ya pwede iharap sa pamilya nito at lalong lalo ng hindi s'ya karapat-dapat maging Mrs. Saavedra.
"Ayokong maging Mrs. Saavedra!" Dabog na sabi n'ya.
Matapos ang halos trenta minutos na pagbibihis at pag-aayos ng sarili, sinipat-sipat n'ya ang sarili sa whole lenght mirror sa loob ng silid. Lihim s'yang napangiti. Pinili kasi n'yang isuot ang medyong revealing na damit, 'yun bang tipong mag ba-bar s'ya, may pagka wild ang dating. Alam n'yang pwedeng ika dismaya ni Gab Saavedra ang wild na pananamit n'ya. At 'yon ang nais n'yang mangyari ang madismaya sa kanya si Gab.
Lihim s'yang napangiti habang nakatitig sa salamin. Pinili n'ya ang maong shorts, short na halos sakto lang natatakpan ang dapat takpan. At puting crop top, at itim na boots.
Tila sya teenager sa ayos n'ya, bagay naman sa kanya ang suot n'ya. Masyado nga lang sexy at revealing.
Hindi na s'ya naglagay ng ano man sa mukha. Para naman hindi masyadong magandaan sa kanya si Gab Saavedra. Nais lang n'yang ipakita kay Gab kung paano s'ya kunwari manamit para madismaya ito sa kanya.
Pagbaba n'ya ng hagdan walang tao sa sala. Wala roon si Gab kung saan n'ya ito iniwan kanina.
"Saan naman kaya nagpunta ang lalaking 'yon?" Tanong n'ya at may narinig na nagtatawanan sa may labas ng pintuan sa likod kung saan ang daan papuntang swimming pool. Siguradong ang ama n'ya ang tumatawa. Bakit nakakasiguro na ba ang mga ito sa panalo nila? Hindi pa naman s'ya pumapayag at may nobyo s'ya.
Inis s'yang lumabas ng pintuan at nakita nga ang ama at si Gab na nagtatawanan. Kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito ay hindi n'ya alam, at wala s'yang balak alamin pa, dahil hindi s'ya interesado.
"Dad," tawag n'ya sa ama. Agad namang lumingon ang ama at unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi nito ng makita ang suot n'ya. Ilang beses sinuri ng ama ang suot nya, lalo na ang maiksing shorts n'ya.
Kitang-kita n'ya ang paglalim ng kunot sa noo ng Daddy n'ya. Tumikhim ang ama, habang matalim na nakatingin sa kanya. Nasira na n'ya ang mood ng ama.
"Lianne!" Matigas na tawag ng ama sa kanya. A
"What are you wearing?" Tanong ng ama. Napansin din n'ya ang pagsulyap sa kanya ni Gab. Wala naman s'yang makitang pagkadisgusto kay Gab sa suot n'ya. Tila nga natuwa pa ito sa suot n'ya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pasimpleng pagsuri ni Gab sa kabuuan n'ya.
Nagtaas s'ya ng kilay. Kung ang ama n'ya nainis n'ya sa suot, mukha si Gab ay nasiyahan yata. Nagkibit balikat s'ya at binalik sa ama ang atensyon.
"Short and blouse," sagot n'ya sa ama.
"Excuse me Gab," paalam ng ama kay Gab.
"Kakausapin ko lang sandali ang anak ko,"
"Go ahead Mr. Gomez," sagot ni Gab at muli syang sinulyapan. Pinaikot n'ya ang mga mata kay Gab at sumunod sa ama sa loob ng bahay.
"Lianne! ano yang suot mo?" galit na tanong ng ama.
"Ano po bang mali sa suot ko?"
"Halos litaw na ang kaluluwa mo ah?! hindi naman ganyan ang suot mo pag kayo ng lalaking 'yon ang lumalabas!" Sabi ng ama na may himig galit.
Alam n'yang si Glenn ang tinutukoy na lalaking 'yon ng ama, sadyang ayaw lang nitong banggitin ng ama ang pangalan ni Glenn.
"Daddy, hindi po s'ya si Glenn" inis na sagot n'ya.
"Lianne!" Sigaw ng ama na pumuno sa buong sala. Napapitlag s'ya at nakaramdam ng takot sa ama. Bihira s'yang pagtaasan ng boses ng ama.
"Magpalit ka Lianne!" Matigas na utos ng ama sa kanya at masamang tingin ang pinukol sa kanya.
Bumuntong hininga s'ya at padabog na tumalikod. Mula noon hanggang ngayon sumusunod parin s'ya sa ama. Ewan n'ya pero hindi s'ya makasaway sa ama. Natatakot s'ya sa ama.
Inis s'yang bumalik sa silid at nagpalit ng damit. Alam n'yang nais ng ama na magpalakas sa Gab Saavedra na 'yon. Kaya nais nitong maging presintable s'ya sa harapan ng Gab na 'yon. Samantalang s'ya nais n'yang ma dissapoint sa kanya ang binatang Saavedra na 'yon, para ito na mismo ang umatras sa gusto ng mga magulang nila. Ang itsura ni Gab Saavedra ay imposibleng walang babae ito, sigurado s'yang maraming babae ito. At siguradong sasakit lang ang ulo n'ya kung papatulan n'ya ang isang tulad ni Gab na halata sa mukha ang pagka babaero at habulin ng mga babae. Tipo bang papalit-palit ng babae kada gabi.
Pinili n'yang isuot ang kaswal na jeans at blouse, not showing too much skin. tulad ng gusto ng ama. But still she looks sexy and stunning kahit sa simpleng suot lang.
Pagbaba n'ya nasa sala ang ama at si Gab. Nag-uusapn ang mga ito, at masaya nanaman ang ama. Nakangiti nanaman ito. Liningon s'ya ni Gab. Wala s'yang kangiti-ngiti rito. Nakitang n'yang lumalim ang ngiti ng ama. Ibig sabihin pasado na ang suot n'ya sa ama. Bumuntong hininga na lang s'ya at pilit na ngumiti sa mga ito.
Agad na silang nagpaalam ni Gab sa ama, kung saan s'ya dadalhin ni Gab ay hindi nya alam. Basta sasama lang s'ya rito at sasabihin n'yang may boyfriend s'ya para huwag na itong umasa pa. Sasabihin n'yang nagbabalak na silang magpakasal ni Glenn, kaya walang patutunguan ang pakikipag lapit nito sa kanya, na nagsasayang lang ito ng oras, panahon at effort kung nag e-effort man ito.
Isang mamahaling sasakyan ang naghihintay sa kanila sa may bakuran. Ibang sasakyan ito sa dala ni Gab kagabi. Ngayon palang alam na n'yang nagpapakitang gilas na ito, pinakikita kung gaano ito kayaman. Dahil sa paiba-iba nito ng sasakyan. Alam naman n'ya kung gaano kayaman ang mga Saavedra sa bayan nila. Ang mga Saavedra ang pinaka mayaman sa San Sebastian. At alam n'yang isang maswerteng babae ang magiging asawa ni Gab, dahil daig mo pa ang tumama sa lotto, magbubuhay prinsesa ka at hihiga sa pera. Isa 'yan sa nakikitang dahilan ng ama kung bakit s'ya pinagkakasundo kay ama, it's all about connection ang power.
Sorry na lang si Gab dahil hindi s'ya na a-attract sa materyal na bagay. Hindi s'ya nasisilaw ng mga mamahaling sasakyan. Para sa kanya ang lumang kotse pa rin ni Glenn ang mas maganda kumpara sa mamahaling sports car ni Gab. Dahil si Glenn ang nagmamay-ari noon.
Pinagbuksan s'ya ng pintuan ni Gab. Wala s'yang kangiti-ngiti sa mga labing sumakay sa passenger seat ng mamahaling sports car ni Gab. Umikot naman si Gab pasakay sa driver seat.
"Let's go," sabi nito nang makasakay sa driver seat. Bumuntong hininga s'ya, nais ipakita ang pagka disgusto kay rito, nais n'yang ngayon pa lang maramdaman na nito na ayaw n'ya rito.
"Saan mo gusto pumunta?" He asked. Nagtaas s'ya ng kilay at sinulyapa ito. Well wala s'yang mapipintas kay Gab. Gwapo ito tulad ng mga kapatid nito. Malakas ang appeal na kahit sinong babae ay mapapalingon rito.
"Hindi ba't ikaw ang nagyaya sa akin lumabas? Dapat alam mo kung saan mo ko dadalhin," ismid na sagot n'ya at hinila ang seatbelt.
"Ok" tanging sagot nito at binuhay na ang makina. At pinaandar na ang sasakyan palabas ng bakuran nila.
"Mr. Gab Saavedra. Ngayon pa lang nais ko ng malaman mo na walang patutunguhan ang ginagawa mo, nagsasayang ka lang ng panahon at oras mo!" Mariing sabi n'ya kay Gab. Dapat sa simula palang ipaalam na n'ya kay Gab ang lahat.
Alam n'yang nais ng ama na huwag ipaalam kay Gab ang pagkakaroon n'ya ng karelasyon. Pero dahil ayaw n'yang makasal sa isang Gab Saavedra ay ngayon palang sinasabi na n'ya ang relasyon n'ya kay Glenn. Isa pa ito na mismo ang nakakita sa kanila ni Glenn kagabi na naghahalikan, kaya hindi na n'ya kailangan i deny pa ang pagkakaroon n'ya ng nobyo.
"Why?" Tanong nito habang nasa kalsada ang atensyon.
"I have a boyfriend. Nakita mo naman kame kagabi hindi ba?" Mabilis na sagot n'ya rito, at sinulyapan ito.
"Kung sabihin ko sa iyo, I don't have a girlfriend. But, I have a lots of girls. Paano kung gabi-gabi iba-iba ang kasama kong babae," sagot nito sa kanya. Kumunot ang noo n'ya at liningon ito na sa kalsada nakatuon ang pansin.
"Wala akong pakialam kung iba-iba ang nakakasama mo, ang akin lang ay may boyfriend ako at hindi ako pwedeng sumang ayon sa gusto ng Daddy ko," litanya n'ya at pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib. Inis na tumingin sa labas ng bintana.
"I don't care about your boyfriend or kahit gabi-gabi din ay iba ang kasama mong lalake, as long as hindi mo pa dinadala ang pangalan ko," litanya nito.
"What?" Kunot noong tanong n'ya at pa iling-iling ng ulong tumingin kay Gab.
Tama ba ang pagkakaintindi n'ya sa sinabi ni Gab? Na pwede s'yang sumama kung kani-kanino habang hindi n'ya dinadala ang pangalan nito? So ano 'yon ok lang na kung kani-kanino s'ya sumiping at makipagtalik ngayon? At pagkatapos pakakasalan pa rin s'ya nito?
"You mean, pwede kong gawin ang kahit ano habang hindi tayo kasal?" Bulalas n'ya.
Sinulyapan s'ya ni Gab, nagtama ang kanilang mga mata, saglit lang 'yon at muling binalik ni Gab ang tingin sa kalsada. Bigla n'yang naramdaman ang kabog ng kanyang dibdib sa pasimpleng pagsulyap lang ni Gab sa kanya. Napakunot noo pa s'ya at pinakiramdaman ang sariling dibdib. Kumakabog nga 'yon. At kung bakit ay hindi n'ya alam.
"Hindi kita niyayang lumabas para i date Lianne," salita ni Gab.
Liningon n'ya ito, pasimpleng pinagmasdan ang gilid ng mukha nito na napapalibutan ng balbas, tulad ng mga kapatid nito. Isa yata ang balbas at bigote ang pang akit ng mga lalaking Saavedra sa mga kababaihan. Well bagay naman kase sa mga ito, lalo na kay Gab na nagpalakas ng dating ang balbas nito. Parang pag hinalikan ka eh makikiliti ka. Sinaway n'ya ang sariling isip sa kung anu-anong naiisip n'ya.
"Niyaya kitang lumabas dahil utos ng Papa ko 'yon. Kung sumama ka sa akin dahil sa utos ng Daddy mo, well pareho lang tayong sumusunod sa mga magulang natin," patuloy nito. Nakikinig lang s'ya rito, wala kasi s'yang alam sabihin, dahil na didistract s'ya sa kagwapuhan nito at sa malakas na kabog ng kanyang dibdib.
"Isa pa para mapag-usapan natin ang kasalang ito na plano ng mga magulang natin. At katulad mo wala rin akong magagawa, dahil kailangan kong makuha ang shares ko sa kompanya, at ang magpakasal sa iyo ang paraan para makuha ko ang karapatan ko sa kompanya ni Papa," patuloy ni Gab.
Bumuntong hininga s'ya at nagkibit balikat. Pakakasalan s'ya ni Gab para makuha ang mana nito. Eh s'ya bakit s'ya papakasal kay Gab Saavedra? Anong makukuha n'ya kapag kinasal sila ni Gab? S'ya na ba ang uupong C.E.O sa kompanya ng ama na matagal na n'yang pinangarap? Nais n'yang makuha ang posisyon ng ama para kung sakaling hindi matapos ni Glenn ang medisina ay silang dalawa ang magpapatakbo sa kompanya. Pero paano n'ya magagawa 'yon kung kailangan n'yang magpakasal kay Gab bago makuha ang posisyon ng ama? Paano si Glenn? Paano ang mga pangarap nila ng nobyo?



READ MORE ON DREAME 🠟🠟🠟

Web-version DREAME
Mobile version DREAME

Comments

Popular Articles

The Runaway Mrs. dela Merced

Because of Love 2

Mayor Zandro De Guzma

Because of Love 1

The Man with a Fragile Heart

Gael Saavedra

Giovanni Saavedra

SAMANTHA