Gael Saavedra

BLURB : 


"Here's the deal. Magpanggap kang girlfriend ko Anya"

"Ano? girlfriend mo?" gulat na tanong n'ya.

"Why? you think pwede kang tumanggi? Baka nakakalimutan mo nasa tiyahin mo na ang sampung libo"

"Pero hindi naman ang magpanggap na girlfriend mo ang pinag-usapan" nakuha n'yang isagot. Nakita n'yang ngumisi ito.

"Why? Mas gugustuhin mo ba na sulitin ko ang binayad ko sa iyo sa kama?" napangiwi sya sa tanong nito. At may kakaibang naramdaman sa sinabi nito.

"Hindi ba't mas madali kung magpanggap ka lang na girlfriend ko, kesa sa makipagtalik sa akin" patuloy nito at kinilabutan s'ya sa ginamit na salita nito. Hindi s'ya makasagot. Hindi n'ya alam ang isasagot. Mas madali nga naman kung magpapanggap lang s'yang girlfriend nito kesa sa may mangyari sa kanila, at maibigay n'ya ang pagkainosente n'ya rito.

"Listen Anya, magpapanggap ka lang walang mawawala sa iyo. And after that you can sell your self again. You can still demand a high price cause you are still a virgin. May puhunan kapa after this" litanya nito na tila may tumusok sa dibdib n'ya. Alam naman n'yang hindi sya kilala ni Gael, kaya hindi n'ya ito masisisi kung ganoon ang isipin nito sa kanya. Na tila ba wala s'yang alam gawin kundi ibenta ang sarili sa mga lalake. Na tila ba pagkatapos n'yang ibenta ang sarili rito ay ibebenta nanaman n'ya ang sarili sa iba.


CHAPTER 1

"Anya! Anya!" Sigaw ng tiyahin sa ibaba ng bahay. Mabilis s'yang lumabas sa kwarto at nagtatakbo pababa ng hagdan.
"Bakit po Tita Daisy?" Humihingal na tanong n'ya ng makababa.
"Bakit hindi ka pa nakabihis? Hindi ba't sinabi ko sa iyo kagabi na aalis tayo," galit na sigaw ng tiyahin sa kanya.
"Ayoko po kase Tita Daisy, natatakot po ako" naiiyak na sagot n'ya sa tiyahin.
"Anong natatakot? tumigil ka nga sa pag iinarte mo d'yan! Pinag-usapan na natin to kagabi diba?"
"Pero T'yang-"
"Anya naman! Alam mo namang malaki ang utang natin dito sa bahay. Pwede tayong paalisin pag hindi tayo nakabayad ng renta. Isa pa, wala na nga tayong makain ng kapatid mo. Wala ng nagpapalabada sa akin, ikaw naman ang kumilos para magtrabaho," inis na litanya ng tiyahin sa kanya. Habang halos maiyak na s'ya sa pakiusap rito, na ayaw n'ya ang pinagagawa nito sa kanya.
Ang T'yang Daisy na lang n'ya ang natitirang kamag-anak nila sa San Sebastian. Sa tiyahin din sila nakikitara ng nakababatang kapatid n'yang si Ariel. Sampung taon pa lang ito kaya hindi pa nito kayang magtrabaho. S'ya sa edad n'yang kinse kung anu-ano na ang pinasok n'yang trabaho para lang makapag patuloy ng pag-aaral sa highschool at si Ariel naman sa elementarya. Sa pampublikong paaralan silang magkapatid pumapasok, libre lang naman walang gastos tanging baon at pamasahe lang naman ang gastos. Pero hindi sapat ang konting kinikita n'ya sa pag pa-part time sa isang panederya malapit sa palengke, isama pa na halos napupunta sa tiyahin ang kinikita n'ya. Wala na kase silang mga magulang. Ang Nanay nila ay namatay sa panganganak kay Ariel, at ang Tatay naman ay hindi rin nila maasahan, dahil laging nasa sugal at inuman. Hanggang sa may makilalang babae ang Tatay nila at sumama sa Mindanao iniwan sila ni Ariel sa Tiyahin. Walang asawa't mga anak ang tiyahin kaya naman kinupkop na silang magkapatid. Noong una maganda ang samahan nila pero nitong huli ay tila umaasa na rin sa kanya ang tiyahin. Tila ang gusto nito ay s'ya na ang magtrabaho para sa kanilang tatlo. Pati ang pag-aaral n'ya minsan napapabayaan n'ya dahil sa mga trabahong pinapagawa ng tiyahin sa kanya. Wala naman s'yang magawa dahil wala naman din silang mapupuntahang magkapatid. Isa pa kung hindi rin naman s'ya kikilos at magtatrabaho magugutom silang magkapatid.
"Anya subukan mo lang naman eh, isa pa ang dami ng gumagawa nito sa bayan natin. Nakita mo ba si Xyra? Tignan mo s'ya ngayon ang ganda na n'ya, marami na rin s'yang naibiling mga kagamitan nila sa bahay"
"T'yang Daisy natatakot po ako talaga," sagot n'ya at naiyak na ng tuluyan.
Pinaliwanag ng tiyahin kagabi ang bagong trabahong papasukin n'ya. 'Yon ay ang pagbebenta ng sarili. Sinabi ng tiyahin na maraming nagkaka interes sa kanya dahil sa edad n'yang kinse may hubog na ang kanyang katawan, may magandang hinaharap. Kahit laki sa hirap may maganda s'yang kutis na namana sa ina. Namana rin n'ya ang maamong mukha ng ina na kahit hindi s'ya mag-ayos ay maganda s'ya. Kaya marahil may mga nagkakainteres na sa kanya sa mura n'yang edad na kinse.
"Tumigil ka nga!" Sigaw ng tiyahin sa kanya kasabay ng pag hampas sa balikat. Napangiwi s'ya at lalong umiyak ng umiyak.
"Walang magagawa 'yang iyak mo Anya! Kailangan natin ng pera kung hindi paaalisin na tayo rito! Anong gusto mo tumira tayo sa kalsada? Hindi mo ba iniisip si Ariel?" Sigaw ng tiyahin sa kanya.
"Pero T'yang Daisy natatakot po ako"
"Walang maitutulong ang takot mo sa problema natin! Anya gawin mo na para sa kapatid mo, para sa pag-aaral n'yong dalawa. Alam mo namang hindi ko kayo kayang suportahan, wala akong trabaho palaba-laba lang kung kani-kanino, ikaw lang ang makakatulong sa atin sa kapatid mo," litanya ng tiyahin.
Napaupo sya sa hagdan na kahoy at umiyak ng umiyak. Pinaghalong takot at sakit ang nararamdaman sa tiyahin. Alam n'yang mahirap sila at halos nga hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Pero hindi n'ya lubos maisip na gagawin ng tiyahin ang itulak s'yang ibenta ang sarili para kumita ng pera. Alam n'yang maraming gumagawa ng mga bagay na 'yon, pero napaka bata pa n'ya para pasukin ang ganoong klase ng trabaho. Isa pa ano nang mangyayari sa kanya pagkatapos.
"Ate Saan kayo pupunta ni T'yang?" Tanong ni Ariel ng makitang bihis na bihis s'ya.
"Mag a!apply ako ng trabaho," pagsisinungaling n'ya at iniwasang tumingin sa mga mata ng kapatid. Baka kasi makita nito ang pamamaga ng mga mata, dahil sa kakaiyak kanina. Isama pa na baka mahalata ng kapatid na nagsisinungaling s'ya.
"Hayaan mo Ate paglaki ko ako naman ang magtatrabaho para sa atin ni T'yang," nakangiting sabi ni Ariel.
"Oo naman Ariel, kaya galingan mo sa eskwela ah,"
"Oo naman Ate,"
"Anya! Anya! tara na" Sigaw mula sa ibaba.
"Ariel, aalis na muna kami ni T'yang Daisy ah. May ulam na sa ibaba binili kita ng paborito mong longganisa. Kumain ka ng marami ah," sabi n'ya sa kapatid at mabilis na tumakbo pababa ng hagdan.
"Anya! 'Yan ang ganda-ganda mo," sabi ng tiyahin habang inaayos ang buhok. Hindi naman s'ya nag-ayos sinuot lang naman n'ya ang pinasuot na bestida ng tiyahin, hindi naman ganoon ka seksi 'yon at tama din naman ang haba kaya kumportable naman s'ya.
"Lalo kang gaganda pa naayusan ka na Anya," dugtong pa ng tiyahin habang palabas ng maliit na bahay na inuupahan nila.
"Salamat Anya pumayag ka," masiglang sabi ng tiyahin habang nag-aabang ng masasakyan tricycle. Bumuntong hininga lang s'ya at alanganing ngumiti.
Pinag-isipan n'yang mabuti ang gagawin. At nangako s'yang hindi na n'ya uulitin ang bagay na ito. Minsan lang n'ya ibebenta ang sarili at hindi na mauulit pa. Hinding-hindi na. Ayaw n'yang matulad kay Xyra, literal na kasi nitong ginawang hanapbuhay ang pagbebenta ng sarili sa kung sinu-sino. Matanda lang ng tatlong taon sa kanya si Xyra, pero tulad din n'ya maaga din itong naimulat sa maruming gawain, at hindi s'ya magiging tulad ni Xyra.
"T'yang Daisy, sino po ba ang kausap n'yo na bibili sa akin?" Tanong n'ya ng halos kalahating oras na silang nakatayo sa may gilid ng malaking convinient store ang G.S Convinient Store.
"Maghintay ka lang nagka aberya daw sa asawa," inis na sagot ng tiyahin. Napangiwi s'ya sa sagot nito. Sigurado naman s'yang matandang lalaki ang bumibili sa mga katulad n'ya. Nalungkot s'ya dahil sa matandang lalaki una n'yang maibibigay ang sarili.
"Excuse me," tinig na umagaw sa atensyon nila.
Sinulyapan n'ya ang lalaking nakatayo. Matangkad ito, matipuno, nakasuot ito ng shades. Kaya naman hindi n'ya makita ang mga mata nito. Nakasuot ang lalaki ng puting t-shirt at itim na pantalon. Simpleng pananamit pero kitang-kita ang karangyaan nito. Halata sa tindig na may sinasabi ito sa buhay.
"Bakit?' Tanong ng tiyahin sa lalaking nakatayo sa harapan nila.
"Andito ba kayo para maghanap ng customer?" Tanong ng lalake. Kumunot ang noo n'ya.
"Ah- eh-gusto mo ba?" Tanong ng tiyahin at hinila s'ya sa braso.
"Ito ang unang beses n'yang gagawin, birhen pa ang pamangkin ko," natilihan s'ya sa sinabi ng tiyahin.
"T'yang ano ba!" Saway n'ya at nahihiyang sinulyapan ang gwapong kaharap.
"Magkano ba?" Tanong ng lalake na nag-alis ng suot na shades. Napasingap s'ya ng makita kung gaano ito kagwapo. Sa tingin n'ya bata pa rin ito, marahil hindi nalalayo sa edad n'ya. Ngayon palang n'ya ito nakita sa bayan nila. Kung sa bagay malaki ang San Sebastian. Isa pa mukhang hindi naman talaga kung saan-saan lang makikita ang ganito kagwapo sa harapan n'ya ngayon. Tila ito na nga ang pinaka gwapong nakita n'ya sa buong buhay n'ya.
"Presyong kaya mo pogi," sagot ng tiyahin at kinurot pa ang braso ng lalaki.
"I can pay a lot lalo na if she's a virgin" sagot ng lalaki.
"Ano daw?" Bulong ng tiyahin sa kanya at hinila s'ya.
"Well, kaya kong magbayad kahit magkano, lalo na kung virgin pa s'ya. At ako ang magiging unang customer n'ya" Ulit ng lalaki sa tiyahin. Nakaramdam s'ya ng pagkailang sa takbo ng usapan ng tiyahin at ng lalake.

CHAPTER 2

Nanlaki ang mga mata n'ya ng marinig ang sinabi ng lalaki sa tiyahin. Magbabayad daw ito ng isang daan libo kapalit s'ya. Nasisiraan na ba ito ang magbabayad ng ganoong kalaking halaga para sa kanya? Ano bang gagawin sa kanya ng lalaking ito at ganoong kalaking halaga s'ya nito babayaran?
"One hundred thousand pesos?" Gulat na gulat na tanong ng tiyahin sa lalaki.
"Yes! Magbabayad ako ng ganoong kalaking halaga para sa kanya," sagot nito at sinulyapan s'ya. Nahiya s'ya kaya nag-iwas s'ya ng mga mata.
"Sigurado ka ba?" Paniniguro ng tiyahin.
"Yes. Here kunin mo muna ang sampung libo," at naglabas ng pera sa wallet na tig iisang libo. Iniabot sa tiyahin na nanlalaki ang mga mata at nanginginig pa ng kunin ang pera. Bumuntong hininga s'ya. S'ya kase ang nahihiya sa kinikilos ng tiyahin. Masyadong halata na sabik sa pera.
"Paunang bayad muna 'yan. Later tonight ibibigay ko ang kulang," sabi ng lalaki at muli s'yang sinulyapan na nanatiling walang kibo. Nakikinig lang sa transakyon ng dalawa. Naguguluhan s'ya kung bakit s'ya bibilhin ng lalaki sa ganoong kalaking halaga. Isa pa kung bakit kailangan nitong bumili ng babae eh ang gwapo naman nito at panigurado maraming libreng sasama rito. Isama pa na may pera ito, kaya wala s'yang nakikitang dahilan para bilhin s'ya nito. Kaya nitong kumuha ng higit na maganda kesa sa kanya. Ganoon pa man sumunod s'ya sa usapan. Kailangan n'yang sumama sa lalaki.
Kimi s'yang naupo sa harapan ng magarang sasakyan. Kitang-kita n'ya ang lalim ng ngiti sa mga labi ng Tiyahin. Sino naman ang hindi mapapangiti hawak na nito ang sampung libo at may parating pang Ninety Thousand. Sa buong buhay nilang tatlo ngayon lang makakahawak ng ganoong kalaking halaga ang tiyahin.
Nagkibit balikat lang s'ya at sinulyapan ang lalaking bumili sa kanya. Hindi pa rin n'ya alam kung ano ang pangalan nito? At kung sino ito? Bakit s'ya nito binili ng ganoong kalaking halaga? Kung sa bagay mukha naman itong mayaman at barya lang marahil rito ang isang daang libo.
"Enjoy Anya, ang swerte mo," bulong ng tiyahin sa kanya bago umandar ang kotseng sinasakyan. Nahihiya n'yang sinulyapan ang lalaking nagmamaneho. Hindi na ito nakasuot ng shades kaya naman malaya n'yang napagmasdan ang gwapong mukha nito. Pasimple n'yang niyuko ang sarili dahil nagtataka s'ya kung bakit s'ya binili ng lalaki sa tiyahin.
Gwapo ito at siguradong maraming babae ang naghahabol. Isama pa na may magara itong sasakyan na panigurado n'yang mamahalin din. Ilang beses na ba n'yang naisip ang mga bagay na 'yan?
"You are?" Tanong nito habang nagmamaneho.
"Ho?"
"Your name?"
"Anya po, Anya Garcia," nahihiyang sagot n'ya at nagyuko ng ulo.
"How old are you?"
"Fifteen po"
"Why are you doing this kind of job?"
"Ho?" Tanong n'ya, hindi dahil hindi n'ya naiintindihan ang pang i-ingles nito. Kundi nais n'ya lang bigyan ang sarili ng pagkakataon para makapag isip ng maisasagot.
"Matagal mo na bang ginagawa to?" Tanong nito, na nasa kalsada nakatuon ang mga mata.
"Hindi po," mabilis na sagot sabay iling ng ulo.
"Hindi ko po gawain ito. Ayoko po sanang gawin ito. Kaya lang po wala na pong ibang maisip na paraan ang T'yang Daisy ko," simula n'ya at naiyak. Habang nagpapaliwanag sa lalaki.
"Ilang buwan na po kase kaming hindi nakakabayad ng renta kaya pinaalis na po kami. Wala naman kaming ibang mapuntahan ng kapatid ko. Kaya po sinusunod ko si Tita Daisy sa mga pinagagawa n'ya sa akin," umiiyak na paliwanag n'ya.
"May kapatid ka?" Tanong ng lalaki at sinulyapan s'ya.
"Opo si Ariel. Sampu palang po s'ya at nasa grade 3. Hindi pa po n'ya kayang magtrabaho, kaya ako po ang nagtatrabaho para sa amin," sagot n'ya. Habang walang tigil sa pag-iyak.
"You mean wala kang choice kaya mo ginagawa ito?" Tanong ng lalaki bago niliko ang kotse sa kilalang subdivision. Saavedra Real Estate. Kung saan puro mayayaman lang ang nakakatira sa sikat na Subdivision. Kahit mahirap s'ya kilala n'ya ang pinasukan nilang Subdivision.
"Wala po," sagot n'ya sabay singot at pinunasan ang mga luha. Pinagsawa n'ya ang mga mata sa ganda ng paligid nang makapasok na sila sa loob ng Subdivision. Malinis at nakaayos lahat ng mga puno at bulaklak sa daraanan.
"Wow," anas n'ya.
"Bakit?"
"Ang ganda po pala rito, ngayon palang ako nakapasok rito,"
"This is Saavedra Real Estate"
"Puro mayayaman ang mga nakatira rito. Dito ka nakatira?" Tanong n'ya sa lalaki at sinulyapan ito. Masasabi n'yang gwapo nga talaga ang lalaking kasama.
"Yeah, my parents house,"
"Parents house? Anak mayaman ka? Kaya pala may one hudred thousand kang pambili," gilalas na sabi n'ya.
"Yeah, but I didn't buy you, Anya," sagot nito na sa ka una-unahang pagkakataon ay binaggit nito ang pangalan n'ya. Tila musika 'yon sa pandinig n'ya. May kakaibang hatid sa kanya ang pag banggit nito sa pangalan n'ya.
I've saved you, Anya," patuloy nito. Napanganga sya at napatitig sa gwapong mukha ng lalake. Hindi nya maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito.
"We're here" sabi nito, at tila sya nagising sa panaginip. Tumingin s'ya sa labas ng bintana. Napanganga lalo ng makita kung gaano kalaki, kalawak at kaganda ang pinasok nilang gate. May mga nakita syang ilang sasakyan na halatang mamahalin din na naka park sa gilid ng malaking bahay.
"Dito ka nakatira?"
"Yeah, with my Mom and Dad and my two brothers," sagot nito. At bumaba na ito ng kotse.
"Wow! Grabe ang yaman naman yata n'ya," bulong n'ya. Hindi alam kung paano bubuksan ang pintuan ng kotse. Ito kase ang unang beses n'yang makasakay sa kotse. Bago pa s'ya tuluyang mag panic nabuksan na ng lalaki ang pintuan.
"Salamat, hindi ko kase alam buksan," inosenteng paumanhin n'ya.
"It's ok," sabi nito at niyaya na s'ya sa loob ng bahay.
"Sigurado ka bang pwede akong pumasok d'yan?" Pag aalinlangan n'ya. Alam n'yang hindi s'ya nababagay sa magandang bahay na 'yon, na mala palasyo ang laki at ganda.
"Why not? this is my house,"
"Ah-eh," hindi n'ya alam ang sasabihin kaya naman sumunod nalang s'ya rito.
Naglakad sila papasok sa malaking pinto. At sa bawat lakaran n'ya ay nakakakita s'ya ng mga bagay na ngayon lang n'ya nakita sa buong buhay n'ya.
"Ang ganda naman dito," natutuwang sabi n'ya. Tila ba nakalimutan ang dahilan kung bakit s'ya naroon sa magandang bahay na 'yon.
Pagpasok sa loob. May bumati sa kanilang medyo may edad na babae na naka uniporme. Kaagad itong ngumiti sa lalaki at binati ito.
"Magandang hapon po Sir Gael," bati ng matandang babae at sinulyapan s'ya nito. Alanganin s'yang tinignan at tila sinusuri.
"And'yan na po ba sila Mama't Papa?" Tanong ng lalaki na tinawag ng matanda kanina na Gael. Hindi pa nga pala n'ya natanong ang pangalan ng lalaki kanina.
"Wala pa po ang Papa n'yo Sir. Pero ang Mama n'yo at ang mga Santillan po nasa gazebo na po," sagot ng matandang babae. Muli s'yang sinulyapan na tila nagtataka kung sino s'ya, at ano ginagawa n'ya sa malaking bahay na 'yon?
"So, is Julia's there?"
"Opo Sir, kasama po nila si Ma'am Julia,"
"I see, aakyat lang po kami Manang, pakisabi na lang na andito na po kami," utos ni Gael at hinila s'ya sa kamay. Nanlaki ang mga mata n'ya ng maramdaman ang mainit na palad nito na humawak sa kamay n'ya.
"Let's go," ayaya nito. Humakbang na din naman s'ya dahil hawak-hawak nito ang kamay n'ya. Kaya wala s'yang dahilan para hindi sumunod rito.
"Saan tayo pupunta?" Tanong n'ya, nang mapansin na tinatahak nila ang mataas na hagdan na mala pampalasyo ang laki at taas.
"Sa kwarto ko," sagot ng lalaki. Nanlaki ang mga mata n'yang napasulyap ito.
"Ano?!"

CHAPTER 3

Pagpasok nila sa malaking silid doon palang binitawan ng lalaki ang kamay n'ya. Mabilis itong naglakad palapit sa bintana. Bahagyang nitong tinaas ang blinds at sumilip doon.
"They are here," dinig n'yang sabi nito. Habang iniikot ang mga mata sa napakagandang silid na ang laki ay tila isang buong bahay na nila.
"Okay, let me tell you, what do you need to do," narinig n'yang sabi nito. Lumingon s'ya rito at naglakad ito palapit sa kinatatayuan n'ya.
"Anya," tawag nito at hinila s'ya sa magkabilang braso. Nanatili lang s'yang nakamata sa gwapong lalaki. Iniupo s'ya nito sa kama. Natilihan s'ya at hindi alam ang gagawin. Ito na ba ang simula ng mga gagawin nila o kung ano pa man.
"Sir," nakuha n'yang sabihin sa nerbiyos.
"Listen to me, Anya," simula nito. Habang hawak-hawak pa rin ang braso n'ya.
"Please do me favor. Niligtas kita at sana iligtas mo rin ako," seryosong sabi nito. Kumunot ang noo n'ya, dahil hindi n'ya naiintindihan ang sinasabi nito. Paanong niligtas s'ya nito? At paano naman n'ya ito ililigtas?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Binili kita, but the truth is I want to save you. Niligtas kita na baka mapahamak ka pag iba ang nakabili sa iyo," Simula nito.
"Ah?" Tanging nasabi n'ya. Dahil hindi n'ya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Basta ang alam n'ya binili s'ya nito para maikama at makuha ang pagka birhen n'ya.
"Listen, Anya. I'm Gael Saavedra, the youngest son sa Saavedra clan," sabi nito na kinagulat n'ya. Alam n'yang mukhang mayaman ito. Napatunayan rin n'yang mayaman nga ito ng dalhin s'ya sa bahay nito. Pero hindi n'ya naisip na isa itong Saavedra. Kinikilalang pinakamayaman sa bayan ng San Sebastian ang mga Saavedra. Lahat ng mga naglalakiang Building, Condo, Malls, Business Establisment, at mga Subdivision ay Saavedra ang nagmamay-ari. Kahit bata pa s'ya at mahirap ay alam n'yang Saavedra ang pinaka mayaman sa bayan nila.
"Isa kang Saavedra?" Gulat na bulalas n'ya.
"Yeah. Ako ang bunsong Saavedra. And binili na kita gamit ang sarili kong pera Anya. I can promise more, basta tulungan mo lang ako," sabi nito at binitawan sya.
Naglakad ito sa malaking silid. Sinundan lang n'ya ito ng tingin. At isa lang ang masasabi n'ya. Meron itong magandang katawan. Magandang katawan na sa telebisyon lang n'ya nakikita o di naman kaya sa mga magazine sa palengke.
"My parents wants me to get engaged sa babaing pinili nila para sa akin and to think na hindi man nila ko tinanong kung payag ba ko?" simula nito at naupo sa sofa. Sinuklay ang mga daliri sa buhok nito.
"Engaged?" Tanong n'ya habang nakatingin kay Gael na tila ba modelo sa pagkakaupo.
"Yes. Sila ang pumili ng babaing pakakasalan ko,"
"Pero parang ang bata mo pa para magpakasal," nasabi n"ya na tila ba naiintindihan n'ya ang sitwasyon nito.
"That's not the point! The point here ay minamanduhan nila ako sa bagay na ako dapat ang mag desisyon para sa sarili ko. And what do I hate the most? Ay ang ipilit nila sa akin ang taong ayoko," may galit na sabi nito. Napalunok s'ya dahil hindi na n'ya alam ang sasabihin kahit naiintindihan n'ya ito.
"Whatever! You are only fifteen. Hindi mo ko sigurado naiintindihan," sabi nito at tumayo mula sa kinauupuan. Sumilip ito sa bintana. Saka binalik sa kanya ang tingin nito. Nanatiling naman s'yang nakaupo sa malaking kama.
"Here's the deal. Magpanggap kang girlriend ko Anya,"
"Ano? girlfriend mo?" Gulat na tanong n'ya.
"Why? you think pwede kang tumanggi? Baka nakakalimutan mo nasa tiyahin mo na ang sampung libo,"
"Pero hindi naman ang magpanggap na girlfriend mo ang pinag-usapan," nakuha n'yang isagot. Nakita n'yang ngumisi ito.
"Why? Mas gugustuhin mo ba na sulitin ko ang binayad ko sa iyo sa kama?" Napangiwi s'ya sa tanong nito. At may kakaibang naramdaman sa sinabi nito.
"Hindi ba't mas madali kung magpanggap ka lang na girlfriend ko, kesa sa makipagtalik sa akin," patuloy nito at kinilabutan s'ya sa ginamit na salita nito. Hindi s'ya makasagot. Hindi n'ya alam ang isasagot. Mas madali nga naman kung magpapanggap lang s'yang girlfriend nito kesa sa may mangyari sa kanila, at maibigay nya ang pagkainosente n'ya rito.
"Listen, Anya. Magpapanggap ka lang walang mawawala sa iyo. And after that, you can still sell yourself again. You can demand a high price cause you are still a virgin. May puhunan kapa after this," litanya nito na tila may tumusok sa dibdib n'ya.
Alam naman n'yang hindi s'ya kilala ni Gael. Kaya hindi n'ya ito masisisi kung ganoon ang isipin nito sa kanya. Na tila ba wala s'yang alam gawin kundi ibenta ang sarili sa mga lalaki. Na tila ba pagkatapos n'yang ibenta ang sarili rito ay ibebenta nanaman n'ya ang sarili sa iba.
"Pero, walang maniniwala na girlfriend mo ko," malungkot na sagot n'ya. Dahil 'yon ang totoo sino bang maniniwala na ang isang tulad lang n'ya ang magiging girlfriend ng isang Gael Saavedra. Hindi s'ya nababagay rito. Isama pa na napakabata pa n'ya para patulan ni Gael.
"I will make them believe," sagot nito at humakbang sa kinauupuan n'ya. Basta sumunod ka lang sa mga sasabihin ko. And always say yes, sa bawat tanong nila sa iyo,"
"Wala ka bang girlfriend na pwedeng iharap?" Nakuha n'yang itanong. Dahil imposibleng wala itong girlfriend. Sa gwapo nito at isama pa na mayaman ito.
"I don't do such a thing! Bakit ako mag i-istick sa isa kung marami naman ang pwede," sagot nito.
Kahit bata pa s'ya naintindihan n'ya ang ibig nitong sabihin.
"Let's go," anyaya nito at hinila s'ya sa kamay.
"Aray!" Tili n'ya. Halos kaladkarin pa s'ya nito palabas ng silid.
Nang makalabas sila isang matangkad na lalaki ang nakasalubong nila sa hallway. Naka black Business suit ito at seryoso ang mukha. Tulad ni Gael gwapo at malakas ang dating ng nakasalubong nila.
"Gael," tawag ng lalaki at sinulyapan s'ya. Nahihiya s'yang nagyuko ng ulo nang makitang napakunot ng noo ang lalaki ng makita s'ya. Halatang hindi nito inaasahan ang makitang may kasamang batang babae si Gael. At nanggaling pa sila sa silid nito.
"Kuya Gavin. Meet Anya, my girlfriend," pakilala ni Gael na kinagulat n'ya. Pero tulad nga ng sabi nito kanina, kailangan lang n'yang gawin ay sumunod at umoo.
"Girlfriend?" May pagdududa sa tanong ng kaharap nila n tinawag na Kuya ni Gael kanina. Marahil kapatid ito ni Gael.
"Yes. She's here to meet all of you" sagot ni Gael.
"Let's go Anya," anyaya nito. Nauna na sila sa pagbaba ng hagdan. Nahihiya s'yang sumulyap sa lalaking nakasunod ng tingin sa kanila ni Gael.
"Sigurado kana ba dito?" Bulong na tanong n'ya. Habang tinatahak nila ang daan papunta sa gazebo. Kung saan naroon ang mga magulang ni Gael na naghihintay rito.
"Yes. And beside hindi maliit na halaga ang one hundred thousand sa estudyante palang tulad ko," sagot nito. At tuluyan na silang lumabas sa malaking pinto at nagtungo sa gazebo kung saan tila may handaan at kasiyaan.
"Ma! Pa!" tawag ni Gael na nagpabalikwas sa mga naroon. Agad n'yang nakita ang magandang babae na nakasuot ng napakagadang bestida. Halatang mamahalin ang suot nito. Mahaba ang buhok nito na kinulutan sa may dulo. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanila ni Gael habang papalapit sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi nakaligtas sa kanya ang masamang tingin ng babae sa kamay n'yang hawak ni Gael.
"Gael hijo," tawag ng isa sa babaing may edad roon na marahil Ina ni Gael.
"Ma, I'm sorry we are late," paumanhin kunwari ni Gael. Lumapit sila sa tinawag nitong Ma. Humalik si Gael sa pisngi ng ina. Nananatili pa rin ang kamay nito na mahigpit na nakahawak sa kamay n'ya. Hindi naman s'ya tatakbo o tatakas, pero ganoon kahigpit ang hawak nito sa kanya. Kitang-kita n'yang lalong nagtaas ng kilay ang magandang babaing nakaupo at masama ang tingin sa kanya.
"Who's she, Gael?" Tanong ng magandang babae, na halatang hindi na ito makapaghintay.
"Ah well, she's Anya, my girlfriend," pakilala nito sa kanya na kinagulat ng mga naroon. Nalipat ang lahat ng mga mata sa kanya. Pakiramdam n'ya isa s'yang daga na napapalibutan ng mga nag gagandaang mga pusa. Pasimple s'yang napahawak sa braso ni Gael dahil pakiramdam n'ya matutumba s'ya sa kaba. Kailangan n'ya ng suporta nito. Agad naman s'yang inalalayan nito. Hinawakan s'ya nito sa siko at maya-maya pa ay pinulupot nito ang braso sa bewang n'ya. Nagtaasan ang mga balahibo n'ya sa batok. Napalunok s'ya ng maramdaman ang kakaibang pakiramdam.
"Girlfriend?" Tanong ng magandang babae.
"Anong kalokohan ito Gael?!" Galit na tanong ng isa sa may edad na lalaki na marahil ama ni Gael. Mabilis namang pinigilan ng Mama ni Gael ang lalaki nang magbalak itong tumayo dahil sa galit.
"I'm sorry, Julia, Mr and Mrs. Santillan" simula ni Gael. Naramdaman n'ya ang pahigpit ng braso nito sa bewang n'ya. Pinisil pa nito ang kamay n'yang hawak naman ng isa nito kamay.
"I can't marry, Julia," patuloy nito.
"What?!" Bulalas ng lahat ng naroon. Napakagat labi s'ya at hindi alam ang gagawin. Kung bakit ba s'ya napasok sa ganitong sitwasyon? Hindi s'ya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Tila kanina lang gumising s'ya sa bahay nila at ngayon tila s'ya nasa loob ng telebisyon at kasama sa isang telenobela.



READ MORE ON 🠟🠟🠟
Web-version DREAME
Mobile version DREAME

Comments

Popular Articles

Giovanni Saavedra

The Runaway Mrs. dela Merced

Mayor Zandro De Guzma

The Man with a Fragile Heart