SAMANTHA
"Look Samantha, I don't like you" Sabi nito at nanlalaki ang mga mata nyang napatitig rito.
" know!" Matigas na sagot nya at pilit kumakawala sa pagkakahawak nito. Hindi nya alam kung bakit kailangan pang ipamukha sa kanya ni Sean na hindi sya nito gusto, Bakit kailangan pa syang ipahiya nito.
"Listen first!" Matigas na sabi nito at hinawakan nito ang magkabilang braso nya.
"I don't like the way you dress!" Sabi nito at sinulyapan pa ang suot nyang makalumang bestida, napalunok sya at nanlalaki ang mga matang napatitig sa mga magagandang mata nito.
"I don't like your nerdy glasses" Patuloy nito at nanatili syang walang kibo, at gulat na nakamata kay Sean.
"I hate your braces! God damn it! I hate your look! You look boring and uninteresting Samantha! There's nothing special about you! But... I'm falling in love with you Samantha"
Samantha
Happy birthday Samantha!
Lahat na lang 'yan ang nariring n'ya sa mga nakakasalubong. Nagpapasalamat naman s'ya at nginingitian ang mga bumabati sa kanya.
S'ya pala si Samantha Cruz, 18th birthday n'ya ngayon, at hindi n'ya inaasahan na malaking party pala ang ibibigay sa kanya ng mga proud parents n'ya. Hiniling n'ya sa mga ito, na simpleng debut lang masaya na s'ya. Pero isang engrandeng debut ang inayos ng mga ito. Hindi na s'ya nagulat pa.She know her parents, they always wanted to get attention.
Sa malawak na bakuran nila ginawa ang engrande debut n'ya, nakaayos ang buong paligid, blue and pink ang motifs. Ang mga balloons, mesa, upuan, lahat ng pwedeng may kulay blue at pink, pati ang dalawa n'yang gown pink and blue din. Napilitan pa s'yang magsuot ng high heels, sa kauna-unaang pagkakataon. Ayaw na ayaw n'yang nagsusuot ng mga ganoong sapatos, mas gusto pa n'yang isuot ang keds shoes n'ya o di kaya converse, tulad ng lagi n'yang isinusuot sa kahit anong okasyon. Isama pa na inayusan s'ya na lalong ikinaiirita n'ya, dahil pakiramdam n'ya ang kapal-kapal ng make up sa mukha nya, lalo na sa mga mata n'ya. Hindi s'ya sanay sa mga ganoong ayos, pati ang mahabang buhok n'5ya na tuwid lang, inayusan din na ewan n'ya at pakiramdam n'ya ang bigat ng ulo n'ya.
Kanina pa nanakit ang mga paa n'ya sa suot na high heels. Kanina pa kasi s'ya sinasayaw ng mga bisita. Kasama ang mga ka eskwela at ilang mga kilala sa Bayan ng San Miguel. Sa Munisipyo ng San Miguel nagtatrabaho ang Daddy n'ya at isang nurse naman ang Mommy n'ya sa Donya Feliza Hospital. Hindi sila ganoon kayaman pero pinipilit ng mga magulang n'ya na maging mayaman at makasabay sa mga mayayamang kapitbahay. Last year lumipat sila ng bahay sa Tragora Subdivision isang exclusive subdivison sa San Miguel, na pang mamay-ari ng mga Tragora, ang pinaka mayaman sa Bayan ng San Miguel. Alam n'yang matagal ng pangarap ng mga magulang na makatira sa Tragora Subdivision kaya naman todo sikap ang mga ito. Hindi naman nabigo ang mga ito dahil, eto na sila halos mag-iisang taon na silang nakatira sa Tragora Subdivision, kasama ang dalawa n'yang kapatid, na nasa elementarya at highskul. Habang s'ya naman nasa 2nd year college na sa kursong tourism. Sa San Miguel University sila nag-aaral tatlo, dahil kahit kapos ang mga magulang n'ya pinipilit pa rin ng mga ito na maipasok sila sa pinaka magandang paaralan sa bayan nila. Madalas pa ngang sabihin ng Mommy n'ya na kaya sila doon pinapaaral para makipag salamuha sa mga mayayaman sa bayan nila. Madalas pa nga pinipilit s'ya ng Mommy n'ya na mag-ayos at magpaganda sa tuwing papasok sa SMU, para naman daw may mayamang makapansin sa kanya, o di naman daw kaya mapansin s'ya ni Joshua Tragora, ang nag-iisang taga pagmana ng mga Tragora. Kilala n'ya si Joshua, lahat naman ng mga babae ito ang pinapangarap, dahil gwapo at mayaman ito. Pero hindi s'ya umaasa na mapansin nito.
Minsan naiisip n'ya na parang may mali sa mga ginagawa ng mga magulang n'ya. Tulad na lang ngayon ang laking gastos ng debut n'ya, samantalang alam naman n'yang kapos sila sa pera. Para sa kanya kahit simpleng debut na lang sana pwede na. Pero para sa mga magulang n'ya na halos inimbita lahat ng mayayamang kapitbahay, ok lang ang gumastos ng malaki para sa munting palabas ng mga ito at mapansin ng mga mayayamang kapitbahay.
Bumuntong hininga s'ya at naupo sa gilid ng flower box ng Mommy n'ya, kanina pa s'ya napapagod sa suot na high heels. Isa pa naiinis na s'yang panoorin ang mga magulang na nagpupumilit na makipagsabayan sa mga bisitang mayayaman.
"Aray!" Bulong n'ya at itinaas ang isang paa. Minasahe n'ya 'yon dahil hindi talaga s'ya sanay magsuot ng mataas. Kung hindi lang nakabantay ang Mommy n'ya kanina sigurado 'yung puting keds na sapatos n'ya ang isusuot. Sa haba naman ng gown n'ya hindi naman makikita ng mga ito ang suot na sapatos.
"Anong oras ba matatapos ang party?" Tanong pa n'ya sa sarili habang laylay ang mga balikat na tinatanggal ang sapatos na suot. Lumayo muna s'ya sa maingay at pang mayamang birthday party n'ya dahil masakit na talaga ang mga paa n'ya.
"Damn"
Nagulat s'ya ng may biglang narinig na nagsalita at tila may tumalon mula sa bakod nila. Napalingon s'ya sa lumikha ng ingay at may naaninag s-yang lalake sa may pader nila. Napatili s'ya at umagaw ng atensyon sa lalaking tumalon mula sa pader. Sinulyapan lang s'ya nito, at nanlalaki ang mga mata n'ya habang nakatingin rito. Wala itong damit pang itaas at sinasara pa nito ang zipper ng pantalon.Kasunod non isinuot nito ang t-shirt at sinuklay ang buhok nitong nagulo.
"What are you doing?" Nanlalaking mga matang tanong n'ya sa lalake, na walang pakialam sa kanya na nagbibihis mismo sa harapan n'ya. Medyo madilim na kaya hindi n'ya masyadong nakikita ang hubad na katawan nito. Tumayo s'ya mula sa pagkakaupo para makita ng mas malapitan ang lalake.
"Hi sweetheart," nakangiting bati nito, at humakbang palapit sa kanya, na nanlalaki pa rin ang mga mata na nakatingin sa lalake.
"Sweetheart?" Ulit n'ya sa tinawag nito sa kanya.
"Sorry ha naistorbo ba kita?" Tanong nito ng makalapit sa kanya. Hindi pinansin ang tanong n'ya habang panay suklay pa nito sa buhok. Sinulyapan pa nito ang bakod na pinanggalingan nito. Kumunot ang noo n'ya kung saan ito galing at bakit wala itong damit.
"Bakit ka tumalon sa bakod?" Tanong n'ya rito. Mula sa malilim na ilaw napagmasdan n'yang mabuti ang lalaki. Matangkad ito, may pagka chinito o sadyang maliit lang talaga ang mga mata nito. Nakakunot pa ang noo nito, matangos ang ilong at tamang kapal ng mga labi. Napasinghap pa s'ya ng tuluyang makilala ang kaharap. Estudyante ito sa SMU hindi lang n'ya alam kung anong kurso o year na ito, basta alam n'ya madalas itong kasama ni Joshua Tragora at kung hindi s'ya nagkakamali ito si Sean Monteverde. Isa sa notorious sa SMU, dahil sa mga bali-balitang halos naka date na nito ang halos kalahati ng mga estudyante sa SMU. Wala daw itong patawad kahit highschool pinapatulan daw nito basta babae't maganda.
"Long story sweetheart," Sagot nito, sabay kamot pa sa batok. Tinignan s'ya nito at para bang noon lang s'ya nito napansin na naka gown pala s'ya. Lumalim ang kunot nito sa noo habang nakatingin sa kanya.
"Bakit?" Iritang tanong n'ya rito at nagtaas pa ng kilay.
"Well, I thought I know you, I guess I was wrong," sagot nito, habang hawak-hawak pa nito ang ibabang labi. Sumimangot lang s'ya rito. Hindi na n'ya kailangan magpakilala pa rito. Isa pa sigurado naman s'ya na sa lunes hindi na s'ya nito makikilala kung magkasalubong man sila sa campus. Dahil iba ang itsura n'ya ngayong gabi. Hindi ito ang tunay n'yang anyo. Malayo to sa totoo n'yang itsura.
"Your birthday?" Tanong nito, at nilingon ang maliwanag na ilaw sa di kalayuan. At muling binalik sa kanya ang mga mata. Wala sa loob na tumango s'ya at pinagasalikop ang mga kamay sa may dibdib. Gusto n'yang itanong rito ulit kung bakit ito tumalon mula sa bakod nila? Bakit wala itong damit? Kung saan ito nangaling? At anong nangyari rito?
"I see, Happy birthday sweetheart," bati nito sa kanya. Nagulat s'ya ng hawakan s'ya nito sa mukha, at walang sabi-sabing hinalikan s'ya nito sa mga labi, saglit lang 'yon. Tamang naramdaman lang n'ya ang mga labi nito sa mga labi n'ya. Nanlalaki ang mga mata n'ya sa gulat at pagkabigla. Nang bitawan na s'ya nito natulala s'ya at hindi makapagsalita, nanatili lang s'yang nakatingin rito.
"Bye Samantha," paalam nito at tumakbo na palayo sa kanya.
CHAPTER 2
Sean
"That was fun pare! Iba ka talaga!" Natatawang sabi ni Vincent sa kanya ng magkita sila ng kaibigan sa campus.
Kinuwento n"ya rito kung paano s'ya nakatakas sa bahay ni Ashley, isang 1st year college student sa SMU. Hindi n"ya maalala kung ano ang course nito, o sadyang hindi n'ya alam, dahil nakilala lang n'ya si Ashley sa party ng pinsan n'yang si Bryan. Pagkatapos non, niyaya na s'ya nitong pumunta sa bahay nito. Hindi naman s'ya bata pa para hindi malaman kung bakit s'ya niyaya ni Ashley sa bahay nito. Bakit pa ba s'ya tatanggi grasya na nga ang lumalapit.
"Paano kung nahuli ka di lagot ka sa Daddy n'ya!" Natatawang sabi pa ni Vincent.
"Lagot talaga! Baka ma pikot pa ko!" Iritang sagot n-ya.
Malalagot talaga s'ya kung hindi s'ya mabilis na nakatakbo palabas ng bahay nila Ashley. Buti na lang kaagad s'yang nakakita ng bakod na pwede n'yang lusutan. Dahil sa katakawan n'ya ng babae, kung anu-ano na nangyayari sa kanya.
Napangiti s'ya ng maalala ang pagtalon n'ya ng bakod, dahil nakita n'ya si Samantha sa kabilang bakod. Hindi n'ya ito kilala, pero nakakasigurado s'yang dito sa SMU nag-aaral si Samantha.
Nabasa lang n'ya sa malaking banner ang Happy Birthday Samantha, kaya nalaman n'yang Samantha ang pangalan ng babaeng nakita nya sa may kabilang bakod. Lalong lumalim ang ngiti n'ya ng maalalang hinalikan n'ya ito, wala sa loob na napahawak pa s'ya sa mga labi sa ala-alang 'yon.
"Napaka manyak mo talaga!" Sabi ni Vincent at binato s'ya ng papel.
"Iba ang manyak sa walang grasyang tinatanggihan," sagot n'ya at napansin ang babaeng naglalakad sa malawak na campus.
Mag-isa lang itong naglalakad, nakalugay ang katamtamang haba ng itim na buhok. Naka nerdy glasses ito, pero hindi mukhang nerd or weird. Bumagay rito ang frame ng chicky nerdy glasses nito, may katangkaran ito. Hindi ganoon kaputi, tama lang pero halatang makinis ang balat. Nakasuot ito ng hindi naman modernong damit, sadyang hindi lang siguro panahon ang suot nito. Simpleng puting polo sleeve at skirt na lagpas sa tuhod nito, at white keds shoes. Kumunot ang noo n'ya at pinagpatuloy ang pagsuri sa babae. May bitbit itong mga libro at may malaking bag pa na nakasabit sa balikat nito.
"Don't tell me pare you want her to be your next victim," narinig n'yang sabi ni Vincent. Nakasunod pala ng tingin sa tinitignan n'ya.
"Ah...," tanging nasabi n'ya at nilingon ang kaibigan.
"I know you pare," nakangiting sabi nito.
"Weird lang kasi, hindi sya mukhang nerd although she is trying to look nerd," sagot n'ya at liningon muli ang babae. Pero wala na ito sa campus. Nilingon-lingon pa n'ya ang paligid, pero hindi na n'ya ito makita. Nagkibit balikat lang s'ya at naupo sa tabi ni Vincent.
"You know her?" Tanong n'ya rito.
"Pare hindi ako notorious na tulad mo, lahat na lang ng babae kilala mo"
"Kababalik ko lang pare, kailangan ko ng bagong kalaro,"
"Tumigil ka na nga sa paglalaro na 'yan, baka ma karma ka"
"Nope, actually I really like Aya, kaso iniiwas ni Joshua eh," sabi n'ya, at naglabas nga stick ng sigarilyo.
"Non smoking area to," saway ni Vincent.
"Kung ako ang kapatid ni Aya, iiwas ko din s'ya sa notorious na tulad mo," Dagdag pa nito at inagaw ang stick ng sigarilyo sa kamay nya.
Alam naman n'yang bawal manigarilyo sa loob ng campus. Hindi naman n'ya sisindihan 'yon, paglalaruan lang naman n'ya sa bibig.
"As if naman kakataluhin ko kayo ni Joshua," sagot n'ya.
"Eh bakit mo dinidikitan?"
"Mama ni Joshua ang nagsasabi sa aking pwede kong ligawan si Aya," Sagot n'ya. Dahil 'yon naman ang totoo, kahit s'ya nagtataka bakit todo tulak ang Mama ni Joshua sa kanya na ligawan n'ya si Aya, kahit napakabata pa nito. 15 palang si Aya, pero dalaga na ito kung magkikilos. Kahit sinasabi nilang notorious s'ya at lahat pinapatulan n'ya. Hindi naman n'ya sisirain ang pagkakaibigan nila ni Joshua.
Pagkatapos ng klase kaagad n'yang nakita si Ashley sa tapat ng sports car n'ya. Matapos ng mga nangyari kagabi ayaw na n'ya rito. Isa pa ano pa ba gagawin nya rito eh tapos na s'ya rito. Nakuha na n'ya ito ng ilang beses.
"Hi, Sean," Bati nito sa kanya ng makalapit na s'ya sa kotse n'yang sinasandalan ni Ashley. Alam n'yang sadya s'yang hinihintay ni Ashley sa kotse n'ya.
"What are you doing here?" Matamlay na tanong n'ya para ipakita na hindi s'ya interesado, na tapos na sila nito.
"Don't you miss me?" Maarteng tanong nito at hinawakan ang kwelyo ng polo shirt n'ya. Mabilis n'yang inalis ang kamay nito.
"Don't you know my rules?"
"What rules Sean?" Kunot noong tanong nito.
"Once is enough, twice is too much" Sagot n'ya.
"What do you mean?"
"Game over Ashley, find another guy, I will find a new girl," sagot n'ya at ngumiti pa rito, bago tinalikuran ito. At sumakay sa kotse. Kitang-kita pa n'ya ang gulat sa mga mata ni Ashley. Sanay na s'ya sa mga tulad ni Ashley, alam n'yang ang mga tulad nito ang nagsusubok na ma hook s'ya. Pero mas matalino s'ya rito. Pasimula palang ito, tapos na sa kanya.
Papalabas na s'ya ng gate ng campus ng makita nanaman ang babaeng umagaw ng atensyon nya kanina. Nakaupo ito sa guard house, marahil naghihintay ng sundo. Binagalan n'ya ang pagmamaneho para makita ng mas matagal ang babae. Mas malapitan ito ngayon, kaya kitang-kita n'ya kung gaano kaganda ang mga mata nito. Bilog na bilog ang mga mata nito, at may kakapalan ang kilay, matangos ang ilong nito at may makapal na labi, na syang usung-uso sa mga celebrities ngayon. Karamihan nga nagpaparetoke pa, para lang ma achieved ang magandang pout lips na meron ang babaing tinitignan n'ya ngayon. Isama pa na naka braces ang mga ngipin nito. Ayaw n'ya sa mga babaing may braces. Pero kagabi ng halikan n'ya si Samantha masasabi n'yang type na n'ya ang mga babaeng may braces.
Alam nyang hindi aware ang babaing tinitignan n'ya kung gaano ito kaganda even without make up. Mas gusto n'ya sa babae ang natural beauty, hindi 'yong halos foundation nalang ang mukha.
"Is that Samantha?" Tanong n'ya. Dahil tila may pagkakahawig ang babaing kanina pa umaagaw ng atensyon n'ya sa babaing hinalikan n'ya sa may kabilang bakod ng bahay ni Ashley. Gusto pa sana n'yang pagmasdang mabuti ang babae, pero nabibingi na s'ya sa mga busina sa likod nya. Kaya naman binilisan na n'ya ang pagpapatakbo ng sasakyan. Marami pa namang araw para makilala n'ya ito, at kung ito nga si Samantha well, he found his new playmate.
CHAPTER 3
Samantha
"Sorry, Sam ang tagal kasi ni Mr.Perez magpalabas eh," bungad ni Harvey ng lapitan s'ya nito sa may guard house.
Sam ang karamihan na tawag sa kanya ng mga malapit sa kanya, pati ilang mga ka eskwela. Bihirang-bihirang may tumatawag sa kanyang Samantha. May usapan kasi sila ni Harvey na magkikita sa guardhouse, para magpunta ng Ice Cream House at sabay ihahatid na rin sya nito.
"It's ok," nakangiting sagot n'ya at ngumiti rito.
Kaibigan n'ya si Harvey Dela Serna, mula pa pagkabata magkaibigan na sila. Minsan nga tinutukso na ng Mommy n'ya si Harvey sa kanya. Pero pareho nalang nilang hindi pinapansin 'yon ni Harvey. Dahil ayaw nilang magkailangan sa isat-isa. Magkapatid ang turingan nila sa isat-isa, isa pa maraming magagalit sa kanya pag naging sila ni Harvey. Isang engineering student si Harvey at nasa 3rd year college na ito mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon.
Alam n'yang maraming naghahabol na mga babae kay Harvey
Hindi lang dahil gwapo ito, may kaya din ito sa buhay at masasabi n'yang mabait ito, gentleman at hindi ganoong kababaero. Siguro dahil na rin sa may kapatid itong babae si Hainna Dela Serna, nunso sa tatlong magkakapatid na Dela Serna.
"Let's go," anyaya nito sa kanya at dinampot ang mga libro n'ya sa may mesa.
"Sorry pala last saturday hindi ako naka attend sa debut mo. Sii Hainna kasi nagpasama sa Maynila, ang trapik kaya hindi na ko naka abot," paumanhin nito habang naglalakad sila palapit sa Montero nito.
Kahit papano nalungkot s'ya ng hindi ito, naka attend sa birthday n'ya, pero ganoon pa man may isang pangyayari naman ng gabing 'yon ang hindi n'ya makakalimutan kahit kailan.
Her first kiss with Mr. Sean Monteverde.
Napahawak pa s'ya sa mga labi ng maalala ang paghalik ni Sean sa kanya. Napangiti s'ya at napasulyap sa labas ng bintana. Alam n'yang balewala lang kay Sean ang paghalik nito sa kanya, dahil sa napakababaero nito. Baka nga hindi na maalala pa ni Sean na nahalikan s'ya nito. Pero ikinatuwa n'ya ng sabihin ni Sean ang pangalan n'ya, Samantha. Nagtaka pa s'ya kung bakit alam nito ang pangalan n'ya, hindi naman s'ya hot tulad ng mga kilala nito sa SMU. Pero labis n'yang ikinatuwa 'yon.
"Why are you smiling?" Tanong ni Harvey. Nilingon n'ya ito na nakangiti habang nakatingin sa kanya.
"Nothing," saot n'ya na hindi pa rin mawala sa mga labi ang ngiti. Inayos pa n'ya ang salamin sa mata, at muling binalik sa labas ng bintana ang tingin.
"Did I missed something at your party?" Tanong ni Harvey pagdating nila sa Ice Cream House.
"Nothing special," mabilis na sagot n'ya. Kahit kaibigan n'ya si Harvey hindi pa rin n'ya basta-basta masasabi rito ang tungkol kay Sean. Nahihiya s'ya rito, isa pa lalaki ito, baka sabihin n'ya na bakit kailangang big deal pa sa kanya ang simpleng halik ni Sean.
"Wala ka bang nakilalang espesyal birthday mo?"
"Huh?" Nagulat pa s'ya at muntik ng masamid sa tanong nito.
"Bakit gulat na gulat ka?" Natatawang tanong nito habang kumakain ng ice cream.
"Wala, wala naman," mabilis na sagot n'ya. Sino ba naman ang makikilala n'ya sa debut n'ya, eh lahat ng mga umattend ka eskwela lang n'ya at ilang mga anak mayaman na sadyang inimbita ng Mommy't Daddy n'ya, para naman daw makilala s'ya at baka sakaling mapansin sya. Ang bagay na 'yon ang madalas n-yang ikinaiinis sa mga magulang, parang atat na atat ang mga ito na magka boyfriend s'ya ng mayaman. Hindi naman siguro sila gagapang sa hirap kung sakaling mahirap lang ang maging boyfriend n'ya.
"Akala ko pa naman may ikukwento ka na sa aking manliligaw mo," sagot nito at kumuha ng ice cream sa bowl n'ya. Hindi n'ya ito sinaway, sanay na s"ya sa mga ganoong kilos ni Harvey.
"Asa ka pa! Eh mukhang wala na nga akong pag-asa eh," nakasimangot na sagot n'ya, at nilayo ang bowl ng ice cream sa kanya. Nawalan na s'ya ng ganang kumain. Pakiramdam kasi n'ya walang nagkakamaling magka gusto sa kanya. Hindi naman s'ya pangit, 'yun nga lang hindi rin s'ya maganda, tulad ng mga naggagandahan sa SMU, na parang mga model kung manamit at magdala ng mga sarili. Samantalang s'ya, walang lakas loob na magsuot ng mga modernong damit. Masaya naman s'ya sa kung ano lang ang nasusuot n'ya dahil at least kumportable s'ya sa suot nya. Pero syempre minsan pangarap din n'yang pagtinginan ng mga gwapong ka eskwela habang naglalakad sa campus nila. Parang ang sarap kasi sa pakiramdam non. Pero syempre isa lang 'yon sa libong pangarap n'ya sa buhay.
"Sam, you're beautiful with classy attitude," sabi nito at pinisil pa sy'a sa pisngi.
"If I am beautiful, then why hanggang ngayon wala pang nanliligaw sa akin?" N
Nakasimangot na tanong n'ya. Dahil gusto na n'ya talagang maranasan ang maligawan, 'yun bang may pupunta sa bahay nila at magdadala ng mga bulaklak at chocolates. Pagkatapos ihahatid at susunduin s'ya sa SMU, o di kaya 'yung kakain sila sa labas bago umuwi. Parang ang sarap sa pakiramdam ng ganon, pero kailan ba n'ya 'yon mararanasan?
"Come on, 18 ka palang huwag kang magmadali, who know's parating na si Prince charming mo,"
"Paasa ka naman eh! Ilang taon muna bang sinasabi sa akin yan?" Taas kilay na tanong n'ya rito. Dahil sa tuwing mag-uusap sila nito tungkol sa mga ganitong bagay, lagi nalang isinasagot nito na huwag syang magmadali, parating na si Prince Charming mga pampalubag loob na sagot nito sa kanya.
"Sam, hindi kita pinapaasa lang. Darating din s'ya soon," sagot nito at kinindatan pa s'ya.
"Ewan ko sa iyo," Nakasimangot na sagot n'ya.
Si Harvey lang ang kaibigan n'ya, wala syang kaibigan na babae, kaya naman nagtitiyaga lang sya rito na magsabi ng mga feelings nya, kahit madalas hindi sya nito naiintindihan. Ewan ba n'ya kung bakit parang ang hirap sa kanya ang makipag kaibigan sa mga kaklaseng babae. Para s'yang walang tiwala sa mga ito, o tamang sabihin na na iinsecure s'ya sa kapwa nya babae, lalo na't pag maganda ito at malakas ang dating. Kaya naman hindi nalang s'ya nakikipag kaibigan. Bamahay eskwela lang s-ya at kung mamamasyal sa labas tiyak si Harvey lang ang kasama n'ya wala ng iba. Tulad ngayon nasa Ice Cream House. Para silang nag de-date dahil karamihan ng mga naroon mga couples, sila naman friendly date. At nagpapasalamat s'ya dahil laging may oras sa kanya si Harvey.
"Bye, Harvey thank you for the ride" Paalam n'ya kay Harvey ng makababa na ng kotse nito.
"Anytime," sagot nito at nagpaalam na rin sa kanya, kaya naman tumalikod na s'ya para pumasok sa gate ng bahay nila. Napasulyap pa s'ya sa kapitbahay nila na si Ashley na kabababa lang ng magarang sasakyan sa tapat ng gate nito.
Napatingin s'ya rito at naalala si Sean
Marahil si Ashley ang kasama ni Sean ng gabing tumalon ito sa bakod nila. p
Pasimple pa n'yang sinilip kung si Sean ang naghatid kay Ashley pero hindi, ibang lalake ang kasama nito.
Napalunok sya habang pinagmamasdan si Ashley. Maganda ito blonde ang kulot na mahabang buhok nito. Nakasuot ito ng fitted white blouse with leather jacket, black skirt with black stocking and red killer heels shoes. Marahil mga ganito ang tipo ni Sean fashionista at halos litaw na ang kaluluwa. Humugot s'ya ng malalim na paghinga at nalipat sa lalaking kausap ni Ashley ang mga mata. Gwapo din ito, funky ang style, malayo sa neat but astig na style ni Sean.
"What do you want?" Mataray na tanong ni Ashley. Marahil napansin nito na kanina pa s'ya nakatitig sa mga ito.
"Ah... nothing," Umiiling na sagot n'ya at mabilis na tinulak ang gate papasok.
"Loser," narinig pa n'yang sabi ni Ashley bago s'ya tuluyang nakapasok ng gate.
"b***h," Mahinang bulong n'ya at natuptop pa ang sariling bibig, nabigla sa nasabi n'ya.
READ MORE ON DREAME 🠟🠟🠟
Web-version DREAME
Mobile version DREAME

Comments
Post a Comment